Chapter 4

46 8 9
                                    

Chapter 4

Got your back

Last night gave me the assurance of friendship. I'm not expecting us to be lovers, all I care about is our friendship should now be broken or else hindi ko na alam ang gagawin ko kung masira ito. Ever since in my life, we were always there for each other.

My life changed, the moment I met him when we move into this house. Kung hindi ko siya nakilala siguro. Until now, I'm still a sociopath who doesn't want to get along with others. He literally opened me to the world where life should be taken wonderfully.

Bumaba na ako nang matapos akong magayos ng making sarili. When I reached downstairs, I saw my grandma talking to a lady. Bumungad ng napakalaking ngiti ang babae sa akin nang lumapit ako sa kanila.

"Napakagandang dalaga!" puri ng babae.

"Magandang umaga po." nahihiyang tugon ko.

"Nga pala, Em. Siya pala ang bagong kapitana ng barangay. Naalala mo yung puwesto sa palengke na palagi nating binibilhan ng gulay? Sa kanila 'yon." pamamahagi ni lola.

Napaawang naman ang labi ko at agad ngumiti sa babae.

"Congratulations po sa inyo." nakangiting bati ko sa kanya.

"Salamat, hija." sagot nito sa akin.

"Salamat din sa paghatid sa akin ng cellphone ko, kapitana. Kung hindi mo ibinalik sa akin ang cellphone ko hindi ko rin 'to namalayan na naiwan ko na pala." natatawang sabi ni lola.

"Ah wala 'yon, aling Susan." umiiling na sambit ni kapitana.

Sumenyas ako kay lola na mag-aayos ako para sa almusal namin kaya tumango naman ito saka ko nilagay pansamantala ang bag ko sa gilid ng sofa.

"Pasok ka muna kapitana." pang-aalok ni lola.

Nakangiting pumasok sa bahay si kapitana at umupo silang magkaharap ni lola sa sofa. Naglagay ako ng kanin sa pinggan at tinolang niluto ni lola bowl saka ko ito inayos sa hapag.

"Nga pala, sumasali ka ba sa mga beauty pageant hija?" biglang tanong ni kapitana habang nag-aayos ako sa hapag kainan.

"Hala hindi po." nanlaki ang mga mata ko at agad umiling bilang sagot.

"Seryoso? Sa tangkad mong 'yan pwede ka nang maging beauty queen. Anong height mo ba hija?"

"5'7 po."

"Oh! Pasok na pasok." sabay pumalakpak at parang may kinapa ito sa bag niya.

"Aling Susan, pupwede niyo po talagang isabak 'to ang apo niyo sa darating na pageant sa barangay. Kay laki ba naman ng premyo tapos may possibilidad pang maging artista 'yang apo niyo." na-eexcite na sabi ni kapitana.

Tumayo ito at lumapit sa akin para ibigay ang flyer. She held my hand tightly and smiled.

"Registration will end next week. Pag-isipan mo ng mabuti hija. Bumisita ka lang sa akin sa barangay hall, tutulungan kitang mag-ayos ng mga requirements." masiglang sambit nito sa akin saka siya kumindat kay lola na kinatuwa naman nito.

I was about to say something pero I realized that it is really rude not to accept the flyer. Accepting the flyer doesn't mean I'll join the contest immediately, right?

Nauna akong kumain ng almusal kay lola at kapitana kasi abalang abala pa sila sa chichika. Napangiti naman ako na kahit paapaano may kinakausap si lola habang wala ako sa bahay. Nagpaalam ako sa kanila bago ako lumabas.

When I get outside, I peek a little in Nahliel's house and waited for him to come out. Ilang minuto rin akong nakatayo sa labas ng bahay ngunit walang Nahliel na lumabas kaya napagpasyahan kong umalis na at nagtungo na sa paradahan ng jeep.

On Cam GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon