Chapter 1

76 13 9
                                    

Chapter 1

Number 1 Fan

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Tumayo ka nga! Mukha kang timang diyan." Iritang saad ko kay Nahliel na nakaluhod.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip nito. Samahan ko raw siya sa audition niya mamaya para mag artista. Hindi ko alam pero natatawa ako sa pinaggagawa niya.

"Maria! Sige na. Samahan mo naman ako. Papasama lang naman eh." Pangungulit nito habang nakaluhod hawak-hawak ang laylayan ng uniform ko.

"Eh ano ba pumasok sa utak mo na mag-aartista ka? Ha? Alam ba 'to ng pamilya mo?" Tanong ko kaya agad naman siyang tumayo at pinaspasan ang sarili bago tumingin sa akin.

"Hindi eh." Malungkot niyang sagot.

"Kaya..." Tumingin ng malungkot naman ito sa akin sabay paawa effect.

"Samahan mo na 'ko please?" Pag-mamakaawa nito sabay hawak sa dalawang balikat ko.

Tinignan ko lang siya ng masama at unti-unting tumango. Wala naman akong choice kundi supportahan ang mokong 'to.

"Yes! Yes!" Masayang sigaw nito.

Napatingin naman agad ang mga taong napapadaan sa kinaroroonan namin kaya lumapit ako sa kanya at kinurot ko siya tagiliran.

"Hoy! Nakakahiya ka. Manahimik ka diyan! Pinagtitinginan tayo ng mga tao." saway ko sa kanya kaya napatawa naman ito habang nakahawak sa tiyan niya.

Tawang tawa ang siraulo.

"Wala lang.. happy lang! Kaya tara na! Alis na tayo para makauna tayo sa pila." pang-aaya nito.

Kinuha niya ang bag ko at inilahad ang kamay niya kaya napatingin ako dito. Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko kaya hinintay ko siyang magsalita.

"Anong tinitingin mo diyan?" nakangiting tanong nito kaya napaangat ako ng tingin. "Hay nako! Tara na!" napakamot naman siya sa batok gamit ang isang kamay niya at hindi na ako hinintay magsalita pa dahil hinawakan niya na ang aking mga kamay .

"Huwag kang mag-alala ihahatid kita mamaya sa bahay niyo tapos ililibre pa kita sa tapsilogan!" masayang saad nito habang naglalakad kami palabas ng campus.

"Aba aba gusto ko iyan ah!" naeexcite kong sabi.

Marami talagang pasabog ang mokong 'to para mapasama lamang ako sa kanya. Natuwa tuloy ako sa narinig kong libre pero agad akong napasinghap nang maalala ko si Lexi, dapat kasi magkasama kaming uuwi.

"Hoy! Hahanapin ko muna si Lexi. Sabay sana kaming uuwi eh!" sabi ko sa kanya nang malapit na kami makalabas sa campus. "Hoy teka nga lang.... excited?" singhal ko sabay kuha ng kamay ko sa kamay niya at kinapa ang cellphone sa bag ko na suot suot ni Nahliel.

Binuksan ko ang cellphone ko at hinanap sa contacts ang pangalan ni Lexi at sinubukang tawagan.

~Sorry you don't have enough load balance to make this call~

Shet! Wala na pala akong load. Napatingin ako kay Nahliel at unti-unting ngumiti.

"Oh... ano? Wala kang load?" tanong nito.

Napatawa ako dahil alam niya na kung anong sinasabi ng pagmumukha ko.

"May load ka ba?"

"Aba syempre! Back-up mo 'ko eh." panunukso nito sabay lahad ng cellphone niya na kakakuha niya sa sling bag niya.

Kumindat din ito sa akin na parang bilib na bilib sa sarili niya. Kinuha ko naman ang cellphone niya at tinawagan ang number ni Lexi pero hindi ito sumasagot. Nakailang ulit ako ng tawag pero hindi talaga.

On Cam GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon