Pagka-akyat namin sa classroom tuloy-tuloy pa rin ang sigawan sa baba. Tsk. Ano bang meron dun? Barkada lang naman namin ang pinagkaka-abalahang pagtsimisan ng mga estudyante dito at napapa-wow lang naman sila sa amin kapag may mga program o school ocassion pero ngayon regular school day lang naman bakit ganyan? Puro sigawan at hiyawan ng mga kinikilig na babae.
"Oy pu-kah, nakita mo ba yong kanina?" tanong ni Chek sa akin tapos ganito mukha nya --> ($_$)
"Hindi eh. Ano bang meron?"
"May gwapo!" sabay na sabi ni Chek at Bloom
"Gwapo?" (=_=) Gwapo lang pala akala ko naman kung ano na.
"Oo at hindi lang basta gwapo..." Bloom
"Eh ano?"
"He's a Prince!" sabay na sabi ni Bloom at Chek
Tsk. Prince lang pala. Ano daw meron dun?
(=_=)
(o_o)
(O_O)???!
"A prince?!" gulat na tanong ko sa kanila. Uso papala yon? Haha. Ang weird naman.
"Oo. According sa research ko last night, Silver ang name nya. Sya ang prinsipe ng Black Castle." sabi ni Ash habang binubuksan ang tablet nya
I can't believe this. Ang alam ko lang sa Italy, Europe or whatever na bansa lang ang may mga Prince basta wala sa Asya tapos ngayon may prinsipe na dito sa school namin? Haha. Astig ha.
"Eh bakit daw ba nandito sa school natin yan?" I asked.
Anak ako ng may-ari ng school pero hindi ako updated sa nangyayari. (=_=) Daig pa ako ng mga nag-aaral lang dito. Kasalanan ni Nathan toh. Ang dami kasing pinapagawa sa aking plano.
"Hmm...ang alam ko..sya ay guest ata?" Chek
"Engot mo talaga Chek. Ano tong school natin? T.V. show na may mga guest?" Bloom
"Grabe mo naman Bloom! Yon ang alam ko eh. Bakit ba?!" Chek
"Eh mali naman eh! Wag ka ng magsalita kung mali naman." Bloom
"Bakit ano bang tama ha? Hindi mo rin naman ata alam eh.." Chek
"Alam ko noh. Di tulad mo walang alam." Bloom
"Anong ibig sabihin mo ha? Na Co-co ako?!" Chek
"Bakit? May sinabi ba ako? Tsk. ~pikon pikon pikon~" Bloom
"Hindi noh! Ikaw ang pikon. ~Bloom Broom Bloom Broom~" Chek
"Ano bang gusto mo ha? Ano?" Bloom
"Oh, kita mo na? ~pikon pikon pikon~" Chek
"Hindi ako pikon noh!!!" Bloom
"Wag nga kayong mag-away!" Ash
"Hindi kami nag-aaway! Nag-uusap lang kami!" sabay na sabi ni Chek At Bloom
"Oh, gaya-gaya ka na rin pala ngayon." Chek
"Yuck! Pangit ng style mo gagayahin kita? Never. Isip-bata." Bloom
"Bakit ikaw? Mas pangit nga yong style mo eh." Chek
(=_=) Here they go again.
"Tara. I'll explain everything." sabi ni Pink habang hila-hila na nya ako palayo sa dalawang baliw na inaawat ni Ashleyn
"Si Silver, yong prince, kaya sya nandito ay dahil part ng test nila ang pakikihalubilo sa mga babae." Pink
"Anong ibig mong sabihin?" Ang gulo naman. (=_=) Hindi ko ata maiintindihan toh ah.
"Ang mga prinsipeng may halong ibang lahi o kung tawagin ay half-blooded ay dumadaan muna sa mahihirap na training at examination. At ang pinaka-final test nila ay ang pakikihalubilo sa mga mabababang uri ng tao lalo na sa mga babae."
"So, ibig sabihin si Silver ay half-blooded at dito sa school natin sya magte-train?"
