Chapter 8 - Princess Princess

60 9 0
                                    

Aalis na sana ako pero ayaw maglakad ng mga paa ko dahil siguro sa takot na baka makita nila ako. 

Sino ba naman kasi ang hindi matatakot? Mga grupo ng mga gangster ang nasa harapan ko noh at nakakatakot itsura nila. Baka pag nakita nila akong tumakbo paalis habulin ako at baka kung anong gawin sa akin diba?

Kaya naisipan ko nalang na manatili muna dito sa likod ng malaking poste hanggang sa makaalis sila.

Gusto ko rin pati malaman kung bakit andito si Silver. Naguguluhan kasi ako. Prinsipe sya eh anong ginagawa nya dito kasama ang mga gangster at bakit naka-gangster outfit din sya.? Prinsipe nga ba talaga sya? Oh baka naman mali yong mga information na sinabi sa akin ni Pink.? Baka naman ibang Silver yong Prince at iba rin yong Silver na toh.? Tama! Magre-research nga ako mamaya para masagot lahat ng katanungan sa isip ko.

Naririnig ko lahat ng pinag-uusapan nila pero hindi ko maintindihan. Basta ang alam ko lang na pinag-uusapan nila ay tungkol sa Moon Princess daw? Sounds familliar nga eh pero hindi ko maalala. May sakit kasi ako eh. Amnesia ata every 5 hours? Haha joke lang. Wala akong sakit pero sadyang makakalimutin ako.

Sumilip ako sandali para makita lalo yong mga itsura nila.

"The Moon Princess is here..." sabi nung gangster na may red hair

"Yeah, alam namin. Kaya nga andito kami para hanapin eh." sabi naman nung may blue hair

"No. You don't understand. Look!" sabi nung may red hair sabay turo sa akin.

Waaaahh! (TT_TT) Nakita nila ako! Kailangan ko ng umalis dito kung hindi baka patay na ako bukas.

Tumakbo ako ng mabilis tapos hinabol nila ako. Nung nakalabas na ako sa eskinita lumingon ako sandali tapos nakita ko si Silver naglalakad lang at mukhang kampante.

Wala ba syang balak tulungan ako? O kaya naman ay patigilin yong mga kasamahan nya? Nakakainis talaga sya! Makasarili sya! Hindi nya iniisip ang iba! Classmate naman nya ako eh bakit wala syang balak na tulungan ako? Wala naman akong nagawang masama sa kanya eh. (>///<) Ang sama-sama nya!

May dumaan na taxi at agad kong pinara yon para makatakas sa kanila. Ano bang kasalanan ko at bakit nila ako hinahabol? Hmm. Oo alam ko may mali akong ginawa. Nakinig ako sa usapan nila pero tama bang habulin nila ako dahil lang dun? Wala naman akong alam sa pinag-uusapan nila eh. Hindi ko nga ma-gets. Kaya lang naman ako nagtagal dun dahil gusto kong malaman kung bakit andun si Silver. Ang sama-sama na nga nya tapos sya pa nagdudulot ng kamalasan ko! (>///<)

Agad akong sumakay sa taxi tapos tiningnan ko yong mga nanghahabol sa akin. Wala naman na sila? Siguro naisip nila na walang kwenta ang panghahabol nila sa akin dahil wala naman silang mapapala.

Haaaaaayyy! Salamat at nakaligtas ako.

"I told you so." biglang sabi sa akin nung driver

"Po?" yon lang nasabi ko. Baka kasi hindi naman ako yong sinasabihan nya. Iginilid nya yong sasakyan tapos humarap sya sa akin. Tinanggal nya yong cap nya tapos nag-smile sya.

"Ikaw?!"

"Yep. Oh ngayon wag ka ng tatanging ihatid kita sa inyo." sabi nya habang may hinahanap sa likod ng upuan nya. 

"I'm a taxi driver this time at dahil trabaho kong ihatid ang aking pasahero at ikaw ang pasaherong iyon, hindi mo naman siguro balak na bumaba at maghanap pa ng ibang taxi ano?" he explained tapos may iniabot sya sa akin na brown envelope.

Binuksan ko yon at ang laman ay mga license at I.D. nya na nagpapatunay na taxi driver nga sya. Dahil sa gulat na taxi driver ang schoolmate ko eh samantalang puro rich dun at hindi tumatanggap ng over-aged, wala akong nasabi at nag-nod nalang ako.

Moon Princess (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon