Kabanata 15

11 1 0
                                    

Nakasimangot ako pumasok sa silid aralan. Lunes na lunes pero ang mukha ko ay pang biyernes santo na. Kaya niya siguro nagawa niya 'yon dahil alam niyang may gusto ako sakanya at okay lang sa akin na maghintay sakanya roon ng matagal.

"What's with the long face?" usisa ni Lily.

"Kinulang lang ako sa tulog," maiking saad ko at umubob sa upuan para ganap na ganap sa pagdadahilan.

"Nga pala, kuha tayo mamaya ng slip sa department para sa referral natin. Malapit na tayong mag OJT," dugtong niya kahit nakayuko ako.

OJT na nga pala namin sa susunod na linggo. Halos sa bilis ng panahon ay hindi ko namalayan na malapit na pala akong matapos sa pag aaral.

Mabilis akong nakaramdam ng kagaanan nang maisip na malapit na akong magtapos.

Napabalikwas ako nang pumasok ang aming Professor sa Professional Education. Nagkaroon lang ng maikling orientation patungkol sa aming training sa labas ng school.

Maaga na ngayon ang uwian namin dahil puro pag aasikaso nalang ng kinakailangan para sa training.

Nakita ko si Mikee na kakalabas lang galing sa Department Office hawak ang isang letter.

"Mikee! Saang school ka na-refer?" tanong ni Lily habang tahimik akong lumapit sa kanila.

"Sa TMCNHS ako e. Kayo ba? Kumuha na kayo, baka parehas lang tayo," saad niya.

"TMCNHS?" tanong ko.

"Oo, sa may Trece. Dating Quintana ang tawag sa lugar na 'yon 'diba? Medyo malayo nga lang 'to sa atin. Pero keri lang," maarteng sagot ng bakla.

Mabilis kaming pumasok sa loob. Naabutan namin and Dean namin na si Professor Irene.

"Referral form ba? Dito kayo, ang natitira nalang rito ay sa TNTS. Pamilyar ba kayo rito? Sa may gawing Tanza ito," tanong niya sa amin.

Mabilsi namin tinggap ni Lily 'yong papel.

"May nauna na kasing na-deploy sa inyo no'ng nakaraang linggo. Papirmahan niyo nalang 'yang form na 'yan sa P.E Coordinator niyo para maipasa niyo na 'yan sa school kung saan kayo mag t-training," mahinhin niyang paliwanag sa amin.

Mabilis kaming nagpasalamat sa kanya at lumabas roon. Marahan kong binasa ang form.

Tanza National Trade School. Basa ko sa pangalan ng eskuwelahan. Mukhang maganda nga rito magturo. Nakalagaya roon kung ilang oras ang ilalaan namin. 480 hours ang nakaindicate roon. Kung susumahin ay dalawang buwan ito.

"Tawag tayo nila Jasper, kain daw muna tayo bago umuwi," anyaya ni Lily at tinanaw ko sila Jasper na nakatayo sa U-Mall.

"Saang school kayo?" bungad na tanong agad sa amin ni Albert.

"Parehas kami sa TNTS, kayo ba?" tanong ko pabalik.

"Lumampong National High School kami nila Jasper," sagot ni Albert.

"Hala! Sana lahat 'diba? Ang lapit lang niyan dito sa atin e!" pag aatungal ni Lily.

Pagtapos namin magtanungan ay naghanap kami ng makakainan. Abala lang sila sa pag uusap, habang si Mikee naman ay walang bukang bibig kun'di mga lalaking gwapo. Napailing nalang ako nang bigla siyang sumipol nang dumaan ang isang foreigner sa gawi namin. Medyo maingay ang mesa namin dahil sa ingay ni Mikee at Lily.

Ako nalang ang nahihiya para sa kanila.

"Yana," tawag ni Jasper sa akin.

Nag angat ako ng tingin at tiningnan siya.

Good and Perfect Gift (EL VIEJO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon