Chapter 7

1.9K 160 23
                                    






Unedited...

Iyak nang iyak si Arianna nang malaman niya ang napakamalungkot na balita. Sobrang bait pa naman ni Delfin sa kanya at sigurado siyang malungkot ngayon ang mga mangyan lalo na si Brandon.

"Tahan na," malumanay na sabi ni Irene at hinaplos ang likod ng dalaga.

"Mommy? S—Sila ang kumupkop sa akin. Sila ang naging pangalawang pamilya ko at kung hindi dahil sa kanila, baka magaya na ako kina Rose Nana at Tin," sabi niya na nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng bestfriend niya. Pareho lang din pala silang biktima ng karahasan nina Kurt.

"Sa ngayon, nasa gobyerno ang kalaban natin," sabi ni Kean na nakaupo sa isang tabi at nagbabasa ng diyaryo. "Tuta niya ang mga militar kaya kailangan pa rin natin ng sapat na ebidensya at kakampi sa loob nila."

Nahihirapan ang mga Lacson na kumuha ng reliable source pero sinusubukan nilang maayos ang lahat.

"B—Bigyan mo po siya ng magandang burol, Daddy."

"Nagawa ko na. Nagpadala na rin ng kape at tinapay sa kanila," sagot ni Kean. "Pero ang ninakaw na titulo ng lupa, hindi pa rin nahahanap."

"D—Dad? Pwede ba natin silang bilhan ng lupain sa kapatagan?" pakiusap ni Arianna sa ama pero napansin niyang may pagkadisgusto sa mukha nito. "Kahit sa kapatagan lang. Hindi naman ganoon kamahal ang lupa sa Oriental Mindoro eh. Kailangan pa nilang maglakad ng ilang oras tapos kung malapit lang sana sina Brandon sa bayan, baka sakaling nailigtas pa si Toto Delfin."

"Hindi kasi ganoon kadali iyon."

"May savings naman po ako eh. Tapos padagdag na lang po. I'll sell my jewelries to help them po," buo ang loob na sabi niya. "Isa pa, buhay ko ang kapalit nito, Dad. Makikita pa naman natin ang pera pero ang tumulong sa kanila, hindi iyon mapapantayan kaya habangbuhay, tumulong tayo sa nagsusumikap na umunlad. Deserve nila iyon dahil ang mga katutubo naman talaga ang nauna sa bansa natin."

"Nagiging apo ka na ni Tito Skyler!" sabi ni Kean. Hindi naman ganito ang lahi ng ama niyang si Kyler e.

"Siyempre lolo ko rin 'yon," sabi niya. Sa mga pinsan, masasabi niyang mapagbigay talaga ang mga anak ng ka-triplets ng kanilang ama lalo na ang mga pinsan niyang team galaxy. Kahit na astigin ang mga ito, may malambot pa ring puso sa mga mahihirap at madaling malapitan lalo na kapag alam nilang hindi manloloko. May factory rin kasi ang ama nilang si Sky na ang mga tauhan ay may mga kapansanan.

"Oo na. Titingnan ko na kung magkano ang square per meter doon at kung may binebenta ba," napilitang sabi ni Kean. "Bakit ba lahat na lang kayo paunti-unting sinasakop ng mahihirap? Hindi ba pwedeng maghanap na lang kayo ng kaibiganing mayayaman kagaya ng Ayala, Sy at kung anong mayaman na pamilya riyan? Hindi yong walang-wala talaga at pera ko pa ang ipantulong ninyo!" mahabang litanya niya pero napakamot sa batok nang makitang masama ang tingin ng mag-ina niya. "Biro lang. Ang totoo, deserve naman talaga ng mga mangyan na mabigyan ng lupain at sapat na edukasyon." Mabilis na bawi niya at napabuntonghininga. "Pero dapat kasi gobyerno ang gumagawa nun at hindi tayo eh! Kaya namimihasa na ang ibang politiko! Puro kalsada na lang at basketball court ang project, t*ng*ina!" pagmumura niya. "Labas lang ako, magpapahangin lang."

"G—Galit ka, Dad?" malungkot na tanong ni Arianna.

"Hindi!" sagot niya na salubong ang kilay. "Sabi ko nga, bibili tayo ng lupa para sa mga kaibigan mong may buntot!"

"Walang buntot ang mga mangyan!" naiinis na depensa niya pero biglang naalala si Brandon. "W—Wala akong nakita," dagdag niya at tumingin sa labas.

"Fine! Wala na kung wala! Makalabas na nga!"

"Daddy Kean, galit ka yata eh," sabat ni Irene kaya napatigil si Kean sa paglalakad at nilingon ang asawang naging malambing ang boses. "Sabihin mo lang kung ayaw mo, Daddy."

Ang Prinsesa at ang mga MangyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon