CHAPTER 16 - "AAMIN BA TALAGA O HINDI?"

191 12 5
                                    

KEVIN'S  POV

Isang araw na ang lumipas ng may awkward atmosphere ang meron samin ni best tuwing mag-kasama kami. Di ko nga alam kung ano gagawin para mawala yun eh. Tsk. Ano ba kasi pinagsasabi mo nung gabing yun huh Kevin Arroyo? Kainis. Bakit kasi ang torpe mo? Ganun ka nalang ba forevs? -.-

"O-oo namn.. s-siyempre mahal kita kasi best friend kita. Diba?"

"O-oo namn.. s-siyempre mahal kita kasi best friend kita. Diba?"

"O-oo namn.. s-siyempre mahal kita kasi best friend kita. Diba?"

*iling* *iling*

Aish... nakakainis. Bakit ko ba kasi sinabi yon?

"Kasi ayaw mong aminin na torpe ka sa mga barkada mo kaya nililihim mo." 

Aish hindi noh.. sadyang hindi ko lang sila nakakausap sa sobrang busy ng schedule ko. -.-

"Sus, sino niloloko mo sa pagiging indenial mo? Hindi ba sarili mo lang?" Sabat ng subconscious ko. Tss.. 

Ughh... oo nalang utak. Kainis ka. Manahimik ka nga diyan, di ka naman nakakatulong eh.

"Sus ang tagal na kaya kita tinutulungan... sadyang mas pinapairal mo lang ang kaewanan mo kasi ayaw mo makinig. Pati masyado ka agad nagpapanic." Sabi nanaman ng subconscious ko... ano ba yan.. tss... oo na. -.-

Sinong torpe ba ang hindi kakabahan kapag umaamin hah? Ewan ko nalang sayo.. tsk.

"Maaaring torpe ka nga.. pero pwede ka naman mag-level up kung gugustuhin mo... nakikisang-ayon naman kasi minsan sakin si puso.. at yon ay ang sabihin mo ang nararamdaman mo hangga't maaga pa, hangga't wala pang lalaki ang dumadamoves sa kanya.. maging matinik ka naman."

Wengyang utak yan... galing magbigay ng advice... naaapektuhan tuloy ako.. aaminin ko na nga ba? o hindi? Ehh kasi naman isasacrifice ko na nga ba ang friendship namin para lang sa bwiset na nararamdaman kong ito? Parang ang selfish naman kasi.

"Hindinaman magiging selfish kung susubukan mo lang naman. Ang selfish ay ang pagpapatuloy kahit alam mong ayaw niya. Malay mo pareho pala kayo ng nararamdaman.. naghihintayan lang kayo kung sino ang aamin."

The efffff.... ano ba naman yang subconscious na yan ang talino.. nadaig pa ang pagbigay ng advice ng friend kong si marco. Oo si marco nga. Kahit cassanova yung lalakeng yun, nakoo daig pa ang isang makata kung makapag-advice akala mo kung sinong nagseseryoso ng relasyon, well kung ibabase sa nakaraan niya.. loyal naman yang friend kong yan.

Ewan ko lang kung bakit nag-iba ang ugali, yung dating ang lalaki na ang laki ng pagpapahalaga at respeto sa babae ehh naging heartbreaker at walang sinasanto. Ahh, ewan tanong niyo nalang sa kanya.. wala akong time para diyan. Nan dito kami sa loob ng room, hinihintay si miss. Kelangan ko mag-isip ng solusyon upang mawala ang awkwardness samin ni best.Namimiss ko na kasi yung makulit at sweet kong best friend. Lagi nalang siya naiwas, sumasama lagi kay Mj kapag may gala.. nakakapang-selos nga eh. Tsk. As a punishment, kukunan ko siya ng picture.

*flash*

Ahh sh*t.. it flashed. Bigla akong napaub-ob sa desk para di ako pagdudahan at mahalatang ako ang nagpicture. Haha. Palihim kong tingnan ang stolen pic na nakuha ko. Yehh.. ang ganda talaga ng girl friend ko, di ko tuloy mapigilan mapangiti ng palihim. Ops wag lagyan ng ibang meaning magkaiba yung spelling oh.. magkahiwalay' iba ang girl friend sa girlfriend.Tss bakit ko nga ba ineexplain ang side ko? Ahh baka kasi sabihin niyong inaangkin ko siya agad eh.

Back to the problem, ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang awkwardness between you and your best friend? Argghh..bigyan niyo ako ng advice please? Sooner or later baka mabaliw na ako kapag di ko pa siya makausap bukas ng walang awkward feelings. Gawin ko kaya yung sinasabi ng subconscious ko... yung pagcoconfess... aish pero baka kasi n
mali lang yung subsconscious ko.. hayy aamin ko ba talaga o hindi?

----
Mich's POV

Hayy... ang boring kapag di kasama si best. Bakit ba kasi hindi ako mapaigi kapag malapit na siya sakin.. parang naiilang na ako o baka naman naiinis ako sa katotohanang hindi talaga siya magkakagusto sa akin kasi best friend niya lang ako at mostly ang magbebestfriend eh mag-kapatid lang ang turingan.

Tss.. tama na nga Michelle Ann. Di mo ba naisip na baka magalit na ang best friend mo sayo at mas lalong masira ang pagiging mag-best friend niyong dalawa? Sira ka talaga. Tss nakakainis di ka nag-iisip.

Lol.. haha sisihin daw ba ang sarili? mababaliw na ata ako.. ay hindi baliw na nga talaga.. baliw na baliw sa pagmamahal sa nag-iisang best friend kong gwapo, none other than Jon Kevin Arroyo.. haha yan kulang nalang yana ng iannounce ko sa BR ng live.. choss.

Kung tinatanong niyo ako kung nasan ako.. secret.. di ko sasabihin. Haha bata much? Joke lang guys, actually, ummm... nan dito kami sa loob ng room.. naghihintay sa adviser namin. May iaannounce daw kasi siya samin, tagal nga eh.. haha demanding.

*flash*

O.O

*lingon sa kaliwa't-kanan*

Aish sino nagpicture? Kainis naman oh.. stolen pa naman, baka mamaya ang pangit ko dun eh. May pa stolen picture pa nalalaman, pwede naman sabihin at ngingiti ako. Bigyan ko pa siya picture eh.. haha lol makapagsalita as if gagawin eh. Hmm.. dahil bored ako at di ko din naman alam kung sino yung nagpicture eh nagmasid nalang ako sa loob ng room. Tsk. Ang iingay parang di school eh, ikinonvert ata to sa public market sa ingay eh. Tss. Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa mapapunta sa left side ko ang paningin ko at nakita ko si best na nakaub-ob sa upuan.

   Aww, kawawa naman best friend ko, pagod pa siguro. Laging puyat at tamlay. Hayy sobrang namimiss ko na BF ko. Hoy wag lagyan ng malisya hane.. BF po as best friend hindi boyfriend. Anyway, bakit ko nga ba ineexplain ang side ko? Silly. Minutes passed, inangat na ni best ang ulo niya at naginat-inat tapos biglang kusumot ng mata. Yiee, ang cute. Haha... parang ang sarap tuloy panggigilan.
 
Hayy... miss na miss na miss ko na po ang best ko. Bakit kasi biglang naging awkward ang atmosphere? Ayan tuloy, kapag lalapit siya hindi ako mapakali.. gusto ko lumayo nalang. Bakit ba kasi biglaan naging awkward kainis.. o baka naman dahil hindi ko matanggap ang katotohanang hanggang kaibigan lang ako. Tss, asar.

Kasalanan ko din naman ehh... bakit ba kasi ako nalayo? Tapos kapag naman nagyayaya si Mj na gumala, yon hindi ako makatanggi. Tsk, ang tanong. Hanggang dun na nga lang ba? Ehh kung aminin ko kaya para naman atleast alam niya ang side ko.. tapos bahala na ang friendship namin.. tutal parang at war naman kami ngayon.. hayy parang ang bad naman kasi non...ano ba talaga ang gagawin hah Michelle Ann? Aamin ba talaga o hindi?

----
Someone'sPOV

Yes, magkaaway ata sila ngayon. Hindi sila nagkakausap masyado eh. Tapos laging kasama ni Mich si Mj.
Everything's going to what I wanted.
I'll steal him from you Michelle.
You'll be mine soon John Kevin Arroyo. Soon.

ITUTULOY....

~*~
(A/N: Yey.. haha okay nasa mood akong mag-update sana araw-araw na 'to, mean tuloy-tuloy hehe. Happy 3.2K reads. Yey. hahaThanksforthe awesome support. Don't forget to leave a vote andcommentplease.. ineeditformotivation. Thanks. That'sall. BYE! ^^)

Pangarap Lang KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon