CHAPTER 7

14 11 1
                                    

Matapos ang seremonya ng kasal ay dumeretso na kami sa hotel kung saan gaganapin ang reception.

Nasa rooftop ang venue at kagaya ng inaasahan, marami ang mga pagkain, inumin at sagana sa mga palamuti ang lugar.

"Bukas wag mong kalimutan na may dinner kayo ng Daddy mo."

Pag papaalala ko kay Abbi habang kumakain kami.

"Yes, sasamahan mo ako ah."

"Ha? Kayo lang tatlo ang mag di-dinner ano namang gagawin ko do'n"

"Sinabi ko na kay Daddy na kasama ka sa dinner and he's expecting you there Hope."

"Bakit mo naman sinabi? Para lang akong ewan doon Abbi. Saka ano namang pag ku-kwentuhan namin, tungkol sa pag nanakaw ko? Awkward friend."

Tumawa siya at uminom ng tubig.

Totoo naman ang sinabi ko. Kapag dinner malamang pag uusapan nila ang takbo ng kompanya at ganap sa buhay ng bawat isa at syempre dahil nga kasali ako hindi rin imposibleng tanungin ako sa mga ganap ko sa buhay at hindi ko naman pwedeng isalaysay ang mga katarantadahang ginawa ko.

Ano'ng sasabihin ko 'ayos naman po, marami po akong nanakaw' ganun?

"Don't think too much Hope, magiging masaya si Daddy na makita ka at hindi 'yon mag tatanong ng kung ano ano sayo trust me."

Bumuntong hininga nalang ako bago sumandal sa upuan. Kanina pa nag iingay sa unahan dahil sa mga games na hinanda ng organizer at mga kaibigan ng bagong kasal.

Habang kaming dalawa ni Abbi ay nasa table lang namin at tahimik lang na nanood at nakikitawa.

"How about the bestman? Humihina ka yata ngayon Gideon why don't you pick a girl and bring her in front."

Pang aasar ni Jonas, namumula na dahil kanina pa lumalaklak ng alak. Umiling ako bago nilingon si Gideon na nakatingin na naman sa akin.

He's now wearing a V-neck shirt and black pants.

"Pass dre." He laughed.

Dismayadong ungol ng mga kababaihan ang namayani sa lugar ng marinig nila ang sagot niya.

Maraming admirers hmm sana ol.

"Gideon is that you? Nakakain ba'to ng panis, Woi caterers may pinakain ba kayo rito sa kaibigan ko? Baka naman ginayuma niyo na 'to?"

Tawanan lang ang sinagot ng mga tao sa pabirong tanong ni Jonas.

"He's trying to please someone that's why he's behave!"

Nagugulat akong lumingon kay Abbi ng malakas niyang isinigaw iyon.

I swallowed hard and composed myself.

Pero teka? Wala namang sinabing pangalan si Abbi ah bakit naman ako magugulat at mag papaka inosente na parang ako yung tinutukoy?

Okay, medyo assuming ako sa part na'yon.

"Someone? Nandito ba ang someone na'yan Gid?"

Nakatungo lang ako at pinag lalaruan ang tissue.

"Yes." A husky voice of Gideon had cause a loud shrieks coming from the girls.

"Maganda ba tol?" Umiral na naman ang pag ka tsismoso ni Jonas.

"Sobra."

"Shit na cu-curious ako, sexy ba sexy?"

Umarko ang kilay ko at nag angat ng tingin kay Jonas. Nakalapit na siya kay Gideon at halos hawakan pa nito ang mukha ng kaibigan para mag salita na.

DECEIVING LOOKS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon