Unedited...
Bago basahin, nais ko lang pong ipaalam na ano mang negatibo sa istorya tungkol sa lugar o tao ay likhang isip ko lamang at walang pinapatamaan. Baka kasi may mabait na naman na maligaw. Fiction po ito. Thanks.
"Sino sila?" tanong niya nang lapitan si Brandon habang nasa dalawang lalaking papalayo ang kanyang mga mata. Nakasuot ang mga ito ng ba-ag o loin cloth at balukas shirt.
"Mga Hanunuo," sagot ng binata.
"Mangyan din sila? Ano ang pinagkaiba sa inyong Iraya?"
"Hanunuo. Ibig sabihin ay totoo. Naniniwala silang sila ang tunay na mangyan kaysa sa samin. Sila kasi ang nagpre-preserve talaga ng tradition at practice namin."
"Ah, mababait din ba sila?" tanong niya.
"Depende sa kaharap," sagot ni Brandon. "Tara na nga, hindi ka sasamahan ni Jecil at Mica."
"Kamusta na si Mica?" Nag-aalalang tanong niya. Tinuklaw raw ito ng ahas kaya bawal pang lumabas dahil nanghihina ang katawan at sa kabilang bundok pa makukuha ang gamot dahil naubusan sila.
"Okay na siya. Nagpapagaling at ligtas na."
Isa sa mga panganib sa mga mangyan ay ang panunuklaw ng iba't ibang uri ng ahas pero dahil sa medisinang sa kagubatan lang din nila matatagpuan, naagapan naman nila agad.
Sumama siyang tumungo sa ilog. May nakasukbit na basket sa bewang ng binata dahil manghuhuli rin ito ng isda. Ilang beses na siyang nakakapunta sa ilog kasama sina Jicel at Mica kaya kabisado na niya.
"Ito pala," sabi nito sabah abot ng kawayang may takip.
"Ano 'yan?"
"Panbanlaw mo sa buhok mo, pampadulas."
"Ha?"
"Gugo 'yan, ibinabad ko sa tubig. Iyan ang ginagamit ng mga babae rito para madulas ang buhok nila. Wala kaming shampoo kaya pagpasensyahan mo na."
Sinilip ni Arianna ang laman ng kawayan. May tinadtad na ugat ng gugo sa loob na binabad sa tubig.
"Salamat."
Nang makarating sila sa ilog, agad na naghubad ng tshirt si Brandon at lumusong sa tubig.
Naghubad siya ng shorts at tshirt. May binigay na undies ang mga mangyan sa kanya. Tuwang-tuwa silang ihabi siya ng saplot dahil para daw siyang modelo. Noong una, nangangati siya pero nang hindi naglaon ay nasanay na ang kanyang balat.
Malamig ang tubig na hanggang bewang niya lalo na't natatakpan ng makakapal na dahon ng punong kahoy at kawayan ang paligid ng maliit na ilog.
"May nahuli—"
"Shit!"pagmumura ni Brandon nang magsalita ang dalaga sa likuran kaya nabitiwan niya ang hawak na isda.
"Sorry," paumanhin ng dalaga. "Mahirap bang makahuli? Gusto kong matuto."
"Kapag sanay ka na, pwede na pero ang mga babae namin ay sa bahay lang at naghahabi o gumagawa ng basket," sagot ni Brandon na humarap sa dalaga. Basa na ang mahaba nitong buhok at tumutulo ang butil ng tubig balikat nito patungo sa dibdib. Iniwas niya ang mga mata. Si Ariana na yata ang pinakamaputing nilalang na nakita niya. Dagdagan pa ng maputi nitong balat na kapag mainitan ay namumula lang.
"Masarap ang luto ninyong isda," sabi niya dahil noong isang araw, inabutan siya ng isda ng kapitbahay.
"Malasa kasi galing sa ilog," sagot ng binata at napasulyap sa dalagang palayo sa kanya. Nakakatuwa si Arianna dahil kahit na pinapakitaan niya ito ng masamang ugali, nagiging mabait pa rin ito sa mga katribu niya. Akala kasi niya ay mag-iinarte ito.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesa at ang mga Mangyan
Short StoryKung mayroon man siyang pinakainiingatan, iyon ay ang makintab at mahaba niyang buhok subalit hindi niya akalaing ito rin ang magiging mitsa ng panganib sa buhay niya. Napadpad siya sa tribu ng Iraya mangyan sa Mindoro. Gusto niyang umuwi pero ayaw...