Cheated
"Uy, bukas biyernes na. Moni tayo!"
Inilingan ko naman si Dakki. "Kayo na lang. Samahan ko na lang kayo."
"Okay!" mabilis niyang sagot.
"Bagong buhay ka tol?" si Van.
Naglalakad na kami ngayon sa koridor para salubungin sila Nella.
"Oo, baka kasi bawian ako ng buhay kapag hindi ako tumigil," I joked.
He snorted. "Weh! Baka syota mo na yung Harvey ah! Kaya hindi ka na iinom."
I elbowed him making him gasp. "Manahimik ka d'yan."
Mabuti na lang nakasalubong na namin ang tatlo at nagaya na kaming umuwi. Si Dakki ay didiretsong uwi na dahil nilalagnat ang kapatid.
Ewan ko dito. Kapag laging may problema laging nagaaya ng inom. Para namang masasagot ng alak ang sakit sa ulo. Dagdag pa nga 'yon kung tutuusin. Napailing-iling ako. Maybe it's because of her father again. Her father is addicted to alcohol. Plus pa ang mama niya na sakitin. Kaya nga noong bakasyon ay ako ang sumalo sa shift niya sa mini-resto sa kabilang barangay dahil biglang sinugod sa hospital si Tita.
Wala namang kaso sa akin 'yon, nakakainis lang dahil ang gusto naming itulong sa kaniya tinatanggihan niya. Lalo na kapag usaping pera. Kung pagkain tatanggapin niya pero kapag pera ay hindi. Hindi rin naman namin siya pinipilit sa bagay na 'yon. Hihintayin na lang namin siya na mismo ang kusang manghingi ng tulong.
Sina Van, Pj at Janjan ay dadayo raw ng basketball. Habang sina Nella at Rea ay may pupuntahan. Hindi naman ako makakasama sakanila dahil kailangan kong daanan si Agatha na sinisinat na raw ngayon.
Uso ang lagnat ngayon ha.
"Pusta ka muna, Rie! Bago ka umalis!" sigaw ni Janjan.
"Huwag na! Mga bano naman kayo!" pangaasar ko.
Sabay-sabay silang napasinghap at napahawak sa dibdib. Maliban kay Pj na may parang nainsultong ngisi.
Tinawanan lang naman sila nila Dakki at ginatungan pa ang sinabi ko.
"Instant referee sila sa court. Partida tatlo pa sila!" malakas na tumawa si Dakki.
"Gago you ha!" tila naiirita na sabi ni Van dito.
"Varric, ang bibig mo." Saway sa kaniya ni Nella na parang nanay.
Agad nagbago ang ekspresyon ni Van at inakbayan si Nella.
"Sorry na po. Kiss mo na lang," ngumuso siya at malakas siyang tinulak ni Dakki kaya sabay silang napaatras ni Nella.
"Ang mga isda ay dapat nasa ilog lang. Bakit may nakatayo dito?" mataray nitong puna.
"Hindi pang-ilog ang pagkatao ko. Pang swimming pool," asik ni Van.
"So, inaamin mong isda ka?" bato sa kaniya ni Rea.
Tumaas naman ang kilay ni Van na tila proud na proud. "Hindi naman ako isda tol pero kung iyon ang tingin sa akin ni Dakki. Ayos lang, masarap kaya ang isda. E 'di masarap ako, 'di ba."
"Praning," bulong ko sa sarili.
"Exempted ka roon, Van," natatawang wika ni Janjan.
BINABASA MO ANG
The Warmest Place (Paradise Series#4)
Romance(Paradise Series#4) Be with you in your warmest place was always the safest. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started: July 10, 2021 Date Finished: November 9, 2021