With
"Dakki, pakitulungan naman ako dito," pakikiusap ni Nella kay Dakki.
Agad namang tumayo si Dakki at nilapitan siya. Pinanood ko lang silang naglalakad paalis habang tulong sa pagbuhat ng box.
Tuwing fiesta dito sa amin. Laging may circus na nagaganap. Ang circus ay gaganapin sa biyernes, next week. Biyernes ngayon at kalalabas lang namin sa school at dumiretso kami dito. Sa lupain ni Soren Jalmanzar na kung saan laging ginaganap ang circus.
Sa huwebes ang simula ng pista at usually hanggang sabado ginaganap.
Nilapag ko ang bote ng tubig sa lamesa at sinimulan nang buhatin ang isang box sa harap ko. Nagsimula na akong maglakad sa loob ng circus tent at muntik pa ako madapa kung wala lang sumalo sa akin.
Nakapulupot sa bewang ko ang braso niya at nilingon kung sino 'yon. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nakasalo sa akin.
The guy with the ash eyes. Dahan-dahan niya akong tinayo.
"Ayos ka lang?"
Napalunok ako at tumango sa kaniya. "Ah. O-Oo..."
Tinalikuran ko na siya at nagsimula na ulit maglakad. Pinatong ko ang box doon at hinarap ang mga kaibigan ko.
"Na-contact niyo na yung mga representatives para bukas?" tanong ko.
Tumango naman si Pj. "Oo. Naghahanda na rin sila."
Tumango-tango naman ako. "Mabuti naman."
"Ririe, si Ate Cristal raw ay susunod dito mamaya. Maaga araw siya magsasara ng shop," sabi ni Rea na abala sa kaniyang cell phone.
Tumango ako. "Pakisabi na huwag na isama si Agatha dahil baka mapahamak lang dito."
"Copy!"
Tumingala ako sa taas at napansing may mali sa pagkakalagay ng bakal. Kinuha ko ang hagdanan at tinapat doon. Dahan-dahan akong naglakad doon.
"Ririe, baka mahulog ka d'yan!" si Janjan.
Napalingon ako sa kaniya at nginisian lang siya. "Hindi 'yan!"
Hindi ko na lang siya pinansin nang may sabihin pa siya. Tinuon ko na lang ang pansin sa inaayos.
I flinched when I felt something itchy. And without a second I slipped. I closed my eyes hardly and just waiting myself to feel the floor but why I felt a arms?
"Henrietta!" rinig kong tawag sa akin ng mga kaibigan ko.
Minulat ko ang mata at lalaking may makapal na kilay na nakakunot ang bumungad sa akin.
Napatitig ako sa kaniya.
He saved me. Again.
Pinilit ko ang sariling bumaba mula sa kaniyang pagkakabuhat. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Hinarap ko ang mga kaibigan ko na lumapit sa direksyon namin.
"Ririe? Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" nagaalalang sunod-sunod na tanong ni Dakki.
Umiling ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Warmest Place (Paradise Series#4)
Romance(Paradise Series#4) Be with you in your warmest place was always the safest. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started: July 10, 2021 Date Finished: November 9, 2021