Simula

52 4 0
                                    

Malalim ang gabi.

Ang hampas ng malamig na hangin ang sumasalubong sa akin habang binabaybay ang daan pauwi. Naghalo ang hapdi ng ilan sugat ko sa pisngi dahil sa aking luha. Habang palayo sa lugar ay hindi ko mapigilang humagulhol ng sobra ng dahil sa pighating lumukob sa aking pagkatao.

"Patawad at hindi kita naprotektahan senyorita," mapait kong naisatinig.

Halos manghina ang tuhod ko ng matanaw ko ang ilaw sa aming bahay. May ilang tauhan ng mga El Viejo ang nakapaligid, panigiradong inaabangan ang pag uwi ko at baka kasama ang senyorita.

My body was slowly giving up because of some deep wounds and some scratches on my skin, I'm literally weak and panting for more breathe.

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa kaganapan, nag init ang sulok ng mga mata ko at ang hikbing pinipigilan ay bumukol lang sa aking lalamunan. Napaupo ako sa matayog na damuhan dahil sa kawalan ng pag asa. Inisa isa ko sa aking isipan kung saang desisyon ba ako nagkamali? Habang palalim ng palalim ang gabi ay siya ring pag aalisan ng mga tauhan ng El Viejo. Kinuha ko ang pagkakataong 'yon para makapasok sa aming tahanan. Bumungad sa akin ang mugtong mata ng mga kapatid ko. Si Mama naman ay halos tulala nang makita ako, may iilang gamit ko na nakahanda. Napakunot noo ako dahil doon.

"Totoo ba Adrianna?!" sigaw ni Mama sa akin na may halong panghihina. Hinawakan niya ang braso ko habang niyuyugyog 'yon.

"Anong sinasabi mo, Ma?" balik kong tanong dahil sa pagkalito.

"Na nagawang mong ipagpalipat sa pera at ipagkanulo ang isa sa mga anak ng El Viejo sa sindikato?" Marahas akong umiling, sinasabi ko na nga ba. May ideya na ako kung bakit may mga tauhan ang mga El Viejo at sa naging reaksyon ni Mama ng makita ako.

"Tumakas ka na! Habang may panahon pa!" Marahas niya akong hinila at kinuha ang mga bag ko.

Napaiyak ako sa kanyang sinabi. Ano bang nangyayare? Gusto kong pumunta sa mga El Viejo at magpaliwanag sa nangyare at makatulong ako. Pero paano? Kung ang iniisip ng lahat ay ganiyan? Dalawang araw akong nawala at si Hatria ay hindi pa din nahahanap.

"Ma! Hindi ko kayang gawin ang gano'ng bagay!" hagulhol kong sambit habang inaabot ang kamay niya para yakapin. Lumapit ang dalawa kong kapatid at niyakap namin ang isa't-isa. Mas lalong nangilid ang luha ko dahil sa mainit na yakap nila. Ang atungal namin ay parang naging musika dahil sa pagkakasabay-sabay. Kumalas si Mama at pinunasan ang luha ko, sa paraan ng paghaplos niya ng kamay sa aking pisngi ay parang isang tanda ng pagpapaalam. Napailing ako sa ginawa niya.

"Gusto kong lisanin mo ang lugar na 'to sa lalong madaling panahon wala tayong laban sa kanila, bumalik ka kapag ayos na ang lahat. Gusto ko kapag nakaalis ka ay piliin mong maging masaya sa magiging bago mong buhay," mapait na nasambit ni Mama.

"Ma, hindi ako aalis! Kaya ko, aayusin ko 'to Ma! Matutulungan ako ni Sebastian , Ma," pagsusumamo sa kanya. Agad siyang napailing sa sinabi ko.

"Babalikan nila tayo anak kapag nalaman na nandito ka! Walang ibang paraan kundi ang lisanin mo ang lugar na 'to, baka nakakalimutan mo El Viejo rin ang tinutukoy mo at nag iisang kapatid nilang babae ang nawawala pa din ngayon. Walang magagawa ang pagmamahal mo sa lalaking 'yon, Adrianna," mahinang bulong ni Mama. Lalo akong napanghinaan dahil sa litanya ni Mama.

"Dahil saksi ng dalawa kong mata, ang poot at galit niya ang namumuhay sa mata nang pumunta dito kasama ang ilang tauhan nang hinanap ka... Higit sa lahat, wala tayong laban sa pamilya nila kaya ka nilang ipakulong o hindi kaya nama'y ipap-patay ka... " halos bulong nalang sa hangin ang nasambit niya.

