(A/N: Picture at the right side. :) Enjoy reading. ^^ ------> )
Kevin's POV
Nan dito lang ako sa loob ng classroom tulala kasama ang maiingay kong classmates. Hayy.. nasan kaya si best? :(
"Hoy Kevin, musta ang photoshoot pre? Balita ko busy ka nitong nakaraang araw ah." Hay nako. Kalalaking tao, napaka-chismoso talaga nitong si Marco. Daig pa best friend ko, eh hindi ko nga sa kanya nasasabi na busy ako. Tss
"Chismoso mo talaga pre, saan mo naman nasagap yang balitang yan?" Hmm sabagay marami naman akong taga-hanga dito sa school di talaga malabong malaman nila agad pero kahit na. Tss
"San pa ba edi sa mga fans mo.. haha" Iiling-iling nalang ako nung sinabe niya yon. Magsasalita palang sana ako pero nakarinig kami ng ingay galing dun sa speaker kaya nanahimik kaming lahat.
"Good morning everyone." Kilala ko yung boses na yun ah.. teka wag mong sabihin si best yan? "I'm sorry to disturb your wonderful morning but I just wanted to tell everyone that examination is near and we should all be ready for it. Today is monday and it is the perfect day to correct the last week's mistakes. And before I end this speech of mine, I would like to say sorry to my best friend Kevin Arroyo. I miss you already and I hope you would notice me again. I'm sad and bored these past few days because I have no one to talk to. I think my life will never be complete if I don't have a friend to be with. That's all. Good Morning everyone. Have a nice day." Ang bading man sabihin pero inaamin ko na kinikilig ako sa sinabe ni best. Haha. Di ko tuloy mapigilang mapangiti. Napatingin ako sa paligid ko at lahat sila nakatingin sakin, tapos biglang mga ngumiti ng nakakaloko at nagsimula ng mang-asar.
"Hooh agang-aga may personal message sa broadcasting room hah... haha di mapigilan mapangiti ni lover boy ah." Aishh huli na, nakita na nilang nakangiti ako eh. Haha go with the flow na nga lang. Di ko talaga mapigilang ngumiti haha. At oo alam nilang gusto ko best friend ko.. inaasar nga nilang torpe daw ako. Psh, sila kaya ang mag-tapat tingnan natin kung hindi sila kabahan at ma-torpe. Tss
"Gago! Tumigil nga kayo. At ikaw Marco manahimik ka kung ayaw mong masapak." Matalim ko siya tinitigan para tumigil siya pero ayon si baliw at hindi man lang nasindak.
"Whoa, chill bro. Sabi ko nga mananahimik ako." Tss nanahimik nga nakangiti naman ng nakakaloko sakin.
"At tigilan mo ang kakangiti mo diyan... mas lalo kang napanget." Sabi ko ng pairap.
MICH'S POV
Pagkalabas ko ng BR, tinahak ko na ang daan papuntang classroom. Nakatingin sakin ang mga babaeng nadadaan ko. Napatakip tuloy ako ng mukha. Gosh, ngayon ko lang narealize na buong school ko sinabe yun. My goodness, kahiya. Kinakabahan ako sa bawat hakbang ko dahil malapit na ako sa classroom. Pagkatapat ko sa pintuan ng classroom.. mas lalo akong kinabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko.. Hooh, keep calm Michelle Ann. Inhale, exhale.
"Ohh Michelle pumasok kana.. baka dumating na si Miss Yjares." Nagitla ako dun ah.. di ko namalayan na bumukas pala ang pinto.. pumasok na ako sa loob at napatingin sa mga classmates kong kanina lang ay maingay ngayon ay tumahimik. Hala grabe sila kung makatingin. Nag-iwas nalang ako ng tingin dahil sa hiya. Umupo na ako at baka maabutan pa ako ni miss. Mapagalitan pa. Sakto naman at bigla siyang pumasok para magsimula nang mag-turo nung nakita ko sa peripheral vision ko na tatayo na si best at mukhang pupunta sakin. Hooh. Saved by miss.
Lumipas ang oras na wala man lang akong naintindihan sa lesson ni miss. My goodness. Ayaw talaga magsink-in sa utak ko pag english ang lesson.. kaasar.
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita
Genç Kurgunaranasan mo na ba ang mainlove sa taong manhid? yung nagpaparamdam ka na nga pero hindi pa rin niya makuha kung ano ang nais maparating ng puso mo.. yan si Michelle Ann Abad.. inlove pero hindi halata.. siya yung tipo ng tao na kinikilig nang lahat...