Chapter 13

1.9K 149 15
                                    





Unedited...



"Malinis ang hangarin ni Daddy na tulungan ang mga katutubong mangyan," sabi ni Kurt habang kausap si Arianna. "Kaya huwag mo siyang pagbintangan na siya ang nagnakaw ng titulo ng lupa dahil wala siyang pakialam sa minahan doon. May shares lang kami at kami ang bumili ng mga kagamitan pero kung illegal naman at walang permiso mila sa lokal na pamahalaan ay hindi nila iyon itutuloy ang mining project."

"Aminin mo sa akin ang totoo, Kurt. Ang totoo lang talaga, please."

"I am telling you the truth, Arianna. Bakit ako magsisinungaling? Pagod na ako sa loob ng kulungan. Pwede ka namang maging witness kung gusto mo at para mas lalo akong madiin sa kaso" sabi ni Kurt. "Pero ayaw mo nga palang makaladkad ang pangalan ninyo rito."

"Did you rape them?"

"Ikaw lang ang gusto ko!" Sagot ng binata.

"Kurt, nahihirapan na ako."

"Hindi ko alam kung bakit namatay sina Tin at Rose Nana," wika ni Kurt na nasa mga mata nito ang katapatan. "As what I have said, wala akong balak na patayin ka, Arianna. Bakit ko iyon gagawin?"

"Paano ako maniwala sa 'yo, Kurt?"

"Kung nagsisinungaling ako, dapat inamin ko na nandoon ka rin sa isla at ikaw talaga ang pakay kong gahasain ng araw na iyon!" sabi niya kaya napabuntonghininga si Arianna.

"Isa pa, nawalan na kami ng malay. Paano ko pa magagawa iyon sa kanila kung paggising ko ay wala ka na? Tingin mo manatili pa ako roon at gahasain sila kung nakawala ka na? Malamang tatakas na kami bago pa maabutan ng mga pulis!"

May point si Kurt kaya lalo siyang naguguluhan.

"Ang mangyan na kasama mo, bakit hindi mo siya tanungin kung ano ba talaga ang nangyari? Siya ang naiwang gising noon."

Natigilan si Arianna sa sinabi ng binata. Kahit sya ay nawalan din ng malay at nang magising ay nasa lugar na ng mga mangyan.

"H—Hindi ako lolokohin ni Brandon!" madiing sabi niya pero hindi niya maiwasang mag-isip.

"Tama nga ba ang kinakampihan mo, Arianna?"

"M—May tiwala ako sa kanya!"

"Kung may tiwala ka, bakit pumunta ka ritong mag-isa?" nakangising tanong ni Kurt. "Nagdududa ka na ba sa katapatan niya?"

"Shut up! Goodluck sa kaso mo!" inis na sabi niya at kinuha ang bag saka tumayo at tinalikuran si Kurt.

"Mag-ingat ka, Arianna!" sabi ni Kurt kaya napatigil siya. "Dahil hindi natatapos ang panganib sa pagkakulong ko."

"What do you mean?" tanong niya na muling nilingon  si Brandon pero hindi na ito sumagot at bumalik na sa selda.

Nang makauwi, nagbihis muna siya ng pambahay saka lumabas sa harden upang magmuni-muni.

"Okay ka lang?" tanong ni Brandon nang lapitan siya na nagdidilig na ng halaman. Wala siyang magawa kaya nagboluntaryo siya sa hardenero na siya na ang magbibinyag.

"Oo," sagot niya.

"Baka malunod na ng tubig ang bulaklak," sabi ni Brandon kaya agad na pinatay ni Arianna ang hose.

"Kumusta ang klase?"

"Okay lang. Nakakapagod minsan pero masaya naman."

Tumango ang dalaga at naglakad patungo sa duyang nakasabit sa pagitan ng dalawang malaking puno.

Sinundan siya ni Brandon. Napapansin ng binata na nitong nakaraang araw ay madalas na natulala ang dalaga at minsan ay basta na lang napabuntonghininga.

Ang Prinsesa at ang mga MangyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon