Chapter 4 - Crazy Girls On Mission (Part Two)

108 8 1
                                    

___________________________________________________________

A.N. : Dahil February na, nag-UD ako para sa inyo! =D

          Maraming salamat sa mga nagbabasa!

___________________________________________________________

Chapter 4

Nagising ako ng maaga ngayon dahil biglang tumunog ang cellphone ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

From: Ashleyn Marie Dela Torre

"Love is like a rose" - yan ang motto for this coming month kasi........

IT'S FEBRUARY!!!  Month for our hearts! Haha. Goodmorning!  >>>GM<<<

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

(>.<) Haaaaaaayyyy! Si Ash lang pala. Akala ko emergency na at ganito kaaga. May pa-love love pang nalalaman ang bruha eh malayo naman yong quote nya kasi dapat positive dahil nga araw ng mga puso pero tinik ata ang iniisip kaagad.

Bumangon na ako at bumaba para kumain ng breakfast then nanuod lang ako saglit ng news report. Pagkatapos nun ay nag-ready na ako para sa pagpasok.

After 20 minutes ay nakarating na ako sa school at naupo na lamang. Wala kasi akong makausap kasi puro tahimik lang ang nandito sa room namin ngayon at busy sa pagbabasa ng kung anu-ano.

Dumating na rin yong iba naming mga kaklase mga ilang minuto din pero wala pa rin ang apat na bruha. Haaaaaayy! Ang tagal naman nila?!

"EEEEEEEEHHHHHHHHHHH   KYAAAAHHHHH EEEEEEEHHHHHHHHHH KYAAAAAAAHHHHHH !!!" biglang sigaw ng mga babae sa baba ng building

"Anong meron dun?" tanong ng seatmate ko na si Anne

"Malay ko ba? Andito ako eh!" mataray na sagot ko kasi naiinis ako (>_<)

"Toh naman si Purple ang aga-aga ang sungit-sungit!" sabi nya

"Sorry lang naiinip na ako eh!" sabi ko

"Tara nga tingnan natin!" sabi nya habang hinihila ang kamay ko

"Ikaw na lang! Ayoko sumama! Baka kung ano lang yon." sabi ko habang pinipigilan ang panghihila nya sa kamay ko

"Tara na kasi!" pilit nya sa akin

"Ayoko nga eh!" sigaw ko

"Sige." sabi nya at binitawan na nya ang kamay ko "Bahala ka dyan. Mag-isa ka na dito oh. Lumabas na silang lahat." sabi nya na mukhang nananakot

Tumingin ako sa paligid at tama sya. Kaming dalawa na nga lamang ang nasa loob ng room. Pagkalingon ko sa kanya malapit na sya sa pinto at nakangiti na parang nananakot

"Ang sabi pa naman nila may mga ....." sabi nya

"Waaaaaahh! Oo na! Sasama na ako! Wait lang!" putol ko

"Haha! Takot ka pala sa multo? Haha!" sabi ni Anne habang naglalakad na kami sa corridor

"Hindi ah!" pagtanggi ko

"Weh? Kunwari pa eh! Aminin mo na! Atin lang naman eh!" sabi ni Anne

Ang O.A. naman ng isang toh. Masyadong big deal ba sa kanya ang pagiging matatakutin ko sa multo? Actually, hindi naman ako matatakutin kung kasama ko ang mga kaibigan ko eh. Dahil sila ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob (except Cheska the engot LOL).

"Pu-kah!!!" biglang may tumawag sa akin.

Kilala ko na toh, si Cheska the engot. Haaaaayy naku! Ito nanaman ang baliw kong kaibigan na walang sawang tawagin ako sa pangit na palayaw ko daw na sya ang nagbigay. Haaaaayy! (-__-)

"Pu-kah nakita mo na ba sya? Nakita mo na? Ha?" paulit-ulit na tanong nya sa akin

"Ano ka ba naman Chek! Ang O.A. mo!" sigaw ni Bloom

"So? Anong masama dun?" sabi naman ni Cheska

"Pangit tingnan! Hindi bagay!" sagot ni Bloom

"Inggit ka lang sa akin noh! Kasi ako bestfriend ni Pu-kah! Haha. Di ba Pu-kah?" sabi ni Cheska sa akin

"Bakit naman ako maiingit eh tingnan mo nga oh! Ayaw nya yong nickname na binigay mo1 Pinagtitiisan nya lang yan matagal na! Haha." Bloom habang nang-aasar ang ngiti

"(>_<) Nakakainis ka talaga Bloom!" sabi naman ni Cheska na parang naiiyak na

"Ano ba kayong dalawa! February na kaya dapat magmahalan tayo!" biglang sabi ni Ash

"Oo nga!" sabi naman ni Cheska habang naka-puppy eyes

Haaaaayyy! Ang kukulit talaga ng mga ito kaya sumasakit ulo ko eh! (>_<)

"Tumigil na nga kayo!" biglang sigaw naman ni Pink

Natahimik ang lahat at nagpaalam na si Anne sa akin na pupunta daw sya sa crowd. Actually, hindi naman na-weirduhan sa amin si Anne sa mga ways ng pagkukulitan at asaran ng aming barkada dahil matagal na kaming ganon since first year pa.

Sikat nga kaming magbabarkada eh dahil unique daw ang samahan namin at dahil na rin sa mga pamilyang pinanggalingan namin.

Si Cheska Kaye Abad, anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa buong Asya. Maganda rin sya, isip-bata, maputi, matalino? Hmmm. Mas matalino ako! Haha. Joke lang! Matalino sya dahil mabilis maka-pick up pero uto-uto at walang common sense. Actually, meron naman pero mababaw sya mag-isip. May lahing korean kasi lola nya korean ang tatay at pilipino naman ang nanay kaya medyo singkit lang sya.

Si Ashleyn Marie Dela Torre, galing sa pamilyang sikat sa politika.  Lagi ngang may mga body guard na nakabantay dyan eh. Maganda sya, maputi, mayaman, matalino, tahimik, at hmmm. Ah basta! Sya pa lang ang nagka-boyfriend sa amin. Si Nathan yong ex nya, yong nangba-blackmail sa akin. Kainis sya! (>_<)

Si Bloom Shayne Clarkson, anak ng isang sikat na may-ari ng fast food na may iba't-ibang branches sa buong mundo. Medyo mestisa kasi ang lolo nya ay Amerikano. Maganda, maputi, mayaman, matalino, mabait, madaldal, at medyo makulit din.

Si Pink Geline Perez, anak din ng isa sa pinakamayamang negosyante sa buong Asya. Maganda, matalino, maputi, masungit minsan, moody, karibal ko daw sabi nung iba at ewan ko pa! Sya ang hindi ko gaanong ka-close sa aming magkakaibigan dahil KJ at tahimik lang sa isang tabi. pasulpot-sulpot lang at hindi sya gaanong nagshe-share ng secrets nya.

"Tara na nga sa taas!" sabi ni Cheska habang hinihila ako

Sumunod na din yong tatlo at hindi na namin pinansin kung anong meron dun sa crowd.

Moon Princess (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon