CHAPTER 6

16 12 1
                                    

"What happened to you lately?" Abbi ask me as soon as we arrived in the condo.

"Saan? Bakit?"

"Hello? Tumawa ka kaya kanina na para kang mamatay."

"Over, mamatay agad? Di pwedeng kapusin muna ng hangin tapos mag 50/50 ?"

She rolled her eyes.

"Tell me, nag kita kayo before you went in the resto no?"

Nag kibit balikat ako sa kanya bago umupo sa sofa. Naka suot na kami ng pantulog, satin dress ang sa kanya habang pajama at white shirt lang ang sa akin.

"Sino ba?

"Gideon duhh!"

Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang libro niyang binili ko kanina.

"Oo sa bookstore." Sagot ko at inabot naman ang sticky note.

"Book..store?" She asked with a puzzled air.

"Hmm."

"Ano namang gagawin niya sa bookstore?"

Ngumiwi ako ng maalala ang nakita ko kanina sa bookstore.

Yung caution talaga kasi yung pabalik balik sa isip ko eh! Sino ba naman kasing mag aakala na sa likod ng isang 'wet caution' ay may isang milagrong nagaganap.

Ho ho ho Gideon lang lakasam!

"Hope!" Sigaw ni Abbi sa akin.

Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

"Bakit?"

"I'm asking you kung ano'ng ginagawa niya roon?"

"Nag mimilagr- este hindi ko alam siguro bumili ng ballpen."

"I doubt that."

"Eh sa hindi ko alam saka ano namang pakialam ko sa kanya diba?"

"I thought you like him? Sinabi mong cute siya."

"Sinabi ko ngang cute siya pero hindi ko siya gusto," Nakangiwi ko pang sagot.

Babaero kaya 'yon saka ano yan gusto agad eh bago pa nga lang siya sa paningin ko.

Wag mong sabihing love at first sight achuchu psh! Walang ganyan sa totoong buhay baka judge at first sight pwede pa.

"Why so harsh Graciela Hope?" Natatawa niyang tanong bago ako pinitik sa noo.

"Totoo naman saka hindi ko magugustuhan yun."

"Ows? Hindi kahit kelan? Kahit na five seconds lang?"

"Hindi ah!"

"Baka scam yan, magaling ka pa naman manloko." Her laughs echoed on the room.

"Personal na yata yun Abbi ah."

"Kidding! Pero seriously speaking, Why don't you hang out with him since ang alam niya naman ay pinsan ka namin hindi magiging issue sa'yo yung status mo kung yan ang pinag aalala mo."

"Hang out? Para saan eh hindi ko siya gusto at saka bakit ba paulit ulit tayo sa lalaking 'yon baka ikaw ang may gusto sa kanya?"

Hang out? Di naman kaya kami friends.

Umiling siya at nandidiring tingin ang pinukol sa akin.

"Heck no way! Gideon is like an elder brother to me and he's not my type."

Pano kasi ang mga gusto niya ay 'yong pang mala prince charming ang dating pati na ang mga galawan akala mo naman talaga may totoong gano'n.

Pinag loloko lang naman tayo ng mga palabas at kwento para may tingnan tayo at pang hawakang pag asa sa gitna ng nag hihikaos na buhay, pero ang totoo kailangan mong mag sikap para maka ahon sa hirap at hindi ang mag hintay ng prinsipe na nakasakay sa karwahe at mag aalok nalang bigla sa'yo ng kasal at iaangat ka sa karangyaan.

DECEIVING LOOKS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon