CHAPTER 17- "CONFESSION"

238 14 9
                                    

Kevin's POV

"Umm... Priya ready na ba lahat?" Tanong ko sa kaclose kong Grade 8 sa phone. Nagvolunteer kasi siyang tumulong sa paghahanda ng surprise. Sana matuwa siya dito.

"Yes po kuya Kevin. Prepared na po lahat." Sagot niya sa kabilang linya. Napangiti naman ako dahil maaasahan talaga siya sa mga pagoorganize ng parties or celebration.

"Ok. Salamat talaga ng marami sa pagtulong sakin. Hindi ko ata matutuloy 'tong pag-amin ko kung wala kayo. Thanks Priya." Sabi ko nang nakangiti kahit alam kong hindi naman niya makikita.

"Haha no prob kuya. You can always approach me for help. O siya malapit na next class ko. Bye kuya." Pamamaalam niya at nagpasalamat ulit ako bago babaan ng call.

Ito na... handa na ako. Handa na akong umamin. Sana lang matanggap niya ang confession ko. Sana sa pag-amin ko nitong nararamdaman ko para sa kanya ay hindi siya lumayo. Sana tanggapin niya at hindi magalit.

Pinag-isipan ko talaga to mag-damag. Dalawang oras nga lang ako natulog kaiisip ng surprise at kung pano sabihin 'to eh. It took me a day para makapagdecide kung gagawin ko ba ang sinasabe ng utak at puso ko at finally, nakapagdecide na ako at yun ay ang umamin. Nalinawan at naging matapang ako sa advice ni papa..mas nalinawan ako sa mga bagay-bagay. Ganto kasi yan.

FLASHBACK

"Hoy Kevin... bakit ka tulala diyan? May problema ba anak?" Tanong sakin ni papa sakin kasi kanna pa ako nakatulala dito sa garden namin. Napansin pala niya na wala ako sa sarili ko simula umuwi ako sa bahay.

"Wala 'to pa. Pagod lang po siguro." Pagpapalusot ko. Sana makalusot., nakakahiya kasi sabihin.

"Sus, kilala na kita anak. Mukha mo palang hindi na ok. Pati you're not your usual self kaya hindi ka makakalusot sakin anak. Alam at ramdam kong may problema ka kaya dali, sabihin mo na." Haha transparent pala talaga ang mukha ko kapag si papa ang tumingin. Alam agad kung kelan ako good mood, bad mood at may problema. Swerte ko talaga dahil papa ko siya.

"Haha wala pala talaga ako lusot pa, galing mong makahalata." Sabi ko sa kanya ng nakangiti. "Love problem lang pa. Di ko kasi alam kung aamin ba ako o hindi." Diretsyo kong sabi sa kanya. Aba wala nang hiya-hiya, alam ko naman na siya ang makakatulong sakin. Best adviser yan eh. Haha simula kasi nang umalis si mama pa-abroad, si papa lagi ang nasasabihan ko ng problema ko at saka niya sasabihin kay mama. Kaya ayon, panigurado mamaya tatawag si mama.

"Alam mo anak, ang masasabi ko sayo. Wala sa lahi natin ang pagiging torpe. Dahil kapag ganun ka, baka maunahan ka na ng iba. Imbis na ikaw yun, iba pa ang gumagawa para sayo. At marerealize mo din na ang raming nasayang na panahon para ipagtapat ang dapat dati mo pa sinasabi sa taong mahal mo. Wag ka matakot magsabi ng nararamdaman mo. Pano mo malalaman ang outcome kung hindi mo susubukan.? If you love someone then tell her, because hearts are often broken by words left unspoken. Hindi naman kasi dapat humihingi ng kapalit kapag nagmahal ka, kapag nasabi mo at hindi niya tanggap then just accept it. Marami ka pang panahon para magmahal anak, hindi naman yan minamadali eh. Ang sinasabi ko lang ay kapag nagtapat ka dapat tanggap mo ang kinalabasan. Kung mahal ka niya edi masaya at kung hindi edi tanggapin mo lang at maghintay kung kaya mo. At kapag napagod sa paghihintay the learn to let go. Yun lang naman. Tama na nga, ang drama natin pareho." Sabi sa akin ni papa ng may seryosong mukha at ngumiti ng matapos siya. Naks... hindi ko na kelangan magtanong ng mga what ifs ko kanina. Nasagot niya lahat. Haha. Kaya mahal ko magulang ko eh.

"Naks, kaya mahal ko kayo pa eh. Galing mong mag-advice puro who goat. Haha." Sabi ko ng nakangiti kay pa. Parehas nalang kami natawa sa sinabi ko. At dumiretso na sa loob ng bahay upang kumain.

Pangarap Lang KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon