Unedited...
"Bakit ba ayaw mong aminin?" tanong ni Arianna kay Kurt.
"Aminin ang alin?"
"Come on, Kurt! Dapat lang na pagbayaran mo ang kasalanan mo!"
"Na mahalin ka?" Napangisi ito. "Pero ito pa ang naging kapalit? Kasalanan mo rin dahil makipot ka! Ilang taon na akong nanliligaw sa 'yo, Arianna!"
Iniwas ng dalaga ang mga mata dahil sa ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Kurt. Hindi naman ito ang Kurt na nakilala niya noon.
"Huwag mong ibahin ang usapan, Kurt! Alam mo bang binabagabag ako ng konsensya ko dahil sa pagkamatay ng bestfriend ko?"
"Pakialam ko sa bestfriend mo?" inis na sabi ni Kurt.
"Utang na loob, Kurt! Kung minahal mo ako, dapat huwag mong gawin ito sa akin! Umamin ka na kasi! Lahat ng kaibigan mo ay umamin na bakit ayaw mo pa?"
"Kasi may paninindigan ako, Arianna! Hindi ko aaminin ang bagay na hindi ko naman ginawa!" giit ni Kurt.
"Kapag umamin ka, gagaan ang kaso mo."
"Alam ko na kung bakit maraming inosente ang narito sa kulungan dahil sa ganyang mindset," sabi ni Kurt. "Alam kong mali ako pero walang kinalaman ang mga magulang ko sa nagawa ko, Arianna. Malinis ang hangarin ng ama ko at walang bahid ng pagkukunwari ang serbisyo niya sa bayan. Ako ang naging pasaway at walang kwentang anak, Arianna."
Mataman na pinagmasdan ni Arianna ang mukha ng kaharap para mabasa kung nagsasabi ito ng totoo o hindi.
"Alam kong makapangyarihan kayo kaya sana ilabas mo ang mga magulang ko rito, Arianna."
"Sige, sabihin na nating hindi ikaw ang pumatay kina Rose Nana at Tin. Kung hindi ikaw, sino?" naguguluhang tanong niya.
"Yanna," tawag ni Brandon na lumapit sa kanila. "Patapos na ang oras ng dalaw niya."
"Huwag mong sabihing naging malapit kayo ng mangyan na 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Kurt. "O kayo na ba?"
"P—Pinagsasabi mo?" ani Arianna. Narinig niya ang pagbuntonghininga ni Kurt.
"Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa 'yo pero kung ano man ang statement ko, ang abogado ko na ang bahala roon," sabi niya at napasulyap kay Brandon. "Pero mananatiling buo ang loob kong sabihin na wala akong pinatay na tao at wala rin akong balak na patayin ka, Arianna! Gusto ko lang maangkin ka at buntisin dahil desperado na ako."
Tumayo si Kurt at iniwan na sila kaya napahilamos sa mukha si Arianna.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Brandon at hinawakan siya sa balikat. "May sinabi ba siyang ikakasama ng loob mo, kaibigan?"
Umiling si Arianna at mapait na nginitian si Brandon. "Wala. Ayaw niyang umamin sa pagkamatay nina Rose Nana. Pero Brandon, palagi kong napanaginipan si Rose Nana at kailangan niya ng tulong ko."
"Lalabas din ang katotohanan, Arianna. Darating ang araw na ang katotohanan mismo ang lalapit sa 'yo at magbabayad din ang lahat ng may sala," sabi ni Brandon. Tumayo si Arianna at sumama na palabas.
Malapit na sila sa kotse nang mapakapit siya sa kanang braso nito.
"May problema ba, Yanna?"
"A—Ang nakasakay sa pulang motor na lumiko sa kabilang kanto, iyon ang bumaril sa amin sa labas ng Westbridge," natatakot na sabi niya na hindi na makita ang nakamotorsiklo na humarurot palayo.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesa at ang mga Mangyan
Short StoryKung mayroon man siyang pinakainiingatan, iyon ay ang makintab at mahaba niyang buhok subalit hindi niya akalaing ito rin ang magiging mitsa ng panganib sa buhay niya. Napadpad siya sa tribu ng Iraya mangyan sa Mindoro. Gusto niyang umuwi pero ayaw...