Unedited...
"Sasama ako."
"Hindi nga pwede!" giit ng binata. Kanina pa siya kinukulit ni Arianna na isama dahil curious ito kung ano ang ginagawa nila sa ilog.
"Bakit?"
"Dahil baka may makakita sa 'yo at may magsumbong."
"Ano ba kasi ang balak ninyo?" tanong niya. Wala nang ibang katutubong mangyan na pumupunta sa kanila pero mag-tatlong araw na nang hindi umuuwi ang ama nito mula nang bumaba sa bundok para makipagpulong sa mga pinuno ng pitong tribu. Ang ama niya ang dating leader ng mga Iraya mangyan pero mula nang lumipat sila ng tahanan ay bumaba ito sa katungkulan para ilaan ang buhay sa pamilya.
"Hinihintay ko pang umuwi si Papa," sagot ng binata at kinuha ang ginagamit sa pagmimina ng ginto. Gawa siya sa kahoy na parang bilao ang hugis at kalaki.
"Ba't ayaw mong magtiwala sa akin?" tanong pa rin ng dalaga na sinusundan si Brandon nang tawagin ito ng pinsan. Tatlo silang tutungo sa ilog dahil ang iba ay naghanap ng makakakain mamayang tanghalian.
"Doon ka nga!"
"Ayaw ko!"
"May makakita nga sa 'yo!"
"Pakialam ko! Eh di patay!"
Tumigil si Brandon at hinarap ang dalagang hanggang balikat lang niya kaya napasimangot ito.
"B—Bakit ganyan ka maka—waaah!" malakas na tili niya nang buhatin siya ng binata. "Baba mo 'ko!"
"Sa kubo ka!"
Mabilis na naglakad ang binata patungo sa kubo at binuksan tapos inilapag ang dalaga sa kawayang sahig. "Huwag kang sumama!"Tumayo si Arianna at patakbong lumapit sa pinto pero nahapit siya ng binata sa bewang at pabalikwas na ibinalik sa loob at iniharang ang katawan sa pintuan.
"Huwag mo akong pwersahing ikulong ka sa kubong ito!"
"Lalabas ako!"
Puwersahang itinulak niya ang binata pero hindi man lang ito natinag kaya pinagsusuntok niya sa katawan hanggang sa mapagod lang siya.
"G—Gusto ko talagang sumama," pagsuko niya.
"Hindi nga pwede."
"Magpapakabait ako, promise."
Napabuntonghininga si Brandon nang marinig ang pagtawag ng mga kasama.
"Sige, pero huwag kang makulit at maingay, okay?"
"Okay!" nakangiting sagot ni Arianna at muling isinuot ang lumang tsinelas na pinagamit ng ina ni Brandon. Lumabas sila at sumama sa dalawang lalaking pinsan ni Brandon na may dalang pala. Kagaya ng ipinangako niya, tahimik lang siyang naglakad pero paminsan-minsan ay nililingon naman siya ni Brandon para hindi mawala.
Pagdating sa ilog, naupo siya sa malaking batuhan at pinagmasdan ang tatlo sa pagmimina ng ginto. Dalawa ang nagpapala ng lupa na may halong buhangin at si Brandon ang tila naghuhugas ng tubig sa parang salaan. Mabilis ang kilos ng tatlo. Curious na pinagmasdan sila ng dalaga at hinihintay ang lilitaw na ginto pero wala siyang makita kundi puro pinong lupa sa dulo.
Habang itinatali ang mahabang buhok, napansin niya ang maliit na butas sa lupa at may lumalabas na alimango kaya tumayo siya at sinilip ang butas kaya muling bumalik ang alimango sa butas.
"Kainis!" sabi niya at sinipa ang may kalakihang bato na tila nakalibing sa lupa. Nakakita siya ng dalawang alimango kaya nanlaki ang mga mata niya. "Kyaaah!" malakas na tili niya kaya napalingon ang tatlo sa kanya. "Brandon! May alimango! Halika!"
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesa at ang mga Mangyan
Short StoryKung mayroon man siyang pinakainiingatan, iyon ay ang makintab at mahaba niyang buhok subalit hindi niya akalaing ito rin ang magiging mitsa ng panganib sa buhay niya. Napadpad siya sa tribu ng Iraya mangyan sa Mindoro. Gusto niyang umuwi pero ayaw...