CHAPTER 4

19 12 6
                                    

Gabi na ng maka uwi kami ni Seb sa bahay at na abutan namin si Nanay na nag tutupi ng damit.

"Nay," nag mano ako sa kanya.

"Bakit ngayon lang kayo? Nauna pang umuwi yung isda at gulay na pinabili ko ah, at saka ano 'yang mga bitbit mo?"

Binaba ko ang mga plastic na may lamang school supplies ni Seb at inayos siya sa balikat ko.

Nakatulog na dahil sa sobrang pagod. Inisa isa ba naman kasing sinakyan yung carousel ede napagod talaga siya.

"Binili ko lang po ng gamit sa skwela si Seb."

Tinignan niya ang laman ng mga plastic bago nag salita.

"Anak, sobra sobra na ang binibigay mo sa amin ng kapatid mo. Pwede naman kahit dalawang pirasong notebook lang at sa susunod na bumili. Paano ka? Yung mga gusto mong bilhin hindi mo na nabibili dahil sa amin ng kapatid mo."

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto para ilapag sa kama si Seb.

Pumasok din siya at inilagay sa lumang cabinet ang mga damit namin.

"Nay, kung may gusto man akong bilhin nasa akin na'yon kung bibilhin ko o hindi. Huwag na ho kayong mag isip ng kung ano ano dahil ayos lang po ako."

Pag kombinsi ko pa sa kanya. Nilapitan niya si Seb at hinawakan ang pisnge.

"Napaka swerte niyang ikaw ang naging kapatid niya. Napaka swerte namin sa'yo anak." Maluha luhang sabi niya sa akin.

"Ako ang maswerte sa inyo Nay, hayaan niyo kapag naka ipon ako aalis tayo rito sa tondo at bibili ako ng lupa at doon natin ipapatayo ang bahay natin na ako mismo ang nag desenyo."

"Maabutan ko pa ba iyon anak?"

"Nay naman! Syempre po oo. Malaki naman yung sweldo ko sa bago kong trabaho eh kaya siguradong makakaipon ako ng mas mabilis."

"Makakaipon eh pag dating sa kapatid mo nauubos ang pera mo eh."

Nilingon ko si Seb at ngumiti ng maalala ang mga ngiti niya kanina habang yakap yakap ang mga bagong biling notebook.

"Hindi ako naka pag tapos ng pag aaral Nay, at ayaw kong matulad sa akin si Seb kaya gagawin ko ang lahat para suportahan siya sa mga pangarap niya."

"Anak.."

"Nay, hindi ko kayo sinisisi kung bakit hindi ako naka pag tapos ng pag aaral dahil alam ko namang hindi ninyo ginustong mamatay si Tatay at mag ka sakit kayo dahilan para mawalan tayo ng pang gastos para sa pag papa aral sa akin."

Pinag masdan niya na lang ako bago tumango. Hindi na ipinilit pa ang gustong sabihin.

"Kumain kana ba? Si Seb kumain na ba?"

"Opo nag yaya kumain ng fried chicken eh, may take out kami para sa'yo."

"Ang batang 'to talaga, sigurado pag gising niyan tatakbo agad sa mga bago niyang gamit."

"Walang duda Nay."

"Nga pala, nasabi mo na ba sa kanya na mag ta-trabaho ka sa malayo at hindi ka uuwi rito palagi?"

"Hmm. Sinabi ko na kanina habang kumakain kami."

"O ano pumayag ba?"

"Umiyak muna bago pumayag. Pinangakuan ko pa na ibibili ko siya ang malaking SpongeBob pag balik ko."

Umiling siya sa akin at marahang kinurot ang ilong ng kapatid ko na gumalaw naman sa pag kakahiga.

"Akin na nga pala yung wallet mo, ilalagay ko yung mga numero ng mga tiyahin mo para matawagan mo sila kapag may kailangan ka."

DECEIVING LOOKS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon