CHAPTER 19- "START OF US"

20 0 0
                                    

Mich's POV

Mag-iisang linggo na kami at maraming nangyari pakulo at nagbago. At sa pagbabagong yon, ay pagiging sweet at maalagain ni B ang pinakang-nagustuhan ko. Hihi. Pero syempre hindi mawawala ang madagdagan. May mga late enrollies na biglang sumulpot. Tawag daw sa kanila ay TripleB, daming paechoss no? Bakit kaya B yon? Hahaha. Bad ka Michelle Ann. Naaalala ko nanaman yung mga pinagiisip ko nung tinawag ako ni best na BabyB.

Anyway, pano ko nalaman? Syempre dakilang chismosa kaya ako. Hahaha. Mahilig ako makinig sa mga chika ng mga students dito kahit hindi halata. Gusto niyo ba malaman kung anong nangyari ng makauwi kami? Wag niyo na itanong kasi ikekwento ko din naman kahit di niyo imention. Hahaha. So yon nga natapos ang gabi yon na puno ng kamaisan. Choss. Haha. Joke lang. Ito talaga nangyari.

Pagkatapos akong ihatid ni BabyB daw. Haha, nagnakaw daw ba ng halik sa cheeks ko bago ako makapasok sa bahay. At ang loko nagtext agad sakin pagkapasok na pagkapasok ko.

--------------

From: BabyB <3

Hi BabyB ko. Sobrang saya ko ngayon sana ganito palagi. Pero if ever magkaproblema. I will always be here. Handang makinig, umintindi at magmahal sayo. ;) Sunduin kita bukas hah, para sabay tayo sa flag cem. Tapos review na din tayo pagkauwi natin. Para very good ka sa exam. Good night. Dream of me. Love you. <3

--------------
Ohh see? Sweetness niya umaapaw. Haha. Hayy... Hinding- hindi ko malilimutan tong araw na ito. Gagawa ako ng box of memories. At alam mo kung anong box ang gagamitin ko? Ano pa ba edi kahon ng sapatos. Aba, mahal kaya magpagawa. Hahaha. Cheap na itawag niyo pero sakin isa yong bright idea. Just being thrifty. Oh umienglish ang lola niyo. Haha. Anyway, yihhh excited na ako para bukas. Speaking of bukas. Di ko pa narereplyan ang B ko. Sinilip ko siya sa labas kung nan don pa at tama ang hinala ko bago palang umaalis. Hinintay muna siguro ako makapasok. Hihi. Sweet no?

--------------
To: BabyB <3

Hi Baby ko. Ako din masaya. More than you can ever imagine. :* Ako din. Nandito lang kahit anong mangyare. :) Okay ang cheesy na. Haha. Sige. Don't worry sabihin mo man o hindi, lagi ka nang nasa panaginip ko. See you tomorrow my B. I love you. ;* <3

--------
Ihh.. Hahaha. Kakilig. Nakarating na ako ng kwarto ko at humiga sa kama. Para na akong baliw dito kahahampas ng unan at pagulong-gulong.

"Mukha ka nang baliw diyan kagugulong. Ay di lang pala mukha. Baliw na talaga. Tsk tsk tsk."

Hala. Kagulat naman itong si Bryan. Basta basta nalang magsasalita. Napabalikwas tuloy ako sa higaan ko. Tsk.

"Che. Pakialamero ka talaga diyan. Malamang alamang in love ang tao eh. You'll see. Kapag ikaw ang nakita kong tinamaan. Nako basta basta ka nalang ngingiti out of the blue. Pipictureran ko yon. Hahaha. At saka ganda ganda ng araw ko sisirain mo pa. Matutulog na nga eh. Bakit ka nga pala nandito?"

"Tsk. Dami mong agad sinasabi diyan. Tss. Saka na nga lang. Good night." Pairap niyang sabi sabay alis. Tss. Tungkol san kaya yung saka niya? Oh well, konti nalang talaga. Makukombinsi ko na ang sarili kong bading ang kapatid ko. May pairap effect pa eh. Tsk.

Hayy nako. Bayaan na nga yon. Laki ng problema. Basta ako matutulog ng may ngiti sa labi ko at ang laman ng isip ay ang isa sa pangarap kong unti-unting natutupad. And that is... The start of us.

---
A/N: Sorry kung short

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pangarap Lang KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon