CHAPTER 3

21 12 8
                                    

Kagaya ng sinabi ni Abbi, sa condo niya ako umuwi at natulog.

Umaga na at katatapos ko palang mag luto ng agahan nilang mag kapatid dahil pati si Jonas ay dito rin natulog.

"Good morning Hope," Inaantok na bati ni Jonas na kalalabas lang galing sa kwarto.

"Magandang umaga rin."

"Ang bango niyan ah, mukhang masarap din."

"Mas masarap parin ako," pabirong sabi ko.

Na totoo naman charr lang.

"Oh? Patikim nga? Anong flavor?"

"Sokolet."

Sabay kaming natawa at binato niya pa sa akin ang kutsara.

"Puro ka kalokohan Hope, ang hilig hilig mong man trigger ng lalaki tapos hindi ka naman mag papahuli." He sipped on his glass of coffee.

Umiling ako sa kanya bago sumandal sa counter.

"Alam mo Jonas, hindi ako nan ti-trigger dahil ganyan talaga ako mag salita at maki pag usap. Alam mo kung ano yung problema?"

"Ano?"

"Yung mga utak niyong marurumi."

"Teka, bakit naman pati ako nadamay? Para namang inalipusta kita ah."

"Oh bakit hindi ba?"

"Tsk. Tinanggap ko na nga na pinsan kita kahit na labag sa loob ko." Pag susungit niya pa.

"Aba bakit parang nanunumbat ka?"

"Sinong nanunumbat?" Lumabas narin si Abbi at dumeretso sa amin.

"Good morning." I greeted.

"Good morning Hope, Kuya. Anong ginagawa niyo? Wait, don't tell me pinopormahan mo na naman siya Kuya?"

"Hindi ah! Naka move on nako sa kanya. Psh akala mo nama-

"Oh sige bakit? Sabihin mong hindi ka nagandahan sa akin?" Hamon ko.

"Maganda nga brutal at wala namang puso."

"Puro Atay at balunbalunan kasi ang meron ako."

"Stop it you two. Kumain nalang tayo, food looks delicious."

Tuyo at itlog na may sawsawang toyo at kamatis lang naman ang ulam nila sa sinangag pero kung maka delicious silang dalawa daig pa ang mga kinakain nilang steak at soup.

Mabait ang mag kapatid at masasabi kong pinalaki silang simple at hindi maarte. Pareho silang kumakain ng kinakain ng mahihirap, alam mo yun tuyo, itlog na nilaga, talbos ng kamote at iba pang inaayawan ng mayayaman.

Si Abbi ay kasing edad ko lang habang si Jonas naman ay matanda sa amin ng isang taon. Nursing student si Abbi habang nasa kompanya naman nag ta trabaho si Jonas.

"By the way Hope about sa sinabi ko sayo kagabi."

"Oh?"

"I was thinking that why don't you work for me."

Tiningnan ko siya at kinunutan ng noo.

"Ano namang trabaho?"

"Since ayaw mo naman sa office and hindi talaga pwede roon because they might recognize you as our cousin, I'm offering you to be my personal assistant."

"P.A? Bakit mo naman kailangan ng P.A eh ayaw mo nga no'n dati."

"My studies are getting heavier and i need someone to fix my schedule on my school works." Taas baba ang kilay niya habang sinasabi iyon sa akin.

DECEIVING LOOKS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon