CHAPTER 5

18 12 6
                                    

Pero akala ko tuluyan na akong makakalayo sa kanya ng mamalayan ko nalang na nasa likuran ko na siya.

"Hey, Hope right?"

"Yes, You are?"

"Offensive." He hissed.

"I'm just kidding, you're Gideon."

"Naka tsinelas ka," he said while looking at my feet.

"Ang baliw naman kung naka paa diba?" Patawa kong sagot bago sinubo ang kutsara ng ice cream.

Nakita ko siyang ngumiwi.

Naka white sneakers siya, khaki pants at white button down shirt.

"Hindi ka ba naiinitan? Wala ka man lang payong."

"Naiinitan syempre, what do you think of me Elsa of Frozen?"

"Pedantic tss."

Natawa ako dahil sa sinabi niya kaya naman nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

Pedantic pedantic, pilosopo lang kaya 'yun sa amin masyado namang society ang mga terminologies nito.

'Sosyal ang lolo niyo'

Nasa loob ng bulsa ang kamay niya at ma awtoridad ang tindig pati na ang tangkad.

"Am i?" Painosenteng tanong ko.

"Yeah."

"Well it's kinda hot here so i need to go. Bye!"

Pag papalusot ko bago tumawid sa pedestrian lane. Tatawid pa sana siya pero na abutan na siya ng Go light kaya hindi siya maka tawid.

Ngumisi ako at umiling iling bago dumeretso pauwi sa condo.

Tanghaling tapat nambabae tss.

Alas tres ng dumating si Abbi at kasama niya si Jonas.

"What the- Anong ginawa mo?" Pambungad na tanong niya sa akin.

"Nag linis lang ako ng konti, nabagot kasi ako at hindi ako sanay ng walang ginagawa."

"Phew! Personal assistant slash 'yaya' kana Hope ah. Nag mukhang tirahan ng tao ang condo ng kapatid ko."

"Oh wow Kuya really? Kamusta naman kaya ang kwarto mong palaging may naiiwanang gamit na undies."

"Bunganga mo Abbigail," he warned while laughing.

"Pero Hope, no need to clean the entire condo may maid naman akong bumibisita rito kung kailangan ko siya. And if na bobored ka na talaga you can go to the gym."

"May gym dito?"

"Yeah, on the fourteenth floor."

"Okay,"

"Did you fixed my schedules?"

"Yes. Tommorow afternoon aattend ka ng kasal and hanggang gabi na'yon."

"I see, so let's go shopping for tonight kasi wala pa akong susuotin."

"Ano? Eh ang dami mo namang damit sa closet."

"Hindi pwede 'yun, it's not appropriate."

It's not appropriate raw sus!

"I suggest sa labas nalang tayo kumain, Ako na ang mag da-drive so mag bihis na kayo ladies."

"Teka nga pala ano'ng ginagawa mo rito?" Nag tatakang tanong ko kay Jonas dahil ang alam ko bibihira lang 'tong sumulpot dito.

"Tinitingnan ka."

DECEIVING LOOKS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon