"Ihahatid kita bukas."
At talagang hindi niya manlang akong tinanong kung okay lang ba sa akin. Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Tatanggi pa ba ako sa grasya?
Nilingon ko siya at tinaasan ng kulay. Ngayon ko lang mas lalong napagmasdan ang mukha niya. Halos hindi ko makitaan ng kaamuhan ang mukha. He looks calm but dangerous."Daan muna tayo sa pabrika, may kailangan lang akong tingnan. We'll eat after we visited the factory." Lumingon siya sa akin at sinulyapan ng saglit. Natutuwa ako dahil nagiging hands-on na siya, samantalang noon ay parang hindi siya tumatagal dito para magstay. Napangiti ako at iginala nalang ang mata sa daan. "Is it okay with you? I mean, pwede muna tayong kumain kung gusto mo. Your decision is considered first," he added.
"Okay lang naman sa akin, 'tsaka hindi pa naman ako gutom."
Totoo naman na hindi pa talaga ako gutom. Kahit gutom pa ako ay hindi ko aaminin. Ayokong maabala pa siya dahil lang sa akin.
Nakalagpas na kami sa bayan ng Quintana kaya paunti-unti nang nagiging berde ang paligid. Lahat ng mga pananim nila sa plantasyon ay doon na dinidiretso sa pabrika para ang lahat ng mag aangat ay hindi na mahihirapan sa pamimili.
Nang makababa kami ay agad na sumaludo ang ilang gwardya sa trangkahan. Halatang bagong gawa pa lang 'to dahil sa mga pintura at sahig na halos hindi pa na daraanan.May iilan na sumusulyap sa akin at may iba naman na nagtataka. Suot ko pa rin ang aking uniform kaya siguro nagtataka sila.
Napalingon ako sa kaliwa at nakita ko ang ilang mga truck doon, higit pito at sa kabila ay nasa mga sampo. I can't believe their business are extremely wide.
He held my waist gently when he notice that I'm not walking beside him. Naiilang ako kaya sinundan ko lang siya sa likuran kanina. I'm not used to be with him outside. It feels like illegal.
"Seb!"
Sigaw 'yon galing sa kalayuan, hindi naman malakas pero kayang marinig kahit sa kabilang dulo. Nagtaka kong nilipat ang tingin sa babaeng tumawag. It's Felecia. The prim and proper daughter of Torres. She walk shyly in our way. She's wearing a white blue floral A-Dress. Nakangiti siyang lumapit. Ano kayang ginagawa niya rito?
First name basis pala sila, take note with shortcut pa.
"Galing ako sa inyo, pero sabi ng Mama mo ay baka narito ka." Bungad niya ng makalapit. Halos kainggitan ko ang pagiging mahinhin niya, pinili ko nalang iiwas ang paningin ko sa kanya dahil baka mabasa niya ako sa mata.
"I fetch her that's why I'm not in the house, dumaan lang ako rito kasi sabi ni Mama," mababang tonong sagot ni Sebastian at nilingon ako na parang sinasabi na ako ang sinusundo niya.
"Oh I see. Anyways, I bring the book I'm talking about last night. Kung okay lang sa'yo na sa office mo nalang natin idiscuss?" she ask gently.
Hindi ko alam kung bakit ako tutol sa sinabi niya kahit wala namang mali roon. Hindi ko lang gusto ang ideyang magkasama sila sa iisang silid.
Ang dumi mo mag isip Adrianna! Mag uusap lang 'yong tao kung anu-ano na ang pumasok sa akin. Walang probelma roon. Pwede naman silang mag usap.
"Maybe I'll check it now. And I'll tell if I can study it alone. So you'll not have to hassle"
"Okay lang naman sa akin wala naman akong ginagawa, tingin ko ilang linggo lang ay mapag-aaralan mo na 'yon," she said a bit hesitant.
"Okay, if you insist."
Halos malula ako pagpasok dahil sa lawak non. Lahat ng klase ng pananim nila ay naka bukod-bukod at iba't ibang produkto ang kayang magawa. Kagaya ng mga kape, mangga, mais at iba pa na hindi ko mapangalanan. May sorting station sila sa pinaka dulo. Halos hindi ko na matanaw ang mga tao sa dulo no'n. Kapag lumingon sa kaliwa at kanan ay makikita ang malawak na hagdan. Patungo ata sa kanilang office.
![](https://img.wattpad.com/cover/221410555-288-k227134.jpg)
BINABASA MO ANG
Good and Perfect Gift (EL VIEJO SERIES #1)
Ficción GeneralAng kahirapan ay isa sa balakid para matupad ang pangarap, at sa murang edad kailangan nang mag banat ng buto ni Adrianna para sa pang kinabukasan. Adara Adrianna Flavian was hardworking, innocent, and pure. Meeting Corban Sebastian El Viejo was the...