Wala na bang ibang paraan? Paano nangyare? Naniwala ba siya sa kumakalat na balita? Wala ba siyang tiwala sa akin? Kung totoo ngang naniwala siya sa maling balitang kumakalat, wala na akong ibang magagawa kundi ang umalis kahit mabigat sa loob ko.

"Ma," nanginginig kong tawag kay Mama.

"Mangako ka Ma, na may mababalikan pa ako-" Napahinto ako sa sasabihin dahil hindi ko na mapigilang umiyak. Ang bukol na namuo sa lalamunan ko ay halos hindi ko mailunok dahil sa pagpipigil ng pagtangis. Bumaling ako sa mga kapatid ko. Ngumiti pa rin ako para pagaanin ang loob nila, masyado pa silang bata para mamroblema.

"Alagaan niyo ang Mama, palagi ko kayong papadalhan ng mensahe. Magpakabait kayo at patawad dahil mawawala ako sa tabi niyo sa susunod na araw at buwan..."

Pinili kong maging buo ang loob kahit hinang-hina na ako. Nakatanaw sila Mama habang nililisan ko ang lugar namin. Hindi alintana ang lalim ng gabi sa akin dahil kailangan ko nang umalis. Tantiya ko ay madaling araw na dahil may nakikita na akong gising at naglalakad-lakad. Inayos ko ang balabal nasuot ko at nagmamadaling lumakad. Napadaan ako sa bayan para sumakay ng bus paalis sa lugar.

"May balita na ba patungkol sa pagkawala ng nag iisang anak na babae ni Don Federico?" tanong ng isang tindera sa palengke habang inaayos ang panindang ipagbebenta.

Mas lalo akong kinabahan dahil sa narinig na usapan. Kailangan ko na talagang magamadali at lisanin ang lugar na 'to. Nakita ko sa paligid ang ilan kong litrato, bakas dito ang pang aakusang kriminal. Gusto kong sumigaw na hindi totoo ang kumakalat na balita, pero hindi ko kaya dahil wala pa akong laban sa kanila ngayon.

Ipinapangako ko na babalik ako dito at lilinisin ang pangalan ko nang may dangal at sa malinis na paraan. Anong laban ko sa pamilya nila? Isang hamak na dukha lamang ako. Sa lalim ng pag iisip ko ay hindi ko namalayang may nabangga nala pala ako, at sa sobrang lakas na paraan ko naibangga ang sarili sa kung sino. Ang balabal na yumayakap sa aking mukha ay biglang nalaglaga, nanginig ang kamay ko nang magulat ang kaharap ko.

"Nandito ang kriminal!" sigaw niya. Dahil sa labis na kaba ay tumakbo ako sa mabilis na paraan. Hindi! Hindi ako kriminal! Gusto kong ipaglaban ang sarili ko pero wala akong magawa. May ilang humahabol sa akin, namukhaan ko ang ilang mga tauhan ng El Viejo. Hindi ako tumigil sa pagtakbo dahil baka maabutan nila ako, hindi ko ininda ang pagod at pagkahingal.

"Bilisan niyo! Habulin niyo! Ibabalita ko sa mga El Viejo na nasa bayan ang hinahanap nila! Ibabalita ko rin kay Senyorito Sebastian na tigilan na ang pagbabantay sa bahay ng babaeng 'yan!" bulyaw niya sa mga patuloy na humahabol sa akin.

Ginawa ko ang makakaya kong bilis ng takbo para hindi mahabol. Binaybay ko ang magubat na daan, hindi ko alam kung nasaan na ako. Halos isang oras ang ginawa kong lakad at takbo, kahit hindi ko na marinig ang mga humahabol sa akin ay tumatakbo pa rin ako.

Ang sinag ng linawag ay humahalik na sa langit at ang paligid ay umiingay na. May bakurang malawak akong natagpuan at may malalaking puno roon. Sinuong ko 'yon kahit wala nang pwersa ang mga paa't tuhod ko.

Ang lilim ng puno ang nagsilbing pahinga ko, ang labi ko ay tuyot na at ang suot kong bestida ay naghalong puti at putik na. Bago ko naipikit ang mata ko ay may naaninag ang aking paningin na isang bulto ng tao. Ang paligid ang unti-unting nagdilim pero sinikap kong humingi ng tulong.

"Sino k-ka?" tanong niya. Ang malalim niyang boses ang huli kong narinig bago agawin ng dilim ang aking paningin.

Good and Perfect Gift (EL VIEJO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon