Mich' POV
"Okay class I have an announcement to make. Please be quiet." Sabi ni Miss Cruz na ikinatahimik ng klase. "Next week will be the election of the new school officers for this school. So we should have our class election now. Anyone wants to start to vote for the president?" Tanong ni Miss Cruz sa klase. May nagpaparticipate naman sa class election kaya hindi na muna ako makikinig.. gagawa muna ako ng sariling mundo.. haha
Hmmm.. si best kaya talaga yung nakita kong naglalakad palayo kanina.. ehh bakit hindi lumingon? Hayyss ewan.. gusto ko na umuwi.. wala na akong magawa dito sa school..bakit kasi ang tagal ng class election.? Boring naman wala ako makausap. Tapos hindi ko naman masyado close yung friends dito ni best Kev.. nakakahiya kaya. Di ako sanay makipag-usap sa kanila.. mas gusto ko kausap yung mga close ko lang kasi sa kanila lang ako mas komportable.
Feeling ko kasi hindi ako belong sa kanila kapag sila kasama ko. Tapos feeling ko kasi iba talaga yung pakitungo sakin nung mga babae dito sa class... parang plastik na masarap sunugin.. haha char joke lang yun. Pati hindi naman ako evil para siraan sila sa inyo noh---
"I nominate Michelle Ann Abad for muse." ANO DAW?!!! AKO?! MUSE?! WTH? Ayoko nga maging representaive kaya hindi ako nakikinig tapos mahiyain nga ako at tahimik tapos MUSE? Ano to? Joke time?
Iimik na sana ako para kumontra pero biglang nagsalita si Miss. :/
"No other nominees? Ok so it's already settled that Miss Abad would be our muse. How about for our escort?" HALA!! NOOO! AYAW! I'm doomed. Ayoko maging part nitong class representatives. I'm not deserving enough to be a muse..pwede bang mag-backout? pati ayoko talaga kasi yung muse namin last year ang naging model para sa mga school activities kaya ayoko. Hindi ako maalam mag-model nor rumampa.. hindi nga ako naghi-heels eh. :(
*pak*--> pagpalo ni miss sa table niya.
"Ok quiet now class.. so I will be repeating the batch of representatives for this class." Sabi ni Miss Cruz at nagsimula na siyang bumanggit ng names hanggang sa binanggit niya ang name ko. "And last but not the least John Kevin Arroyo for our escort." Sabi niya na nakapagpalaki ng mata ko. Abah di ko kasi akalaing dun siya mapapapunta sa escort eh ang talino niya. Ano ba yan? Pinagplanuhan? Talagang kami pa mag-best friend ang magka-partner? Masyado ata ako lutang sa pagiging muse ko kaya hindi ko narinig ang pagvovote kanina kay best as escort.
Sige na nga.. payag na ako.. siya naman ang partner ko eh.. >3< ok ang LANDI na po. MICHELLE ANN! Tigilan mo yan... Haha pagpasensyahan niyo na ako.. ngayon ko lang nakapartner si best sa isang bagay sa loob ng 15 years of existence ko. Kapag birthday ko kasi walang parties or what so ever na bongga.. simpleng handaan lang ang meron. Kaya ngayon ko lang siya makakapartner. Kyahhh....KILIG MEH!
"Don't forget to review for the exams..That's all for today.. you may now go home." Sabi ni miss habang nakangiti. Ang ganda talaga niya kapag nakangiti ang pinagtataka ko lang ay kung bakit wala pa siyang boyfriend. Ahh basta.. di ko na problema yon.. haha.
Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng room. Yey! Makapunta sa bahay nina best. Ibabalita ko sa kanya na partner ko sa class muse and escort. Absent kasi ng absent eh.. yan tuloy mas lalo ko siyang namimiss.. haha LANDI! xD
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita
Teen Fictionnaranasan mo na ba ang mainlove sa taong manhid? yung nagpaparamdam ka na nga pero hindi pa rin niya makuha kung ano ang nais maparating ng puso mo.. yan si Michelle Ann Abad.. inlove pero hindi halata.. siya yung tipo ng tao na kinikilig nang lahat...