Kabanata 15

50 2 0
                                    

Sorry


It's friday today and there's no classes. Sa course lang namin at hindi ko alam kung bakit biglang wala kaming pasok ngayon.

That's why I decided to do general cleaning. Sa kwarto ko lang naman dahil lagi namang malinis ang buong bahay. At kakatapos lang nang tanghalian at mag a-alas dos na rin.

Kung sa iba 'kalat mo, linis mo' sa bahay na ito ay 'Kwarto mo, linis mo'. Ito ang patakaran sa loob namin sa loob ng bahay.

Hindi pwedeng kay Manang pa namin iasa ang kwarto namin gayong matatanda na kami. At sang-ayon naman ako doon dahil mas gusto kong may ginagawa kaysa ang nakahilata lang sa kama.

"Anak, kailangan mo ba ng tulong?"

Saglit kong nilingon si Mama bago binuksan ang faucet. Magsisimula pa lang ako na maglinis at ngayon ay nagpupuno ako ng timba. Nandito ako sa likod ng bahay para kumuha ng tubig. Hindi pa kasi naaayos ang tubo sa cr ko. Mamaya pa siguro dadating ang magaayos. Hindi ko alam bakit biglang nasira iyon. At kagabi lang nasira.

Inilingan ko siya bilang sagot.

"Makakain, anak? Gusto mo lutuan kita? Ano bang gusto mo?"

Muli ay inilingan ko siya.

Sandali siyang tumahimik kaya lumingon ako para tignan kung nandon pa siya ngunit nakatayo pa rin siya sa likuran ko at malungkot na nakatingin sa akin.

"Anak... hindi mo ba ako kakausapin? Ilang araw mo na akong iniilingan. Hindi ka na rin sumasabay kapag kumakain." Mahina niyang sambit.

Napasinghap ako. Seryoso ba?

"Bakit mo pa po ako tinatanong ng ganiyan kung alam niyo po sa sarili niyo na ang sagot?"

Mas lalong lumamya ang kanyang mukha. "Anak... galit ka b—"

Tuluyan ko siyang hinarap. "Oo, Ma! Galit ako! Kasi..." nagsimulang magbara ang lalamunan ko, "...kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit! Bakit mo nagawa kay Papa iyon? Bakit kailangan mong maghanap ng ibang lalaki? Hindi ba siya sapat? Hindi ba kami sapat sa'yo?" Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

Pinagsaklop niya ang kamay at humakbang palapit sa akin.

Bakit kahit pagiyak hindi ko nakikita ngayon?

"M-Minahal mo ba talaga si Papa? Bakit hindi ka man lang umiyak nung nawala siya? Hindi ka man lang naghinagpis? Bakit parang hindi kita nakitang nalungkot? Lagi kang nakangiti! Bastos na kung bastos! Masama na kung masama pero gusto ko maramdaman mo rin yung naramdaman ko nung nawala si Papa!"

"Anak..." she tried to reach me but I shook my head and step backward.

"... h-hindi pwedeng nananatili ka sa sakit na 'yan. H-Hindi pwedeng magpatuloy kang sa pagkakaroon ng sama ng loob, Anak... ilang taon na rin... natanggap na namin ng Ate mo. Tulungan mo naman ang sarili mo..." pagmamakaawa niya.

Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Sarkastiko akong natawa.

"Bakit? Sa tingin mo ba ganon kadaling makalimot? Bakit ganiyan ka magsalita? Parang hindi mo minahal si Papa! Parang ang dali-dali lang sa'yo nung nawala siya!"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Umalis na ako sa doon at naglakad palabas, at saktong nasa may kusina si Harvey at may pagtataka sa kaniyang mukha.

Mas lalo pang lumakas ang hikbi ko nang makita siya. Dalawang araw na nang huli ko siyang makita.

Nagha-hallucinate na lang siguro ako. Kasi alam ko sa loob-loob ko nagsisisi ako sa sinabi ko. Nagsisisi ako sa binitawan kong salita. Nagsisi akong pinagtabuyan siya.

The Warmest Place (Paradise Series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon