Chapter 5

24 4 0
                                    

Chapter 5

Pageant

Nakaupo akong nakayuko habang nakasandal sa balikat ko si Nahliel. He's sleeping soundly, gabi na rin kasi and wala itong tigil sa pag-iyak. He's really worried about his uncle. Ever since we met, ang uncle niya ang tumayong ama sa kanya dahil binigay nito ang lahat ng pangangailangan nilang mag-ina.

"He's my uncle, my friend, and my father at the same time." rinig kong imik ni Nahliel.

I lowered my gaze as I saw him open his eyes slowly pero nanatili lamang siya nakasandal sa balikat ko.

"He will be okay... matapang si tito Joaquin." I said as I comfort him.

Bigla naman ito bumangon at napaayos ng upo saka yumuko.

"Alam kong matapang si tito pero... tangina." he paused and looked at me with pain in his eyes.

"Naiisip ko pa lang ang nangyayari sa kanya ngayon, hindi ko alam kung kakayanin niya ba o hindi." dagdag nito.

Napahilamos siya sa mukha niya. Umusog ako papalapit sa kanya at tinapik siya sa kanyang likuran.

"Magdasal at magtiwala lang tayo. Magiging okay din ang lahat." I said and smiled.

Matipid siya tumugon sa ngiti na binigay ko sa kanya. I felt relieved because it somehow comforted him. Maya-maya lumabas sa ICU si tita Loisa kasama ang doctor, agad naman napatayo si Nahliel habang kinakapa ang kanyang kamay na parang pinapakalma ang kanyang sarili.

"Kamusta si tito, ma... doc?" kalmadong tanong ni Nahliel.

"We need to wait for the CT scan results to come out tomorrow but for now, your uncle will be under monitoring." agarang sagot ng doctor sa tanong ni Nahliel.

Tumango naman si Nahliel saka nagpaalam ito na umalis. Tita Loisa walked towards me and simply smiled as she taps my shoulders.

"Nandito ka pala hija, salamat hija sa pagpunta at sa pag-aliw kay NJ." mahinang sambit nito sa akin habang tinitignan si Nahliel sa likuran ko.

"Walang anuman po, tita." nakangiting sagot ko.

Napalingon ako kay Nahliel at seryoso ito ngumiti sa akin, agad naman itong tumalikod at lumakad pabalik sa bench saka umupo.

"Sinabi ko naman sa kanya na huwag na siya pupunta dito kasi may klase pa siya at may pinaghahandaang audition pero ayun ang tigas pa rin talaga ng ulo ng batang 'yan." natatawang sabi ni tita Loisa pero halata naman ang lungkot sa boses nito.

Tita Loisa just stared at Nahliel who is sitting on the bench, leaning his back on the wall as he looks problematically on the ceiling. Napabuntong hininga ito, halatang nag-aalala ito sa kalagayan ng anak niya.

I held her hand and drag her to the bench saka binigay sa kanya ang plastic na puno ng prutas na binili ni lola.

"Ano 'to hi--"

Napahinto ito sa pagsasalita nang makita niya ang sa loob ng plastic. Malapad itong ngumiti sa akin saka ito hinawakan ang aking mga kamay.

"Salamat talaga hija."

"Bigay po 'yan ni lola, siya po kasi sana pupunta dito kaso...." natigilan ako sa sasaihin ko.

Shoot... I was about to say that I'm worried about Nahliel pero mabuti naman hindi ko naituloy.

"Kaso?" nagtatakang tanong ni tita Loisa na hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga mukha.

Matipid akong ngumiti at mahinang tumawa.

On Cam GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon