Kabanata 3

32 2 0
                                    

Ang ilang hibla ng buhok ko ay nilipad nang humampas ang malamig na hangin sa aking mukha. Natakpan ng aking buhok ang aking dinaraanan. Kasalukuyan naming binabaybay ang daan patungo sa malinis na batis na malapit sa amin.

"Itong liguan ba ang tinutukoy mo senyorita?" tanong ko sa kaniya nang marating namin ang batis.

"Wow! Ang linis ng tubig!" Naghubad siya ng kanyang sandalyas na agad na pinagtaka ko. Inilubog niya ang kanyang paa at nilaro ang tubig sa kamay niya. "At ang lamig pa ng tubig," mangha niyang sambit.

"Maari tayong maligo dito, pero hindi pwede ngayon dahil padilim na," saad ni Emily.

"Marami bang naliligo rito ng hapon?" tanong ni Hatria.

"Wala namang gaanong nagagawi dito, pero may iilang mga estudyante ang pumupunta dito minsan. Maari tayong maligo dito bukas pagtapos ng tanghalian. Pero depende pa rin kung anong oras mo nais," litanya ko.

"Tamang tama! Isasama natin bukas ang Kuya Gabrielle at Sebastian para masaya," si Hatria.

"Tara na, baka abutin tayo ng dilim," pagmamadali ni Emily.

Gubat ang daan patungo dito kaya kinakailangan maaga kaming makaalis. Sumasayaw ang ilang sanga ng puno at nagbabagsakan ang ilang dahon sa marahang paghampas ng hangin. Dinama ko ang malamig na hangin at naglakad ng dahan dahan.

"Sobrang stress free pala talaga dito sa probinsiya. Masyado na kasing polluted ang ka-maynilaan ngayon,"pambasag katahimikan ng senyorita. "Parang ayoko ko nang umalis dito," dagdag niya.

"Kung ikaw nais mong manatili dito, kami naman ay gusto nang makaahon sa buhay at makaranas na makarating sa ibang lugar," sabat naman ni Emily.

"Life is really unfair, Emily," si Hatria.

"Patas ang mundo pero hindi ang mga nakapaligid sa'yo," pambawi ko.

"Gusto kong mamuhay ng simple lang, nakakakain sa isang araw ng tatlong beses at nakakapag-aral. Ayokong may nakaatang sa akin na pasanin pagdating ng panahon," salaysay ni senyorita na may halong hinanakit. "Magaan sa buhay ang pagiging marangya, pero hindi nasusukat ng pera ang kasiyahan ng tao. Madali kong nakukuha ang gusto ko, pero hindi lahat ng gusto ko ay nakukuha gamit ang pera. Money can't buy all things."

"Nagpapasalamat pa rin ako dahil natutunan kong makuha 'yung bagay na gusto kahit sa mahirap na paraan. Malalaman mo kasi talaga ang halaga ng isang bagay kapag pinaghirapan mong makamtam," saad ko.

Sa mundo 'tong hindi mo malalaman ang kahalagahan ng isang bagay kapag hindi ka dumating sa puntong pinaghirapan mo 'tong makuha. Iingatan mo ang bagay na 'yon dahil hindi 'yon kadaling makuha. Kapag mayaman ka simple lang makuha ang bagay na nabibili ng pera, pero sa kagaya naming hindi pinagpala ng karangyaan dugo at pawis ang kailangan para makuha ang gusto dahil hindi kami makakabili ng bagay ng walang pera.

"I see,"

Hindi ko namalayan na malapit na pala naming marating ang kalsadang tanaw na ang kanilang hacienda. Masyadong malubak ang daan kaya iniiwasan namin ang mga maliliit na bato. Napangiti ako ng masilayan ang ilang paru-parong lumilipad. Nakita kong hinabol 'yon ng ni Hatria.

"Ang ganda naman ng kulay ng paro-paro," tumatalon-talon siya para abutin 'yon kaya lang namali ng bagsak ang kaniyang paa kaya nawalan siya ng balanse.

"Aray," daing niya.

"Ayos ka lang?"

"Ayos lang ako." Pinagpag niya ang kaniyang kamay pero nakita kong namumula 'yon at ang kaniyang gilid ng paa ay may gasgas.

Good and Perfect Gift (EL VIEJO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon