CHAPTER 1

36 17 49
                                    

"Good morning ma'am may i have your order?"

Nag angat ako ng tingin sa waitress na bumalik na naman matapos ang ilang minuto.

"May hinihintay pa ako. Bigyan mo nalang ako ng tubig." Nalukot ang mukha niya at pilit na ngiti ang binigay sa akin.

"Right away ma'am."

"Tss. Napaka arte, hindi naman pantay ang kilay," Bulong bulong ko saka inayos ang coat.

Nasa loob ako ng isang exclusive restaurant dito sa Makati at naiinip na dahil sa tagal ng hinihintay ko.

"Sorry I'm late." May lumapag na bag sa harapan ko.

"Dumating ka pa? Ang sabi ko alas dos trenta, alas tres na Bingo. Alas tres na."

"Oh chill, wag ka ng ma high blood naka Balenciaga coat ka pa naman ngayon," He teased me.

"Nakakatawa? Nakakatawa? Kanina pa pabalik balik yung waiter kinukuha yung order ko."

"Dios ko naman Graciela, dala ko ba yung menu? Bakit hindi ka umorder?" Eksaheradong sabi niya.

Lalapitan ko na sana siya at sasakalin kung hindi ko lang naisip na nasa mamahaling lugar pala kami at bawal akong mag eskandalo. Kaya naman imbis na batukan ay inapakan ko nalang ang paa niya.

Lomobo ang pisnge niya, ininda ang biglaang sakit.

"May pera ako? Ha? May pera? Ipakain ko sayo tong kandila na'to eh."

Ngumiwi siya sa akin at tinanggal ang jacket niyang halatang bagong bili.

"May pa resto resto kapa kasing nalalaman pwede naman sa karenderya ka kumain."

"Hindi nga ako kakain nasaan na ba yung pera?"

Lumapit ulit ang waitress na may dalang isang basong tubig. Plastic akong ngumiti sa kanya, bago binalik ng tingin kay Bingo.

"Eto na. Sabi nga pala ni Gabo dumaan ka raw sa kanya mamaya."

Inabot ko ang envelope na nilapag niya sa mesa at pasimpleng tiningnan ang laman.

"Ano namang gagawin ko sa kanya?"

"Hindi ko alam. Basta sabi niya dumaan ka raw eh, ilan ba nakuha mo kagabi?"

Ngumisi ako at binuklat na ang menu, at napangiwi ng makita ang mga presyo.

May ginto bang halo ang mga pag kain nila rito at ganito nalang ka mahal?

"Tatlo lang."

"Tatlo? Nasaan yung isa?"

"Wala kang pakialam pumili ka nalang ng kakainin mo."

"Babayaran mo?"

"May pera ka diba? Ikaw mag bayad."

"Bakit ako? Grace, mahiya ka naman. Hindi ko man lang natatandaan na nilibre mo ako sa buong buhay mo."

Umismid ako sa kanya. Kung titingnan mo siya hindi mo mahahalatang siya yung taong ipag lalaban ang isang libre.

Gwapo, may magaganda at malalim na mga mata, may tamang kapal ng kilay at tangos ng ilong. Mukha nga siyang anak mayaman eh.

"Napaka rami mo namang hinaing sa buhay pumili ka nalang pero wag lang yung kasing mahal ng bahay namin ah dahil baka isangla kita sa bumbay."

He smiled at me while i rolled my eyes on him.

Nag order lang ako ng pasta habang steak naman ang sa kanya. Kahit kelan talaga napaka kapal ng mukha ng lalaking to.

Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan tss.

DECEIVING LOOKS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon