CHAPTER 1
HHWWMich's POV
Wiehh, first day of school ngayon. 4th year na ako! Haha adik.. pagpasensyahan na EXCITED LANG!
Nasan na kaya si best friend Kev? Siguro ang POGI at ang HOT nanaman niya sa kanyang uniform.. those seducing muscle. Anu ba yan agang-aga ang landi ng isip ko! ERASE ERASE.
"ATE! Ang tagal mo naman sa kwarto! Naghihintay na sayo si Kuya Kevin!" - Bryan Trevor Abad, ang kapatid kong napakareklamador. Hayy. Pero ano daw? Nasa baba na si best Kev my labs?
"Wait lang Bryan, ang OA mo mag-react 20 mins lang ako naligo at 10 mins lang ako nag-ready noh!"
Anyway.. siyempre hindi naman hahayaan ng lola niyong hindi presentable sa harap ng crush niya noh.. kaya nagsuklay ako ng buhok, nag- lipbalm, nag-ayos ng uniform at nagperfume ...all check! Okay Dora activated.. choss haha. Kinuha ko na mga gamit ko at bumaba na.. kaso pagkadating ko ng last step ng hagdan..
"Aray.. ang sakit naman nun sa ul--" Pagkatingala ko. Lunok laway nalang ang nagagawa ko. Pwede bang himatayin? Grabe. Ang POGI naman kasi ng nasa harapan ko. Hooh.. Caps lock para intense. Haha. Eh kasi naman si.. si kevin.. nagpakulay ng buhok.. mas lalo siya GUMWAPO. Ihh nakakakilig. Shemms! Titig palang niya natutunaw na ako. Pero syempre hindi ako nagpahalata noh! Sa isip lang ako naghahyperventilate. Ok masyado na ata ako oa mag-react so let us move-on. LOL
"Uhh.. Sorry Mich.. ok ka lang ba? Galing kasi akong cr ehh papunta na sana ako sa kwarto mo."
"U-uh? O-ok lang ako. Haha kumain kana ba?" Shocks nagstutter ako.. sana naman hindi na niya pansinin.. kahiya. ._.
"Ah hindi pa eh, akala ko kasi late na." Hayy nako kev kelan kaba magbabago? Tsk tsk. Ayy wag kana pala magbago i like you that way.. Gosh san ko nahugot yon? Haha
"Ok.. tara na't kumain. I'm sure gutom ang aabutin mo sa school." Untag ko sa kanya. Tumango din naman siya. Naiisip ko palang mga umaaligid sa kanya nababadtrip na ako.
at "baka mamaya may magpacute nanaman sa harapan mo masabunutan ko pa." Bulong- bulong ko.
"Huh? May sinasabi ka best?"
"H-hah? W-wala ahh.. sabi ko kumain na tayo hehe." Palusot ko sa kanya habang nakangiti.
"Ahh.. haha sige thanks nga pala sa pagiging corcern." *pinches my cheek* "CUTE mo talaga!"
CUTE mo talaga!
CUTE mo talaga!
CUTE mo talaga!
C-cute? Cute daw ako? Hindi ba ako nagkamali ng pagkakarinig? Wahh Kevin! Bakit ka ganyan? Ang aga-aga nagpapakilig ka tapos with matching kurot pa sa pisngi. Ihhh di mo ba talaga halata na kinikilig na ako? Grabe ka! Hmmp. Namumula kaya ako? Gosh sana hindi.
"Oh best ba't tulala ka pa diyan? Akala ko ba kakain tayo? Masyado bang gwapo ang mukha ko at natulala ka? Haha" Ayy di ko napansin na nakaupo na pala siya sa hapag kainan kasama ni Bryan. Wait! Hanu daw sabi niya? Masyado daw siyang gwapo? Nakoo kung alam mo lang Kevin.. kung alam mo lang talaga.
"Psh.. conceited much? Kumain ka na nga lang diyan!" Umupo nalang ako sa tabi ni Bryan.. nakakaasar. Kung di lang siya manhid edi sana alam niya nararamdaman ko sa tuwing malapit siya sakin. Bwisit ambilis na naman ng tibok ng puso ko.
"Oh ang aga naman ata ng awayan niyong mag-bestfriend?"
"Eh kasi Ma nang-aasar si Kev tapos ang hangin pa. " Sumbong ko kay mama.. hoping na kakampi siya sakin.
"Hoy, sinisisi mo pa ako eh totoo namang natulala ka.. di ba nga Bry?"
"Haha, oo nga Ma tulala na naman si ate kanina." Bumulong sakin "Sus, pakipot ka pa ate if i know kinikilig ka lang diyan pati pwet mo kinikilig haha" Bulong sakin ni Bry.
Wahh... pagtulungan ba naman daw ako.. di ako makapalag sa kapatid ko kasi totoo naman eh. Rest in peace soul.
"Haha, o siya kumain nalang kayo at baka malate pa." Sabi ni mama then looks at me *winks* see nakisali pa si mama.
Pagkatapos namin kumain, nagpaalam na kami at dumiretso ng school.. naglakad lang kami malapit lang naman eh, maliban sa kapatid kong tamad at nagtricycle pa.. tsk tsk aksaya sa pera.
--
SCHOOL
Grabe hah. Tinginan agad ang mga babae sa direksyon namin? Grabe talaga.. alam ko naman na headturner tong kasama ko kasi ang gwapo pero ang aga-aga naman para magtilian sila noh. Psh tapos tong kasama ko todo ngiti lang. Hayy nako feel na feel ang moment, conceited talaga kahit kelan.. tsk masira nga ang moment niya. Siya lang nasisiyahan dito eh.
"Nginingiti-ngiti mo diyan? " Tanong ko sa kanya.. nagmumukha kasing ewan ngiti ng ngiti nang walang dahilan.
"Wala lang , masaya lang ako. Bakit masama bang ngumiti? At bakit ikaw? Ang aga-aga ang init ng ulo mo?" Tanong niya sakin.. abah pano ba naman hindi iinit ang ulo ko kung ang daming natingin sayo. Edi ikaw na.
"Tsk, may sinabe ba ako? At hindi mainit ulo ko noh.. psh tara na nga at tingnan ang listahan kung magkaklase tayo!" Tss.. badtrip lakas makapag-mind read eh. Tapos he just chuckled. Napatigil ako ng konti pero ng matauhan nagpatuloy ulit sa paghila sa kanya. Ang cute ng tawa nya. Ok ako na bipolar kanina lang badtrip tapos ngayon ang saya ko na. Tss kainis.
*..pagkadating namin sa bulletin board..*
*hanap*
"Kyahh! Wahh Kev classmate na tayo! HOHO. " Sabi ko habang tatalon-talon pa at pasuntok-suntok ng mahina sa balikat niya.. nakoo chansing lang Michelle Ann."Haha.. masyadong happy best?" Haha hala masyado ata ako napaover. Ngayon ko lang kasi siya naging classmate simula kasi nang mag-highschool lagi nalang siya nasa kabilang section. Buti nalang at ngayong panghuling year ay magkaklase na kami.
"Haha naman! May magtuturo na sakin eh." Proud kong sabi sa kanya. Matalino din kasi siya. Isa siya sa top 5 ng class ehh ako paTOP-pon. HAHAHA
"Haha.. nako best mag-aral ka nga ng mabuti at makinig ka mabuti sa mga lessons." Sabi niya sakin. I know naman kasi nakakahiya na kung hindi ako makikinig eh kasama kita sa class.
"Yes sir!" Sabi ko while making the soldier sign.
Wiehh classmate ko siya! <3 <3 <3
Tumunog na ang bell. Ibig sabihin malapit na magsimula ang klase kaya kelangan nang pumunta sa room.
"Oh first class na natin tara na?"
"Huh? S-sige tara." OMG nilahad niya ang kamay niya.. first time yun! <3
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita
Teen Fictionnaranasan mo na ba ang mainlove sa taong manhid? yung nagpaparamdam ka na nga pero hindi pa rin niya makuha kung ano ang nais maparating ng puso mo.. yan si Michelle Ann Abad.. inlove pero hindi halata.. siya yung tipo ng tao na kinikilig nang lahat...