Time Check : 4:00 pm
4:00 palang pero nakita kong lumabas na ng inner campus si Silver kahit hindi pa naman allowed dahil 4:30 pa pwedeng magpalabas ng estudyante. Mukhang nagmamadali sya. Siguro may emergency kaya lumabas na sya.
"Pu-kah, natapos mo na ba yong task sayo?" Chek asked
"Ah hindi pa. Mayang gabi ko tatapusin sa bahay nila Ash." I answered
"Pwedeng sumama? Hindi ko pa din tapos yong akin eh."
"Yup. 6pm ang usapan namin. Daanan pa kita?"
"Nope. Wag na. Si Dad dumating kanina eh kaya I'm sure sya maghahatid sa akin."
"Okay. Si Bloom at Ash? Kanina ko pa sila hindi nakikita. Dapat kasi nag-join group nalang tayo sa paggawa."
"Nasa library si Bloom tapos nasa research room naman si Ash. Sabi nila mauna na tayo umuwi kasi may dadaanan pa daw silang dalawa kaya sila nalang ang sabay."
"Ah ganun ba. Okay sige let's go."
"Pero wala pang 4:30 eh. Tambay na lang muna tayo sa canteen."
"Mukhang pagkain ka talaga!" sabi ko kay Chek tapos nagtawanan kami.
Tulad ng sinabi nya, tumambay lang kami sa canteen tapos nagmeryenda. Nung nag-ring na yong bell lumabas na kami kaagad. Naunang umuwi si chek kasi yong sundo nya nasa parking area na tapos ako naghintay pa ng ilang minuto dahil wala pa yong sundo ko.
Matapos ang 10minutes na pagtambay sa mga garden box sa parking area ay tinawagan ko na ang aming driver at ang sabi ay traffic daw kaya naisipan kong magcommute nalang. Nung una ayaw akong payagan nung driver namin kasi baka daw mapaano ako at mananagot sya pero napapayag ko na rin nung sinabi kong may pupuntahan ako mamayang 6pm at baka ma-late ako.
Nagsimula na akong maglakad palabas sa parking area ng campus. Mga 5minutes siguro saka lang ako nakalabas talaga ng campus. Malawak kasi tong school namin kaya matagal kang makakalabas kung lalakarin mo.
First time kong magco-commute. Lagi kasi akong hatid sundo. Buti nga at nabawasan yong driver namin eh. Dati kasi kapag nasiraan yong regular na naghahatid sa akin ay may nakareserbang dalawa sasakyan na naka-stay lang dito sa school tapos pag nasiraan din yung dalawang iyon may nakareserba pang iba na naka-stay sa mga lugar na regular kong pinupuntahan pag weekends tulad ng simbahan, malls, sports area, and etc. Pinilit ko parents ko na gawin nalang isa dahil sobrang O.A. naman sa dami and thanks God pumayag naman sila.
Naglakad-lakad muna ako kasi walang nadaan na taxi dito sa school namin. Wala naman kasing nasakay ng taxi kasi nga puro may sundo at mayayaman ang nag-aaral dito.
Nakita ko yong mga schoolmates ko na mukhang nagulat nung nakita nila akong naglalakad palayo sa school. Yong iba naman nagtataka at meron din namang natatawa. Ewan sa kanila. Anong nakakatawa sa paglalakad ko? May masama ba dun? Masama na bang gamitin ang paa sa labas ng campus? Tsk.
"Hatid na kita." biglang yaya sa akin ng isang lalaki na schoolmate ko din kasi pareho kami ng school uniform eh pero hindi ko sya kilala kaya tumanggi ako.
"Wag na. Okay lang naman."
"Hatid na kita. Baka mapaano ka pa dyan." pilit nya sa akin. Makulit ha.
"Hindi. Okay lang naman eh." tanggi ko pa rin.
"Nasan ba ang sundo mo?" he asked
"Wala pa. Traffic eh kaya mauuna na ako baka kasi ma-late ako sa pupuntahan ko."
"Ahh. Ganun ba." sabi nya then he smiled at me. "Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid?" he asked me again. (=_=) Ang kulit.
"Yeah. I can take care of myself. Don't bother yourself anymore." I answered
"Tsk. Okay. Bahala ka. You don't know how dangerous outside world is." he said meaningfully tapos tumalikod na sya at nag-wave ng kamay.
(=_=) Ang weird naman nun. Ano ako bata na walang alam sa paligid? Tsk. Minamaliit nya ang kakayahan ko kahit di naman nya ako kilala. Ang yabang. I'm a big girl and I know that I can take care of myself! Not only myself....my friends also...all that I love and I care.
Nang makatawid na ako sa street ng school namin, paparahin ko na sana yong taxi na dumaraan para umuwi pero may narinig akong familliar na boses galing sa eskinita sa gilid kaya naisipang kong sumilip para tingnan kung sino ang may-ari ng familliar na boses na yon.
Lumusot ako sa eskinita na ang baho-baho pala. Amoy ihi at nakakasuka. Nakakadiri. Bakit ba kasi naisipan ko pang pumunta dito?
Nagtago ako sa poste sa tabi at sinilip ko kung sino ang familliar na boses na yon at laking gulat ko na lamang ng makita ko si........Silver???
Naka-black coat sya tapos may mga kung ano-anong accesories na panglalaki ang suot nya. Para syang adik. Hindi pala adik kundi..........GANGSTER!!!
Nananaginip ba ako? Anong ginagawa nya sa ganitong klase ng lugar? Bakit ganyan ang itsura nya? May sikreto ba sya?
Madaming katanungan ang pumasok sa isip ko at hindi ko alam kung masasagot nga ba.
At may isa pang katanungan ang nahirapan talaga ako.
Is he really a Prince or a Gangster???
A.N.: Hello! Haha ganado ako mag-UD eh noh? Araw-araw na. Haha. Salamat pala sa mga nagbabasa at nagvo-vote kahit kaunti lang. Nalungkot naman ako kanina. Nabawasan ang followers ko. Hmm. Bakit? Waaaaahh! Nabawasan ang mga inspiration ko. (TT_TT)
Anyway, yong mga korean addicts dyan, hello! Korean War na po! Please help by praying for them na sana stop na sila. Kawawa naman yong mga madadamay and yong mga gwapo at cute na koreans. Mga future boylet ko sana ligtas sila. Haha joke lang. XD.
Hmm. Wala na akong maisip pa. Ang hinihiling ko lang more followers para more inspirations. Haha. Bye!
-Ayeshapple
BINABASA MO ANG
Moon Princess (slow update)
RomancePaano kung isang araw, dumating na yong oras na lahat ng sekreto ng bawat isa ay ibubunyag na? At ang magbubunyag nito ay ang lalaking pinakamamahal mo at punong-puno ng misteryo? Paano ang sekreto mo? Matagal na nya palang alam? Bakit hindi nya sin...