Kabanata 21

4 1 0
                                    

Pinapaypay ko ang ilang flyers na hawak dahil sa sobrang init ng panahon. Nagsimula na ang pangangampanya kaya medyo abala na rin. Napansin kong wala na naman sa sarili Emily kaya nilapitan ko siya.

"Nagugutom ka na ba? " tanong ko sa kanya.

Namumutla siya at ang pawis niya ay masyado nang tagaktak.

"Uuwi muna ako Yana, masama talaga pakiramdam ko ngayon," paalam niya naman sa akin na ikinatango ko lang.

Gusto ko siyang kausapin pero parang nagiging mailap siya sa mga araw na lumipas. Hindi ko nalang binigyang pansin 'yon dahil baka may mabigat talaga siyang pinagdadaanan. Balita ko rin na masama ang lagay ng ama niya.

Nasa isang barangay kami ngayon dito sa Indang. At baka mamaya ay sa kabilang barangay naman. Nakita kong lumabas si Donya Delfina na nakasuot ng White floral dress at nakasumbrero. Natanaw niya ako kaya lumapit.

"Ayos ka lang ba riyan, Adrianna? Doon ka nalang sa tent at hayaan mo nalang ang iba riyan," bungad niya sa akin nang makalapit.

"Ayos lang po ako rito," nahihiya kong tanggi.

"Gusto ko sanang linawin kung si Sebastian ba ay nanliligaw sa'yo?" tanong niya sa mahinang paraan, ginapang naman ako ng kaba dahil sa tanong niya. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko rin alam kung paano 'yon sasagutin.

Napansin niya ata ang pananahimik ko.

"Okay lang hija, hindi naman ako tutol sa inyo. Sa totoo nga ay natutuwa ako dahil nagbago ang ugali niya," dugtong niya sa pananahimik ko. Nahihiya akong ngumiti.

"Nagulat din po ako dahil noon hindi naman siya ganyan sa akin. Galit po ata 'yan sa akin noon kapag nakikita ako," sagot ko kahit na nahihiya.

"Hindi ako naniniwalang galit siya sa'yo noon, hindi niya lang alam ang nararamdaman niya at hindi niya 'yon maamin," makahulugan niyang sabi. "Sige na hija, babalik muna ako sa loob."

Tumango nalang ako.

"Yana, tubig?" alok sa akin ni Maximo ng tubig. Nahiya ako dahil ang ganda ng kanyang kutis. He's physical features rough to describe but his moves is gently. The El Viejo marks.

"Hindi na po Sir, salamat po," nahihiya kong tanggi.

"Drop the "po" and "Sir", where at the same age."

Nakita kong dumaan si Sebastian sa harap naman papuntang tent bitbit ang dalawang box. Hindi niya ako tinapunan ng tingin o sulyapan man lang.

Galit pa rin ba siya?

Tinggap ko nalang ang tubig. Pero hindi ko pa 'yon naiinom ay dumating si Senyorito Gabrielle. Naiiling akong tiningnan at bumaling sa pinsan. Simula kaninang umaga niya pa ako hindi kinikibo. Napasimangot ako nang maalala ang pagtanggi niya sa alok kong almusal sa kanya bago umalis sa mansyon nila.

"Maximo, distansya. Tahimik magalit ang tigre, makuha ka sa tingin." Tinapik niya ang balikat nito at natatawang umalis.

"What?" naguguluhan niyang tanong.

Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko sila maintindihang magkapatid.

Pinagpatuloy ko ang pamimigay. Wala akong dalang sumbrero kaya tamang tama ang sinag ng araw sa akin. Nakaramdam ako ng lilim kaya napatingin ako sa may hawak nang payong.

Napaawang ang labi ko nang makita ulit si Maximo sa tabi ko. Hindi siya nakatingin sa akin pero ramdam kong nahihiya siya sa akin.

"Salamat, sana hindi ka na nag abala." Nahihiya kong sabi, pero nagpaypay lang siya at nag iinit ang tenga niya.

Good and Perfect Gift (EL VIEJO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon