Natulala ako sa naisip ko na baka.. na baka.. a-anak nilang dalawa ang mga batang nasa larawan kaya hindi ko na rin napigilang umiyak.
Imposible p-pero ang sakit. Sobrang sakit.
P-paano nangyari toh? Paano nya nagawa sa akin toh?
Bakit di nya sinabi?
Paano nya ako nagawang lokohin?
Imposible.
Napaupo ako sa sahig dahil nanghina ang mga tuhod ko. Di ko alam kung ano ang gagawin.
Hindi ko alam kung tama nga ba ang naiisip ko pero hindi ko rin naman magawang itanong kay Carla kung tama nga ang naiisip ko dahil natatakot ako.
Natatakot akong marinig ang katotohanan.
Natatakot akong masaktan pero nasasaktan naman na ako ngayon diba pero bakit hindi ko kayang malaman ang totoo?
Nasasaktan naman na ako ngayon ah!
Lumapit si Carla sa akin at niyakap ako.
"Hey sis anong problema? May masakit ba sayo?" ipinatong nya ang kamay nya sa noo ko tapos kumuha sya ng tubig
"C-carla.." *sniff* tumingin sya sa akin "s-sagutin mo *sniff* ang tanong ko.."
Kumuha sya ng panyo sa bag nya tapos ibinigay nya sa akin. "Sige, ano yon sis?"
Nang medyo kumalma na ako, naglakas loob na akong itanong sa kanya ang bagay na ayaw kong marinig ang katotohanan.
Wala akong mapapala kung hindi ko susubukang alamin kaya handa na akong masaktan. Handa na akong lalo pang masaktan sa katotohanan.
"S-sila.." Tinuro ko ang dalawang bata sa pictures. "A-aanak nyo bang dalawa ni Nate ang mga batang yan?"
Tumingin sa akin si Carla. Mukha syang seryoso. Parang pinag-iisipan nya kung ano ang sasabihin nya.
"Ash?." sabi nya tapos bigla nyang pinaghahampas ang sahig at tumawa sya ng tumawa. "Hahahahaha..hahaha"
(O_ _O?)
Bakit? Anong nakakatawa sa tanong ko?
"OMG Ashy! Whahahaha!!" sabi nya habang tawa pa rin sya ng tawa "I can't believe this! Hahahaha!!"
Itinayo nya ako at ti-nap ang likod ko "Ikaw talaga sis kung ano-anong iniisip mo." kinuha nya sa akin ang mga pictures "ang mga batang nasa larawan na yan ay,..hahahaha" tumawa nanaman sya (=_ _ _=)
"Hahahaha..s-sorry..hmmm.." inayos nya ang bag nya "ang mga batang nasa larawan na yan ay kami ni Nathan noong kinder palang kami.. Bestfriends kami noon dahil ako ang pinaka-close nya sa lahat ng cousin nya.."
Err? What did she say?
(O///O)
Nakakahiya.
(>///<)
"S-so, i-ibig sabihin..." tinusok-tusok nya ang pisngi ko tapos tumawa ulet sya
Hinila nya ako papunta sa gilid ng rooftop.
"Yeah, we're cousins. I'm here para i-explain sayo ang lahat kaso bigla ka naman dyan umiyak. Hahaha.. Pero sis, I like you for Babes." sabi nya tapos she wink at me
Nakaharap ako sa kanya tapos ipinihit nya ang mukha ko pababa sa ground floor. Sobra akong na-shock sa nakita ko.
It was Nate and he is holding boque at sa likuran nya ay ang mga schoolmates ko na may hawak na malaking banner na ang nakasulat ay 'I'm sorry Ashy.. Will you be my girl again?'
Napaluha ako sa nakita ko kaya agad akong tumakbo pababa at niyakap si Nate.
"Nate, ako ang dapat na mag-sorry sayo.."
Inilagay nya ang daliri nya sa labi ko. "Ssshh.. Hindi mo kailangang gawin yon.. Ako ang dapat na mag-sorry dahil napabayaan kita--"
"No Nate.." putol ko "Ako ang dapat na mag-sorry.. Nakipag-break ako sayo ng walang dahilan.. Sorry talaga.. Akala ko hindi na kita mahal pero ngayon alam ko na, na---"
"I love you too.." putol nya
(>///<) Di pa nga ako na-I love you eh.
Tumawa ako tapos he kissed my cheeks.
"I love you forever.." bulong nya sa akin
Nagpalakpakan ang mga naka-palibot sa amin tapos hinila kami ni Purple papunta sa classroom namin.
***
Mga ilang minuto din kaming nagkwentuhan tapos umalis na din si Nate. Pero bago sya umalis may ibinigay sya sa aking envelope.
"Yes!!. Hahaha" tawa ni purple tapos inagaw nya sakin yong envelope
"Purple naman eeh! Akin na yan!" hinabol ko sya
Paikot-ikot kami sa classroom hanggang sa mapagod kami't nagpahinga.
"Hahahaha!! Hahaha!" biglang tumawa ng tumawa si Purple habang binabasa na nya pala ang nasa loob ng envelope "Hahaha.."
"Oy bakit, anong sabi dyan?" tanong ko sa kanya
"Si Nat-nat, hahaha ang corny na nga nya kanina, ang corny nya pa sa sulat...hahaha"
"Patingin din akooh!" sigaw ni Cheska tapos tumakbo sya palapit kay Purple
"Dear My Love, Sana nagustuhan mo ang suprise ko sayo kanina.. ayieeehh" -Purple & Cheska
(O///O)
"I'll pick you up later, 7pm.." -Purple & Cheska "Ayieeehh!! Magde-date sila!!"
"Wag nyo ngang basahin yan!!" lumapit ako sa kanila tapos tumakbo sila palayo "Akin na yan!!"
"Hahaha.. I love you forever, nuh moo saranghae!.. ayieehh Ashy" -Purple & Cheska "Hahahaha!!"
Nakakainis. Kaya ayokong nagshe-share ng love story eeh. (>///<)
Hinabol ko sila tapos hinagis nila sa akin ang envelope ng mapagod na sila.
"Ang co-corny talaga ng mga may love life noh.?" sabi ni Purple
"Ganun talaga Purple kapag inlove ang tao.." sagot ni Bloom
"Haha.. I know.. Anyways, malaya na ako ngayon.. Hahaha." sabi ni Purple habang ini-stretch stretch pa nya ang braso nya
Lumapit sa akin si Purple at ti-nap nya ang balikat ko.
"Ashy, wag na kayong maghihiwalay ni Nat-nat ha.? Ang hirap kayang mag-plano na pagbatiin kayo.." sabi nya tapos tumawa sya
Nag-nod ako sa kanya tapos saktong dating ng teacher namin kaya bumalik na kami sa kanya-kanya naming upuan tapos napatingin ako kay Purple.
Nakatingin sya sa labas ng bintana at parang ang lalim ng iniisip nya.
"P-purple.."
BINABASA MO ANG
Moon Princess (slow update)
RomancePaano kung isang araw, dumating na yong oras na lahat ng sekreto ng bawat isa ay ibubunyag na? At ang magbubunyag nito ay ang lalaking pinakamamahal mo at punong-puno ng misteryo? Paano ang sekreto mo? Matagal na nya palang alam? Bakit hindi nya sin...