Kabanata 6

26 2 0
                                    

Ngumiti ako sa registrar at inabot ang ilang dokumento. May inaabot siyang isang pahina ng papel at may nakalagay na pulang marka sa gilid. Binasa ko 'yon isa-isa, lahat ay patungkol sa personal impormasyon.

"Pakisagutan lahat ng may pulang check sa bawat gilid," imporma ng babaeng nag abot sa akin ng papel. Tumango ako at nilingon si Emily at Hatria na kasunod ko lang sa pila.

"Hintayin ko kayo, doon lang ako uupo para masagutan natin 'to." Sabay turo ko sa pavillon sa hindi kalayuan. Pinagpagan ko ang upuan at maingat umupo dahil nakasuot ako ng bestida.

"Si Mikko ba 'yan? Dito mag aaral ang anak ng mayor?" rinig kong tanong sa ilang grupo na nakaupo rin dito sa pavillon.

"Ang gwapo niya talaga!" impit na tili nila.

Nilingon ko si Emily at Hatria, si Tupeng naman ay biglang nawala sa pila nang makita niya kanina ang kaniyang kaibigan na si Anton. Nanglagkit ang aking balat sa sobrang init ng araw at pawis na nanuyo na sa aking balat. Inikot ko ang paningin ko sa pavilion para pagmasadan ang ilang estudyante na abala sa pagsagot, nabigla ako nang mahuling may matang nakamasid sa akin. Nilabanan ko ang tingin binigay niya sa akin.

"Nag sagot ka Yana?" tanong ni Hatria na kababalik lang. Napabitaw ako ng tingin dahil sa tanong ni Emily at binalingan sila. Mabilis lang ako na umiling.

"Hatria, paano ka pala nakapasok dito? Hindi ba't tapos na ang entrance exam bago ka nakapag isip na mag aral dito?" tanong ni Emily habang abala sa pag sagot, nag angat ng tingin si Hatria. Napaisip ako sa tanong ni Emily, oo nga 'no.

"Si Papa na ang bahalang nakiusap sa punong guro, nagkaroon ulit na huling paanyaya sa entrance exam, marami rin akong kasabay na kumuha ng exam," paliwanag niya at patuloy lang sa pagsagot. Nasa kalagitnaan kami ng pagsagot nang bahagyang umingay ang paligid. Ano bang problema ng mga taong 'to?

"Pwede bang makiupo?" isang baritonong boses ang nagpaangat ng tingin naming tatlo sa nagtanong na lalaki. Tinuro niya ang katabi kong upuan na may nakalagay na envelope. Agad ko 'yong kinuha 'yon at inikot ang paningin sa paligid, wala na palang maupuan. Bumalik lang kami sa pagsagot ni Hatria pero si Emily ay nakatunganga lang sa lalaking katabi ko.

"Ang swerte naman niya! Nakatabi niya si Mikko!" rinig ko sa di kalayuan. Mabilis kong tinapos ang pagsagot at nabigla ako nang sabay kaming tumayo ni Hatria. Mabagal ang ginawang pagsulat ni Emily kaya nahuli siya. Pasimple kong sinulyapan ang lalaking tumabi sa gawi ko. Binasa ko ang pangalan niyang nakasulat sa taas na parte ng papel. Mikko Asmodeus Gonzalvo. Halata sa mukha niya ang pagiging suplado at hindi pinapansin ang naririnig sa paligid. Siya pala ang anak ng mayor ng Quintana?

"Bumalik ka ng biyernes, alas nuebe ng umaga para sa class schedule mo," imporma ng babae at kinuha ang papel ko.

"Tara na, nasa entrada na daw si Kuya Sebastian," anyaya ni Hatria. Sebastian? Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba si Mang Rueben ang magsusundo? Naiisip ko pa lang na makikita ko siya parang masisira na naman ang araw ko, parang gusto ko nalang ding maglakad.

Supladong mukha ang sumalubong sa amin sa harap ng entrada, ang dala niyang sasakyan ay agaw eksena sa mga taong nakapaligid. Dumako ang tingin niya sa amin nang tawagin siya ni Hatria. Nag iwas ako ng tingin at lumakad ng walang pake sa presensiya niya.

"May pinuntahan ba si Mang Rueben, kuya?" tanong ni Hatria.

"Sinundo ang Mama at Papa sa Cavite El Viejo," sagot ni Sebastian at binuksan ang pinto ng sasakyan. Naunang pumasok si senyorita sa may unahang upuan. Sunod niyang binuksan ang pinto ng likod at pumasok si Emily at huli ako. Bago ako tuluyang umupo ay tiningnan niya ako ng masama. Seryoso ko lang siyang tiningnan at umirap ng lihim. Ano bang problema nito?

Good and Perfect Gift (EL VIEJO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon