CHAPTER 9

23 11 0
                                    

Kasalukuyan kaming nasa byahe papunta sa mansion nila Abbi, feel na feel ko pa ang moment habang nasa harap ako ng bintana ng sasakyan.

Ini-imagine na nasa isa akong music video. Charr

Sinabi ko ng ayaw kong sumama pero mapilit parin si Abbi, kaya imbis na makipag talo at mag mukmok sa condo ay sumama nalang ako.

"Hello Kuya, Where are you?" Pakinig kong sabi niya sa cellphone.

"All right we're almost there."

Nilingon ako ni Abbi.

Nakasuot siya ng isang formal black dress, ang maiksing buhok ay maayos na naka ipit at bumabagay ang minimal make up sa maputi niyang mukha.

Hindi katulad ko, Si Abbi ay may singkiting mga mata at mas maliit na hubog at tangos ng ilong.

"Nasa mansion na raw si Kuya."

"Tanong lang, bakit ba may condo condo pa kayong nalalaman eh may bahay naman kayo?"

Tanong ko ng umandar na naman ang kuryusidad ko.

"Malayo ang school and the house is so big for me."

Wow ah ang laki ng problema niya.

Kami nga kulang nalang mag banggaan sa loob ng bahay. Kapag papunta kang kusina dapat pang mauna ang isa dahil hindi ka kakasya sa masikip na espasyong daanan.

"Ede sana hindi mansion ang pinatayo niyo. Bahay kubo dapat."

She sighed and shook her head.

"Dad is always busy sa hospital, after nilang mag divorce ni Mommy bihira nalang siyang umuwi sa bahay."

Nakagat ko ang labi ko at nakinig nalang sa kanya ng tahimik. Ang mga mata niya ay nasa kalsada nakatuon.

"Ano'ng nangyari?"

"Their relationship didn't work. Nag mahal ng iba si Mommy and now she has a new family with another two kids aside from us."

"Ano'ng ginawa ng Daddy mo?"

"Let go." She shrugged her shoulders.

"Hindi niya sinubukang ayusin? Pano kayo? Ano'ng sabi ng Mommy niyo?"

"He tried to fix it Hope, actually he begged to my Mom sabi niya kahit para sa amin nalang daw. But Mom made a decision that no one can ever change, even us."

"Ayaw mo ba sa kanya?"

Alam ko namang ang sensitive ng topic pero hindi ko maiwasang hindi mag tanong kasi ang tagal ko ng gustong malaman kung ano ang mga iniisip ng mga anak na pinapapili kung saan sasama sa dalawang magulang.

"I don't want her for my father." She said with a hint of pain on her voice.

Kumunot ang noo ko dahil sa hindi inaasahang sagot niya.

"Bakit?"

"Because my Dad don't deserve a woman who'll leave him just because he's busy saving people's lives."

"Pero wala ka rito ngayon kung hindi nag ka tuluyan ang mga magulang mo Abbi."

She chuckled with nothing but a tone of ache.

"I rather not be here today than to see my father longing for the love of his life and questioning himself why he's not enough."

Napatungo nalang ako.

Ang sakit.

Ang sakit na mas pipiliin niyang hindi nalang ipanganak at makita ang mundo kaysa naman maranasang mahalin ng Daddy niya ang Mommy na nag dulot ng matinding sakit sa kanilang lahat.

DECEIVING LOOKS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon