Unedited....
Mabigat ang mga matang nagmulat siya. Medyo malabo pa ang paligid kaya sinubukan niyang aninagin ang paligid hanggang sa paunti-unting naging klaro ang lahat.
Nasa isang silid siya, walang mga gamit at tanging kama lang ang nandito. Bumangon siya at agad na lumapit sa pinto pero naka-lock.
"Hey! Is anybody here?" tanong niya at kinalampag ang pinto. Naalala niya ang huling eksena bago siya nawalan ng malay. Kasama pa niya si Brandon at pinatay nito ang guwardiya nila. "Help!"
Iginala niya ang paningin at naghahanap ng gamit pambukas pero wala. Wala ring bintana ang silid kaya napaupo siya sa kama.
Napatingin siya sa pinto nang marinig ang pagbukas nito.
"S—Sino ka?" tanong niya sa lalaking pumasok. May kapayatan ito pero matangkad. Napatingin siya sa hawak nitong armalite.
"Labas ka!" madiing sabi nito.
"S—Saan tayo pupunta?" natatakot na tanong niya.
"Labas!" utos nito at inayos ang armalite kaya napatayo siya at naglakad palabas. Sinundan siya ng lalaki pero napatigil siya nang bumulaga ang malaking bulwagan ng bahay. May isang malaking krus at parang si Jesu Kristong nakadipang nakatali ang isang tao sa harapan niya.
"R—Rose Nana!" usal niya nang makita ang kaibigang duguan ang mukha. "N—Nana!" luhaang sabi niya. at lalapitan sana ang kaibigang halos hindi na maidilat ang mga mata dahil sa turtore pero pinigilan siya ng lalaki sa mga kamay. "Bitiwan ninyo ako!" Nanlalambot ang tuhod niya sa nakikita. Putok ang mga labi ni Rose Nana na halos hindi na makilala ang mukha. Kung hindi lang siya pinapasahan ng video nito, hindi talaga niya ito makikilala. "Hayop kayo!"
Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawa pang armadong lalaki para magbantay.
"A—Ano ang kailangan ninyo sa akin?" tanong niya. "Pakawalan ninyo si Rose Nana!"
"Mabuti at gising ka na pala," sabi ng pamilyar na boses sa kanya kaya napalingon siya.
"I—Ikaw?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita!"
Narinig niya ang malakas na pagtawa nito.
"Iyan ang mahirap sa 'yo, madali kang magtiwala at mauto kaya iyan ang napala mo!"
"W—Walanghiya ka!" sigaw niya na susugurin sana kaso napigilan siya ng mga lalaki sa kamay. "Bitiwan ninyo ako!"
"Kumusta? Swerte mo nga at nabuhay ka!" sabi nito at ngumisi habang palapit sa kanya sabay pisil sa magkabilang pisngi niya. "Napakagandang mukha pero buhok lang ang nagdala!"
"A—Ano ang kailangan mo sa akin?" giit niya.
"Buhay mo!" malakas at puno ng galit na sabi nito sabay dura sa mukha ni Arianna.
"Huwag mong idamay si Rose Nana!"
"Damay na siya, gurl!" maarteng sabi nito at malakas na tumawa.
"Mahuhuli ka rin ng mga pulis! Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!"
Mas lalo itong tumawa nang malakas.
"Paano nila mahuhuli ang taong patay na?" sarcastic na sagot ni Tin Talamante at kumuha ng sigarilyo saka sinindihan ito.
"P—Paano mo nagawa ito, Tin? Ano ang kasalanan namin ni Nana sa 'yo?"
Naupo ito sa silya at ibinuga ang usok ng sigarilyo.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesa at ang mga Mangyan
Short StoryKung mayroon man siyang pinakainiingatan, iyon ay ang makintab at mahaba niyang buhok subalit hindi niya akalaing ito rin ang magiging mitsa ng panganib sa buhay niya. Napadpad siya sa tribu ng Iraya mangyan sa Mindoro. Gusto niyang umuwi pero ayaw...