Kabanata 1

369 3 0
                                    

Candy


Dalawang araw na ang nakakalipas nang magkaroon ng sunog sa bandang squatter dito sa barangay namin.

Hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng luha kapag nakikita ko ang sumisigaw na lungkot sa kanilang mata. Takot, sakit, pangungulila at pagaalala.

Kasalukuyan kaming naghahanda ng mga pagkain para sa kanila. Mga damit na dinonate ng mga tao sa iba't ibang lugar.

Ako ang nilagay sa pagaayos ng mga damit. Kasama ko ang kaibigan kong si Dakki na seryoso sa pagtutupi.

Nandito kami sa barangay hall. Halos lahat ng nandito ay puro mga kaibigan ko. At iyong iba ay mga kaibigan ng kaibigan ko.

Nakakatuwa silang pagmasdan sa kanilang ginagawa. Ang iba ay nagku-kwentuhan habang nagaayos ng mga pagkain. Gusto ko sana tumulong sa pagluluto ngunit naunahan na ako ng iba kaya dito na lang ako sa pagaayos ng mga damit.

We went here earlier since we need to finish all of this in just one day. As in, this day. Simula umaga hanggang gabi. But I think we can finish it all since we're a lot here. I hope laziness will not meddle now.

"Ang sakit pa rin sa puso!" nakangusong wika ni Dakki.

I looked at her. "Ang alin?"

She let out a sigh before answer me, "Nung araw na kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano unti-unting kinakain ng apoy ang mga importante sa kanila."

She's the one who told us that there's a fire in the squatter area.

Good thing that it's Sunday. We don't have to go to school. We can give our all time to packed all of this things.

Mamaya ay pupunta kami ng covered court dahil nandon sila ngayon. Mabuti na lang malaki ang court na 'yon para makasya silang lahat. We provide tent, but for those who really only needed. Yung sa matatanda, mga buntis at mga bata. Hindi na kinaya ng pera ang pangbili ng tent. Pero mabuti na rin na kahit papaano marami-rami ang nabili namin.

"Nasasaktan rin ako para sa kanila. Ang daming nawala. Lalo na ang mga mahal nila sa buhay," mahina kong sambit.

Seeing them crying so loud and calling the names of their love ones made my heart broke into pieces.

Naranasan ko ang ganong bagay kaya alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay.

May mga tao pa akong nakitang nagmamakaawa na tulungan ang mga naiwan sa loob ng bahay pero wala kaming magawa. Mas lalong lumalaki ang apoy.

Si Kuya Pots na nasa hospital ngayon dahil sinubukan niyang salbahin ang mga tao. His right arms burned because he kept on going back to save people, he inhaled a lot of smoke from the fire that cause him fainted.

But thankfully to God. He heard the prayers of people. Agad rin napatay ang apoy. But after that, para akong kakapusin sa hininga nang makita ang mga tao sa paligid na wala ng buhay.

The houses they were living looks like not a house anymore. Even that place were squatter area it was still looks happy. Kapag napapabisita ako doon ay lagi ko silang nakikitang nagtatawanan. But after the tragedy, it became dark. Hindi dahil sa usok. Ngunit dahil sa lungkot ng mga tao na dinadala ng mga bawat bahay.

Binuhat ko ang box na puro damit na natapos ko nang tupiin dahil ilalagay ko na sa truck.

"Dakki? Hindi ka pa ba tapos d'yan?" tanong ko.

Umiling naman siya habang dahan-dahan tinutupi ang mga damit.

Inismira ko siya. "Ang bagal mo kumilos!" singhal ko sa kaniya.

The Warmest Place (Paradise Series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon