CHAPTER 8

12 11 1
                                    

Sa itsura ng mag kapatid ngayon, siguradong dito na kami matutulog.

Si Jonas ay kanina pa kumakanta ng Banal na aso tapos sinasabayan naman ni Gideon kapag nasa part na na may tatawa.

Mukha silang mga tanga!

Habang enjoy na enjoy ang mga babae sa kaka record video sa kanilang dalawa, sila naman ay walang pakialam at kanta lang ng kanta na para bang wala ng umaga. Halos mapatid pa ang litid ni Jonas sa leeg.

"Hope, aren't you going to dance?" Isa pa 'tong si Abbi.

Kung si Jonas ay kumakanta siya naman ay kanina pa nag tu-twerk. Ang huhusay! Mga talentadong bata.

"Umayos ka nga kanina pa pinag titinginan yung pwet mo."

"Oh? My butt hayaan mo lang sila ganyan talaga kapag sexy."

Minasahe ko nalang ang sintido ko at uminom ng tubig.

Maaga yata akong tutubuan ng puting buhok. Mas malala pa sila kaysa kay Seb.

"Hope! Hope baby come here!" Sigaw ni Jonas.

"Gago ka ba?" Sinabi ko kahit alam kong hindi niya naman maririnig.

Anong baby baby? Pinsan niya dapat ako siraulo talaga!

"Come here please," He begged.

All eyes darted at me and i have no choice but to walk close to him.

"What now Jonas? Lasing ka na."

"Ako lasing? Hindi ah! Sino'ng lasing baka si Gid, dre ano lasing ka na ba?"

Tamad kong tiningnan si Gideon na naka tingin sa kamay ni Jonas na naka akbay sa akin.

"Hindi pa," naasar na sagot niya.

"See? We're not drunk Hope! Come here sing with us."

"Ayaw ko hindi ako kumakanta."

"You're lying narinig na kitang kumanta and your voice is great, come on sing with us."

"Sige na kumanta kana Miss!"

"Yeah, we want to hear your sexy vo-

"Oh my god!"

Nanlaki bigla ang mga mata ko at natutop ang bibig ko.

Ang bilis ng mga pangyayari, namalayan ko nalang na naka bulagta na sa sahig ang lalaking sumigaw kanina habang naka hawak sa dumudugong labi.

"What the hell Gideon?!" Galit na sigaw ng isang babae bago dinaluhan ang lalaking nasa sahig na.

"Okay mga kapamilya, kapatid at kapuso! Lasing na po si Gideon at may isa na namang pumutok ang labi."

Nawiwiling sigaw ni Jonas na animo'y nag a-announce lang ng nanalo sa sabong.

Inis kong inagaw sa kanya ang microphone.

"Manahimik kana nga Jonas, babalatan kita ng buhay eh," Mariin kong sinabi bago hinarap si Gideon.

"At ikaw naman bakit ka ba nanununtok bigla ha?"

The annoyance is evident on his eyes and he's still clenching his jaw and fist.

"Because i want to."

"What kind of reason is that?" Hindi maka paniwalang tanong ko.

Tinalikuran niya ako at nag lakad papunta sa exit door. Hinintay ko munang makalapit si Abbi sa akin at ibinilin si Jonas bago siya sinundan.

"Gideon I'm asking you why did you punched him?"

"Don't talk to me." Nag susungit niyang sagot.

DECEIVING LOOKS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon