Hi everyone! This is the last kabanata of The Warmest Place. Ririe and Harvey are happy that you guys reach till the last kabanata of the story. Enjoy!
Warm
Without thinking, I nodded. He stood up and I followed him. Agad kong sinuot ang sombrelo at face mask. Hindi pwedeng makita kami na magkasama. Lalo pa na kaming dalawa lang.
"S-Saan tayo?" mahina kong tanong habang nakasunod sa kaniya.
"Saan mo gusto?"
Itinango ko ang ulo dahil baka may makakilala sa akin. Sinundan ko lang siya at hindi ko alam kung saan kami patungo. Tinitignan ko lang ang mga paa niya.
Napatigil lang ako nang tumigil na rin siya. Inangat ko ang tingin at luminga-linga sa paligid.
Sa likod pala ng agency which is parking lot. Wala ng gaanong sasakyan dahil nagsiuwian na ang iba.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at tinignan ako. Pumasok naman ako doon at hindi napigilan ang sariling singhutin ang amoy ng loob ng sasakyan.
Tumigil ako nang siya naman ang sunod na pumasok.
"Don't worry, tinted ang salamin ng sasakyan ko. No one can see you from here," sabi niya sa isang seryosong tono.
Tumango lang ako bilang sagot.
Namutawi ang katahimikan at para akong kakapusin ng hininga. Pinagdikit ko ang labi. Hindi ba kami aalis?
"Pwede bang dito na lang tayo magusap?"
Tila ba nabasa niya ang iniisip ko. Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako.
I'm ashamed to face him. I'm still thinking about what happened before. What I did to him.
"Why, Ririe?"
Nilingon ko siya. Biglang kumalabog ang dibdib ko nang salubingin ko ang kaniyang tingin.
Yung mata niyang sumisigaw na kalungkutan, ng sakit, ng tampo.
"Bakit mo ako iniwan? Kaya naman nating labanan 'di ba?"
Napalunok ako. Mahigpit ang naging kapit ko sa aking bag. Hindi ko napaghandaan ang araw na ito. Hindi ko pinaghandaan ang sasabihin ko.
Kung ano man ang nararamdaman ko nung mga panahon na iyon, iyon na lang ang sasabihin ko.
"Harvey... I did that for the sake of the baby and Yumi's life. Kung... kung hindi iyon ang pinili kong desisyon, how about the baby? How about Yuno? How about their parents? Do you think I can live with you while being aware that Yumi's life ended because I choose to be selfish?" nahihirapan kong sambit.
"Does choosing to fight with me was a selfish decision?"
Hindi agad ako nakasagot.
"You were just thinking about others life, about others feelings. Paano ako? Hindi mo ba ako naisip nung mga oras na iyon? Hindi mo ba naisip yung mararamdaman ko sa magiging desisyon ko?"
Ramdam na ramdam ko ang pait sa kaniyang boses. Sa bawat salitang binibigkas niya tila ba pinipigilan niya ang bagay na gustong kumawala sa kaniya.
"I love you, Ririe... I always love you. Na kaya kong takpan ang tenga ko para sa kanila para lang hindi kita masaktan."
Hinawakan ko ang kamay niya at unti-unting may namumuong luha sa gilid ng mata ko.
"S-Sorry. Sorry kung hindi ako nagiisip ng tama nung mga panahon na iyon... hindi ko na rin kasi alam kung anong gagawin ko. Buhay na ng isang tao, buhay na ng isang Ina, anak at kapatid ang nangyayari nung mga oras na iyon... sa tingin mo mas pipiliin ko pa ba ang maging makasarili at piliin kong maging masaya?"
BINABASA MO ANG
The Warmest Place (Paradise Series#4)
Romance(Paradise Series#4) Be with you in your warmest place was always the safest. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started: July 10, 2021 Date Finished: November 9, 2021