JED'S POV
"Wag mong gawin yan!" patuloy na sigaw ni Kaye pero pinipilit kong wag syang tingnan baka kasi hindi ko kayanin kung makita ko ang pangit nyang mukha na umiiyak.
Ayoko nang muli pang makitang nasasaktan sya. Hindi ko na kaya. Akala ko kaya ko pero mahirap pala.
Ang daming masasakit na salita ang palagi kong sinasabi sa kanya para lang masanay akong makita syang umiiyak pero lalo lang lumalambot ang puso ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya pero shit! Wala akong gusto dyan noh! Ang pangit nya. Isip bata. Iyakin sya. Mahina sya. Uto-uto. At higit sa lahat..
Bwisit ang babaeng yon. Ako ang laging nahihirapan dahil sa katangahan nya. At ngayon may gagawin pa akong isang F*cking shit para sa kanya. Nakakainis.
Pasalamat tong mga matatandang kumag na humarang kay Kaye matitikman nila ang halik ng isang prinsipe. Tsk. Mas malaki lang sila sa akin eh kaya natalo ako.
Nakakahiya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako natalo at sa harap pa ng karibal ko. Pahamak ka talaga Kaye.!
Siguradong pagtatawanan ako ng bruhang Kaye na yan pagkatapos nito. Sinadya nya ata toh eh. Pero bahala na. Gagawin ko na para matapos na.
Ito na.....
"Tama na yan bata."
CHESKA'S POV
Ayokong makita..
Ayokong makita..
Ayaw ko.
Pikit ng mata.. (-_-)
Pigilan ko na lang kaya?
Pero paano? (?_?)
Ayokong makita..
Ayokong makita..
Ayaw ko.
Siguradong sisingilin pa ako ng tipaklong na yon pagkatapos nito. Imposibleng walang kapalit ang gagawin nyang paghalik sa paa ni Mr. Piggy. Ew! Isang malaking sakripisyo para sa kanya ang bagay na yon at sure na sure talaga ako na magbabayad ako sa kanya. (T^T)
Haaaaayyy! Anong kabayaran naman kaya ang binabalak nyang hilingin sa akin? (O^O) (?//?) (T^T)
Sana may superhero na dumating para buhatin kami at iligtas. I'll give him my first kiss kapag nangyari yon kaso sabi nila wala daw superhero kaya hindi magkakatotoo ang wish ko. ;(
"Tama na yan bata."
Huh? Sino yong nagsalita? Si Superman ba yan? O baka naman si Batman? Yehey!! Sabi na nga ba totoo ang mga superhero eh.!
"Hoy sino ka?! Wag ka ngang mangialam dito!" sabi nung mataba
"Tsk. Umuwi na nga kayo! Kilala nyo ba kung sino tong mga inaaway nyo, ha?" sabi nung lalaki habang tinutulungan nya si Jed tumayo
"Bakit sino ba sila?" tanong naman nung payat
"Ang lalaking ito.." tinuro nya si Jed "Sya lang naman ang tagapagmana ng lupaing tinutungtungan nyo ngayon."
Nakita kong napanganga sila dahil siguro namangha sila o kaya naman ay natakot dahil sa ginawa nila kay Jed at alam nilang mapaparusahan sila.
Hahaha. Lagot kayo kay SpongeBob!!! ;3
"At sya naman..." tinuro naman ako nung lalaki "Anak lang naman sya ng isa sa pinakamayamang tao pagdating sa buiseness sa ating bansa." medyo nanginig yong mataba tapos bigla nalang sya tumakbo palayo.
BINABASA MO ANG
Moon Princess (slow update)
RomancePaano kung isang araw, dumating na yong oras na lahat ng sekreto ng bawat isa ay ibubunyag na? At ang magbubunyag nito ay ang lalaking pinakamamahal mo at punong-puno ng misteryo? Paano ang sekreto mo? Matagal na nya palang alam? Bakit hindi nya sin...