Tiredness
"Ms. Rietta Diego, are you still there?"
"Five minutes more!" I shouted from the room.
"Uh. Miss? Do you need my help?"
Umiling-iling ako na tila ba nakikita niya ako. "No, no, thank you. I can handle this. Just tell Ate Jean that wait for me."
"Alright."
Nakarinig na ako ng tunog ng takong na naglalakad paalis. Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ko nang gupitin ang damit ko.
I just finished my morning show here in Ayala and after this I'm going to attend an interview show.
I thought I can take a rest already. I almost forgot that I still have a interview. Then after the interview, I have commercial shooting. But I can still have a rest, only for 45 minutes. Dahil aayusan pa naman ako bago magsimula. At magkakaroon ng kunting pahinga sa loob ng sasakyan.
This is a hectic schedule!
At mamayang gabi! I have to go to Nicolla birthday party.
She's one of my celebrity friend and I made a promise to her. At hindi ko kayang hindi siputin dahil gusto niya rin na kantahan ko siya.
Magkakaroon lang ako ng pahinga mamayang madaling araw.
What a nice life.
Good thing, I'm planning to have a 2 weeks vacation. Makakauwi ako sa amin. I hope Ma'am Melody are going to let me. I can't wait to see them again. Sobrang miss ko na sila.
I've been in Manila for 5 months. I still remember how I become like this.
"Mama..."
Naupo ako sa harap ni Mama habang siya ay nakatulala at abala sa kaniyang tinutuping damit.
Nasa bahay na kami at kakauwi lang galing sa mental hospital.
Dahil hindi na kaya ng mga nurse si Ate. Wala na kaming choice kundi dalhin siya sa mental hospital. Kung saan matutulungan talaga at mas mapapadali ang kaniyang paggaling.
Kaso... mahirap at masakit para sa amin.
Hindi namin kailanman naisip na si Ate ay mapupunta mental hospital. Hindi namin kailanman naisip na magkakaganon siya.
"B-Bakit, Anak? May kailangan ba sa school niyo?" Ibinaling niya sa akin ang atensyon at itinigil ang pagtutupi.
Inabutan ko siya ng tsaa. Nagpasalamat naman siya sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang sobreng natanggap kaninang umaga.
"Ma... may sasabihin po ako."
Tinuon niya ang kaniyang mata sa akin.
"Sa tingin ko po, makakatulong po ito sa atin lalo na po kay Ate."
Ikinuwento ko kay Mama kung paano nagsimula ang pagkilala ko kay Tiffany at kung paano niya ako pinilit na sumali sa binukas nilang audition sa school hanggang sa nakapasa ako.
Unti-unti ay umangat ang dalawang gilid ng labi ni Mama at hinawakan niya ang aking kamay.
"Anak, tanggapin mo 'yan. Hindi lang iyan makakatulong sa atin kundi sa iyo rin. Natatandaan ko na ang pangarap mo simula noong bata ka pa ay maging isang sikat na singer. Ngayon na ito na mismo ang lumalapit sa'yo. Huwag mo na tanggihan."
"Pero po... Paano po kayo dito? Sa Manila na po ako titira dahil nandon naman po ang company nila. Paano po nila Agatha at Manang?" nagaanlinlangan kong sabi.
BINABASA MO ANG
The Warmest Place (Paradise Series#4)
Romance(Paradise Series#4) Be with you in your warmest place was always the safest. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started: July 10, 2021 Date Finished: November 9, 2021