Kabanata 8

21 1 0
                                    

"Yana! Bilisan mo!" sigaw ni Emily sa kahabaan ng pasilyo.

Kasalukuyan silang nasa veranda para gumawa ng mga takdang aralin. Nakaharap si senyorita sa kaniyang laptop, si Emily naman ay hawak ang librong binabasa. Kukuha ako ng maiinom sa kusina dahil kanina pa kaming tanghali nagsimula pagtapos namin tumulong ng gawain sa hacienda.

Sa unang isang buwan ng buhay kolehiyo ay masasabi kong iba 'to sa nakagawian kong paraan ng pag aaral noon. Kailangan seryoso at masigasig dahil nakataya rito ang karera ng buhay pagtapos nito.

Nahagip ng mata ko si Melissa na kausap ang isa sa mga kasambahay. Halata sa mga mukha nilang kami ang pinagbubulungan. Nang magtama ang tingin niya sa akin ay agad na napaikot ang kaniyang mata.

Mahanginan sana 'yang mata mo!

"May problema ka ba sa akin? Ha?" matapang kong tanong sa kaniya. Matagal na akong nagtitimpi sa inaasta niya sa amin. Hindi ko alam kung naiinggit ba o sadyang ayaw niya lang talaga sa amin. Wala nga si Sebastian pero pumalit naman siya.

"Kasali ka ba sa usapin namin at nakikisawsaw ka?" maanghang niya ring tanong sa akin pabalik.

"Hibang ka na ba? Nagtatanong ako sa'yo at hindi nakikisawsaw, magkaiba ang nagtatanong at nakikisawsaw," mariin kong sagot.

"Tingnan mo nga naman, nakapag aral lang akala mo kung sino na," asik niya.

"Anong kinalaman ng tinanong ko sa'yo sa pag aaral ko? Kung may problema ka sa akin ay pwede mo naman sabihin ng diretso, hindi 'yong bigla-bigla ka nalang magtataray sa akin," kalmado pero mariin kong saad.

Mabilis ko siyang tinalikuran at pumunta na sa kusina para kumuha ng maiinom. Ramdam ko ang pagmamasid ni Manang Luz sa akin nang pumasok ako sa kusina. Halata sa akin ang pagkabusangot. Tinulungan ko siyang buhatin ang gulay papunta sa lamesa.

"Ayos ka lang ba, hija?" Hindi na nakatiis si Manang at nagtanong na.

"Wala naman ho, kukuha nga po pala ako ng maiinom. Maari ho ba akong kumuha?" "Sige na, ako na ang maghahanda ng maiinom niyo. Tapos nang magluto ng meryenda dadalhin ko kayo roon."

Agad niyang kinuha ang tray at akmang maghahanda na.

"Ako na ho Manang, maupo na ho kayo. Kanina pa ho kayo kumikilos, pasensya na po kayo dahil hindi na ho ako ga'nong nakakatulong sa inyo."

"Sigurado ka ba, hija? Sige na iuna mo nalang 'yan, ikaw nalang maghatid ng maiinom at ako na sa inyong makakain."

Mabilis naman akong sumunod at kumuha ng maiinom. Habang tinatahak ko ang pasilyo patungong veranda ay tanaw ko pa rin na naroon pa sila Melissa.

Nagdiresto lang ako ng tingin at hindi na sila pinansin. Nasabayan ng aking mata ang pagtapon sa ere ng dala dala kong inumin. Bumagsak ito kasabay ng pagkadapa ko, ang pagpatid ng isang paa ang dahilan ng pagkabitaw ko rito. Ang hagikhik at pagkabasag ng baso ang tanging narinig ko.

"Jusko po! " si Manang Luz. Mabilis na umalis sila Melissa sa aming gawi at pumunta sa kung saan. Inalalayan ako ni Manang tumayo. Pero pinaupo niya lang ako sa gilid. Parang gusto kong hablutin ang buhok ni Melissa sa sobrang inis. Halos mabasag ang mga ngipin ko sa pagngingit. Halos gusto ko silang habulin at panagutan ang nangyare.

"Saglit lang hija, huwag kang gagalaw at nagdurugo ang iyong palad at siko," aligagang sambit ni Manang at nagtawag ng makakatulong. Hindi ko agad naramdaman ang hapdi noon kung hindi ko pa ito hinawakan. Umingay ang kaninang tahimik na pasilyo. Agad na napapunta si senyorita at Emily sa akin, sinimulang linisin 'yon ng kasambahay.

Good and Perfect Gift (EL VIEJO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon