Kabanata 4

26 3 0
                                    

Pataas na sikat na araw.

Usok na nagmumula sa maruming lutuan.

Marahang hanging dumadampi sa mga tuyong dahong nililipad.

Ang pang araw araw ay magsisimula na naman.

"Ate!" dinig kong sigaw ng kapatid kong nasa bakuran.

"'YANA!" tawag ni Nico sa palayaw ko.

"Ano ba?!" inis kong sigaw pabalik sa kanya sa labas. Marahas kong nasuklay ang aking buhok dahil sa inis, sinulyapan ko ang aking sarili sa isang pakupas na salamin na nakasabit sa aming dingding.

"May singkamas na naligaw sa ating bakuran!" sigaw niyang muli. Ha? Totoo ba? Paano nangyare 'yon? Walang gano'ng pananim ang Mama. Ako ba'y pinagloloko ng aking pabibong kapatid?

"Tigilan mo ang ganiyang kahibangan, Nicholas!"

"Magandang araw!" Boses ba 'yon ni Senyorita?

Agad akong lumabas para tingnan ang labas. Nakita ko ang aking kapatid na nakahubad habang nagdidilig ng ilang pananim ni Inay. Aba't!

"Magbihis ka nga Nicholas!" Binato ko siya ng alpombre na regalo sa kaniya ni Inay nang siya'y mag desi-syete. Napasulyap ako kay Senyorita, napansin kong nakasuot ito na itim na bulaklaking bestida. Natanaw kong may kasama siyang tauhan ng mga El Viejo. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisnge dahil sa init na dala ng sikat ng araw.

"Magandang araw rin, Senyori-" Naputol ang aking sasabihin nang mag iba ang kaniyang ekspresyon. "Ang ibig kong sabihin ay Hatria." Lumapit siya sa gawi ko pero napatigil din dahil bahagyang lumubog ang kaniyang mamahaling sandalyas sa lupang nabasa ng tubig. Agad na lumapit si Mang Rueben sa gawi niya para tulungang umalis.

"Arte," bulong ng aking kapatid. Agad ko siyang pinanlakihan ng mata dahil sa sinabi niya.

"Nais ko lang sanang sabihin na nakahanda na ang lahat, nasa bukal na ang mga Kuya at si Ate Nadia," imporma niya. Ang aga pa, e.

"Maupo ka muna," anyaya ko sa kanya papasok ng aming bahay. Ngumit siya ng magiliw at agad na pumasok sa aming bahay. Pansin ko ang pag ikot ng kaniyang paningin sa loob ng aming tahanan.

"Ilan kayong nakatira dito?" tanong niya, kinuha ko ang aking maliit na hugis bayong na mayroong damit na pamalit.

"Kaming tatlong magkakapatid at ang Mama," sagot ko at sinukbit ang bayong na de tahi. Nagpaalam muna ako sa kanya sandali para magpaalam sa aking ina. Pumunta ako sa likod bahay para magpaalam kay Mama na kasalukuyang nagtatanim.

"Ma," marahan kong tawag at niyakap siya sa likuran. Hinagilap ko ang kaniyang maliit na tuwalya para punasan ang kaniyang pawis.

"Sinabi ko naman sa'yo Ma, na si Nico nalang dito at ako naman ang tutulong mamaya pag uwi ko. Magpahinga nalang kayo," pananaway ko sakanyang paspasang trabaho.

"Ano ka ba Adrianna, kaya ko pa naman. Hangga't kaya ko, magtatrabaho ako para sa inyo ng mga kapatid mo. Nais kong makapasok ka ng kolehiyo 'Yang at para makaahon tayo sa buhay," maikling paliwanag niya.

Para akong naupos na kandila dahil sa sinabi ng aking Mama, bahagya akong natahimik sandali dahil sa sinambit niya. Ipinapangako ko sa sarili ko na wala nang luha at pawis na dadanak sa kanilang mata at pisnge kapag ako'y nakapagtapos.

"Nasaan pala si Andeng? Ala una ng hapon ang klase niya hindi ba?" basag na tanong niya sa aking pananahimik.

"Nagtungo siya sa kaniyang kaklase para gumawa ng proyekto, pauwi na rin siguro 'yon para mag gayak sabay naman sila ng klase ni Nico Ma," sagot ko pabalik at isinabit sa kaniyang balikat ang pamunas ng pawis na ginamit ko kani-kanina lang. "Nandiyan pala ang nag iisang anak ng El Viejo, Ma," imporma ko na agad niyang ikinataas ng tingin. Napalingon ako sa mga inani kahapon na wala na sa kinalalagyan roon.

Good and Perfect Gift (EL VIEJO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon