Unedited...
"Congrats!" hiyaw ni Arianna habang patakbong nilapitan ang binata. "Ayieee! Graduate ka na!"
Nag-enrol sa ALS(Alternative learning schooling) si Brandon at sa awa ni Lord, pumasa naman ang binata. Ang ALS ay para sa mga kabataang 16 years old pataas at walang sapat o formal na edukasyon at kapag makatapos na siya at makapasa ng exam ay pwede na siyang mag-proceed sa kolehiyo.
Ang kailangan lang niya ay makatapos ng minimum na 800 hours at maipasa ang mga exam.Nang malaman ni Arianna na pumasa ang binata, dali-daling nag-impake ang dalaga at pumunta rito.
"Salamat," pasalamat ng binata na nagbabantay ng Tamaraw na kumakain sa damuhan.
"Ang saya!" sabi ng dalaga na naupo sa tabi niya at kinuha ang maliit na tela at ipinatong ang basket na dala.
"Ano 'yan?"
"Burger tapos coke float," sagot ng dalaga at kinuha ang laman ng basket. "Dahil pumasa ka, nilibre na kita ng burger at fries."
Ibinigay niya sa binata ang large fries at ang isa ay sa kanya tapos isinawsaw niya sa gravy pero si Brandon ay ketchup ang sa kanya.
"Try mo kaya ang gravy, kaibigan."
"Ayaw ko," sagot ng binata na hindi talaga nagustuhan ang gravy. Siguro dahil hindi sanay ang panlasa niya o di kaya'y ngayon lang siya nakatikim ng ganito.
"Okay. Nagpaluto pala ako ng lugaw para mamayang hapon, magpapakain tayo sa mga bata, kaibigan. Nagdala rin ako ng siopao," sagot niya.
"Marami na ang binibigay mo sa amin."
"Okay lang, nag-iipon talaga ako ng pera mula sa allowance ko para kapag pumunta ako rito, may maipakain ako," sagot niya at kinuha ang double cheese burger at kinagat. Kalahati na lang ang ginagastos niya sa allowance at dahil wala na sina Rose Nana at Tin ay mas nakakatipid siya. Siya ang madalas na nanlilibre sa mga ito sa kung saan niya trip kumain. Ngayon lang niya napagtanto na may lihim na inggit pala si Tin sa kanya noon dahil inagawa niya ng projects nang hindi sinasadya. Malay ba niya na sa kanya i-offer ang advertisement na 'yon.
"Nakita kita sa TV," sabi ni Brandon. "Model ng shampoo."
"Yeah. Ako ang nangunguna sa listahan dahil sa mahabang buhok ko," sagot niya na kakalabas lang ng bagong TV commercial na malaki rin ang offer sa kanya at iniipon niya iyon para sa gagawing proyekto sa mga mangyan. Balak niyang bumili ng lupain at magpatayo ng amusement park dito kaya todo extra siya at pinasok na rin niya ang modelling habang nag-aaral. Nahihiya na kasi siya sa kanyang ama na todo kayod.
"Balita kina Kurt?" tanong ni Brandon.
"Wala pa pero umaasa akong mahuhuli na sila. Ang sabi ni Tito Lance Leonard, nasa Europe sila at ngayon ay may kaunting lead na sa tinitirhan nila. Sana tuloy-tuloy na. Naging malakas ang balita tungkol kay Kurt dahil sa pagputok ng balita ng dalawang babaeng ginahasa at pinatay sa isla pero tinakpan nila ang tungkol kay Arianna. Malalaking pangalan pa naman ang involved at maraming humihingi ng justice para kina Rose at Tin sa social media.
"Sana nga para matahimik na rin kami at maging malaya," puno ng pag-asang wika ng binata.
"Sana nga."
Nang matapos na silang kumain ay pinasakay ng binata ang dalaga sa Tamaraw kaya hiyaw naman ito nang hiyaw dahil sa takot kaya pinababa na ng binata.
"Ang ganda rito! Para akong nasa Banaue," puri niya nang makita ang hagdan-hagdang palayan na ginawa ng mga mangyan sa isang burol. Mayroon din silang ginawang windmill mula sa scrap materials para umakyat ang tubig mula sa ilog.
May irigasyon naman sa lugar nila pero masyadong malayo sa palayan nila at pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan kaya napilitan silang gumawa ng paraan para sa patubig. Mas lalong namangha sina Kean nang malaman ito dahil iyon lang pala ang solusyon sa problema sa tubig ng magsasaka pero alam nilang hindi ito sang-ayunan at suportahan ng lokal na pamahalaan dahil may nakatalagang proyekto para sa irigasyon at malaking kawalan ng pera sa mga politiko kapag hindi matuloy ang project na iyon. Isa pa, baka manganib na naman ang buhay ng mga mangyan sa ibang negosyante at politiko kapag ipasapubliko pa ito.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesa at ang mga Mangyan
Short StoryKung mayroon man siyang pinakainiingatan, iyon ay ang makintab at mahaba niyang buhok subalit hindi niya akalaing ito rin ang magiging mitsa ng panganib sa buhay niya. Napadpad siya sa tribu ng Iraya mangyan sa Mindoro. Gusto niyang umuwi pero ayaw...