"Oo. Kung hindi magiging maganda ang resulta, sya ay tatanggalin sa listahan ng mga magiging hari at ang mga pure bloods naman na kalaban nya ang papalit sa posisyong iyon."
"Ahhh. Kung maganda naman ang resulta, sila ang magiging hari pero bakit half-blooded ang inuunang i-train? Kung makakapasa sila, siguradong sila agad ang nasa pwesto. Paano naman ang mga pure blooded? Eh diba pure sila? Bakit parang mas pabor sila sa mga half-blooded?"
"Dahil ang mga half-blooded ay may kakayahang kontrolin at pasunurin ang dalawang lahi na bumubuo sa kanyang pagkatao hindi tulad ng sa pure. Isang lahi lamang ang mapapasunod nila."
"Bakit ngayon ko lang nalaman yan? At sa pagkakaalam ko, ngayon lang mangyayari sa school na toh ang mga ganyan."
"Ewan sayo. Hindi ka kasi nagre-research." Aba! Ang yabang mo Pink ha! "Ngayon lang nangyari toh dahil ngayon lang naman kasi nagkaroon ng prinsipe na may lahing Pilipino."
"Eh bakit sa school na toh? Siguradong panggulo lang yang prinsipe na yan."
"Ang ina ng prinsipe ay isang Filipina at kaibigan ng iyong mga magulang kaya napagkasunduang dito sa school na toh ipapasok ang prinsipe."
"Ahhh. Naiintindihan ko na lahat. Pero nakakainis naman mga parents ko. Di man lang nagsabi sa akin tungkol sa mga updates. Wala tuloy akong kaalam-alam."
"Tsk. Napublished naman sa school newspaper ang tungkol dyan eh. Hindi ka lang kasi pumupunta sa Newspaper Area kaya wala kang alam."
"Anong walang alam? May alam ako noh. Naging busy lang ako kaya hindi ako updated."
"Busy? Tsk. Busy sa pakikipagkita kay Na..." tinakpan ko ang bibig ni Pink.
Baka kasi marinig ni Ash baka kung anong isipin. Hinila ko si Pink ng mas malayo at saka tinanggal ang kamay ko sa bibig nya.
"Ano ba Purple?! Alam kong may sikreto kayo ni Nathan."
"Ano ka ba Pink, wala noh! May pinag-usapan lang kami nun. Hindi kami nagde-date. Wala kaming sikreto noh."
"Tsk. Alam kong may sikreto kayo pero hindi ko naman kailangang alamin pa dahil hindi ako interesado. Kaya ko lamang nabanggit ay dahil gusto kitang bigyan ng payo." Sobrang seryoso talaga nitong si pink. Parang kinikilabutan tuloy ako.
"Wag nyo nang ituloy pa ang balak nyo. Masyadong komplikado ang lahat at lalo lamang magiging komplikado ang sitwasyon kung itutuloy nyo pa."
Wag ituloy ang balak? Alam nya ang tungkol dun? Pero paano nya nalaman? Sinabi nya kaya kay Ash? Lagot ako nito pag nalaman ni Ash. (T_T)
Masyadong komplikado ang lahat? Anong ibig nyang sabihin? Ang weird talaga nitong si Pink. Lahat ng sinasabi nya may meaning. Haaaayy! Mabubuang ako nito kapag sya lagi kasama ko.
A.N.: Hindi na ako naglagay ng A.N. sa unahan. Nakakahiya. Ang tagal ko kasing hindi nag-UD. Anong pinairal? Katamaran. Tsk. Part one lan po ito. Baka sa Monday pa yong Part two.
Salamat sa mga nagbabasa at nagvote! Pati na rin sa mga nag-add nito sa reading list nila. Thanks!
BINABASA MO ANG
Moon Princess (slow update)
RomancePaano kung isang araw, dumating na yong oras na lahat ng sekreto ng bawat isa ay ibubunyag na? At ang magbubunyag nito ay ang lalaking pinakamamahal mo at punong-puno ng misteryo? Paano ang sekreto mo? Matagal na nya palang alam? Bakit hindi nya sin...