CHAPTER 3
WRONG SEND"Mich's POV"
"They say that Forever do exist but will i ever find it? I mean finding something that doesn't want to be found.. isn't that a bit hard? Well I say that finding my forever takes time and a lot of patience. I want a forever that will exist between me and him. Being with him is my forever.. but we all know that if forever is based on time, forever does not exist. We base our forever in the love that we feel for each other. The love that makes us feel appreciated and worth it. In this wold, there is no bitter love because if there is, ask yourself if the love of your parents for you is bitter. Even God, is His love for you bitter? We use the word bitter because that's just the feeling that we feel when loving a person that took you for granted or didn't loved you the same way you did. Forever in Love really does exist if we keep it in mind and in our hearts that it's real. I already have a forever that exist between me and God. And I think that the forever, I want with him could be possible too."
Hooh natapos din and essay about FOREVER in love. Maloloka ako sa kakaisip, mas lalo na sa part ko dahil hindi ako ganun katalino noh. Hindi ako katulad nina Mama at Bryan na matalino eh. Hmmp kanino ba kasi ako nag-mana? Pati first week na first week of school may essay na agad na nalalaman. Pambihira.
Biglang kumalam ng malakas ang tiyan ko. Gutom na ang mga alaga ko sa tiyan..nagrereklamo na. HAHAHA
Hmmm... ano kaya ang ulam? Makababa na nga, teka anong oras naba?
*9:30 PM*
Hala.. hindi man lang ako tinawag nina mama. Hmmp gahaman sa pagkain. Haha choss lang. Hayy miss ko na si best Kev, siguro busy yun sa kanyang pagmomodel. Sunday na ngayon. 3 days na siyang absent, scratch that, gawin nating excused tapos hindi pa siya masyado nagpaparamdam. Ano kaya kung magmodel na din ako? Hala ka Michelle Ann. San mo naman kukunin ang confidence mo? Haha. Pero back to what I'm saying. Nakakapagtampo talaga siya. Stop na muna. Kelangan ko muna talaga kumain kasi kanina pa talaga nag-iingay ang tiyan ko.
*labas ng kwarto*
"Oh Michelle, akala ko ba tulog kana?" Huh? Sino naman nagsabi niyan? Psh may hinala na ako. Sino pa nga ba ang kasama ko dito na mahilig akong pag-tripan?
"Huh sino naman nagsabi niyan ma?" Tanong ko parin kahit alam ko na.
"Si Bryan, anak. Sabi niya tulog kana kaya di na kita ginising. Hayy loko talaga yung batang yun. Di bale pinagluto kita ng paborito mong beef stew, kalalagay ko lang sa ref bagong luto yon inubusan ka kasi ni bryan ng ulam kanina. O sya good night anak." Humalik si mama sa pisngi bago pumasok sa kwarto at matulog.
"Ahh.. sige ma. Good night po. Thank you sa pagluto ng ulam." Grrr kahit kailan talaga yung si Bryan. Lakas ng trip! Binalak talaga ako gutumin. Hayy makakain na nga lang.
--
Pagkatapos kong kumain. Ginawa ko na ang night rituals ko. Haha pauso.
Balak ko na sana matulog pero sumagi na naman si best Kev sa isip ko. Hayy nakakaloka na baka mabaliw na ako sa kanya niyan. Ok korni.
Tawagan ko kaya? Hayy nako maitext na nga lang.. nasan ba phone ko.
*hanap mode*
*PR: I'll treat you right, treat you so good,serenade you everynight each moment i could~*
Huh.? Weird may natawag. Haist nasan na kasi.
*looks under the bed*
Ayun! Nakita ko rin sa wakas.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. "Miss-call from bestkev<3"
Hindi ko napigilang tumili. Pero hininaan ko lang kasi baka magising sina mama. Bakit kaya siya tumawag? Hindi ko mapigilan mapangiti sa excitement at kaba. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko.
Ehemm. Mag-hunusdili ka nga Michelle Ann! Inhale exhale. Mukha na akong baliw dito sa sobrang laki ng ngiti. Siguro kung may nakakakita sakin lalayo agad yun. Hahaha
Okay.. ehem itetext ko na.
"Hi best! Ba't ka nga pala napatawag? Sorry di ko agad nasagot." Yiee. Kinikilig ako.. shems. Haha
"Ahh.. ok lang yun best. Sorry din sa di pagpaparamdam busy kasi eh tapos pagod pa."
"Aww.. don't worry hilutin ko likod at ulo mo. Teka kelan ba balik mo?" Ang matipuno niyang balikat.. wahhh. Lunok-laway Michelle Ann! Babaha yan!
"Ahh.. papasok na din ako bukas. Kadadating ko lang sa bahay. Kamusta na?" Shocks nangangamusta siya.
"Eto naman patay na patay parin sayo.." Kinikilig ako.. ok relax. Magrereply na ako. Hala! Ba't may ganyang nasend? Baliw na ba ako para hindi mapansing nagtype ako nun at naisend ko? Shet. Patay. Sinabi ko lang yun sa isip ko! Baliw kana talaga Michelle Ann! Pati pagtatype mo sa phone di mo napansin sa sobrang kilig. PATAY NA! Ano na mangyayari sayo ngayon? Pakain kana sa lupa. You're so hopeless.
"Huh? Talaga? Patay ka sakin best?" Hala. I'm doomed! Hoohh. Calm down. Umisip ka ng maidadahilan mo. Hayss no choice. Ito lang pumasok sa isip ko.
"Ahh.. hehe WRONG SEND best.. katext ko kasi si crush. Hehe." Baliw kana Michelle Ann. At sino naman tinutukoy mo? Bakit yun ang naisip mo?
"Ahh.. ganon ba? Sige good night na. Tulog kana maaga pa bukas.. See you tom."
"Sige best.. ikaw din!" Wahhh... BALIW kana talaga Michelle Ann. Lagot na. At sino naman ang sinasabe mong crush? Ehh siya nga lang ang crush mo simula bata. TANGA! Mag-isip kana ng gagawin mong sub-crush. Hayy.. kaloka ang life. WRONG SEND? Gandang palusot para sa mga mauuto. Uggh!
Psh maka-tulog na nga lang.
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita
Teen Fictionnaranasan mo na ba ang mainlove sa taong manhid? yung nagpaparamdam ka na nga pero hindi pa rin niya makuha kung ano ang nais maparating ng puso mo.. yan si Michelle Ann Abad.. inlove pero hindi halata.. siya yung tipo ng tao na kinikilig nang lahat...