Mabilis kong inayos ang aking higaan at nagtungo sa aming banyo. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng aking pag gising, parang gustong tumalon ng puso ko sa sobrang gaan. Mabilis akong napangiti nang hawakan ko ang aking susuotin.
"Ate ano ba 'yan? Akala ko ba wala kang pupuntahan?" maagang bunganga sa akin ni Andeng.
"May pupuntahan lang ako sa bayan," maikling sagot ko.
"Akala ko ba tutulong ka inay ngayon sa pag tinda ng mga gulay?"
"Dadaan ako roon pagkatapos ko, saglit lang naman ako," sagot ko
Inayos ko ang buhok ko at sinuklay 'to pataas. Napanguso ako sa harap ng salamin. Parang may kulang sa bahagi ng aking mukha. Sinuri ko ang bawat parte ng aking mukha, napatigtig ako sa makapal kong kilay at mabilis pinakunot ang noo para magdikit ang dulo nito. Mabilis akong napangiti sa aking itsura. Bakas at halata ang ilan kung pekas sa ilong at sa pisngi dahil sa puti ng balat ko.
Dahan dahan akong umikot sa salamin para suriin naman ang suot ko. Maroon at may linyang itim sa bawat butas ng bestida ng aking susuotin. Pumasok si Andeng na dala-dala ang walis tambo para mag walis.
"May kikitain ka siguro, ate? Bakit ka nagpapaganda?" usisa niya ulit sa akin.
Napansin ko rin ang paninitig niya sa suot ko. Napailing siya at pumunta sa harap ko. Tiningnan niya ako mula sa mukha pababa sa suot ko.
"Ate meron akong hikaw at bagong lip gloss. Gusto mo? Masyadong patay 'yong itsura mo," panglalait niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin at patuloy na inayos ang buhok ko. Naramdaman kong lumabas siya. Wala namang malinaw na sinabi si Sebastian kung saan kami pupunta. Sa puno ng mangga ang tagpuan namin kung saan ako nahulog noon. Maigi na rin ang patago dahil mahirap maging usapin sa lugar namin.
Bigla akong nabroblema nang maalalang wala pala akong susuotin na sandalyas. Nasira na kasi ang binigay noon sa akin Emily.
"Oh, ate!" Mwestra niya sa hawak niyang mga pampaganda, sa kaliwang kamay niya naman ay may hawak siyang puting pares ng flat shoes. "Ingatan mo 'yan, ate. Pinag ipunan ko pa 'yan para mabili," pagpapaalala niya sa akin.
"Salamat, Andeng!" masaya kong sabi at mabilis sinukat 'yon.
"Teka! Sino bang kikitain mo, ha?" pang uusisa niya na naman. Natahimik ako dahil nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya. Nagkaroon ng maikling katahimikan sa pagitan naming dalawa, alam kong naramdaman niya ang pag aalinlangan kong sumagot kaya nagtanong siya ulit.
"Isa ba sa mga El Viejo 'yan, ate?" tanong niya sa akin sa mababang tono.
Nakita ko ang pagdaan ng pag aalala sa kaniyang mata. Alam ko naman na imposibleng maging kami dahil sa sobrang layo ng agwat namin sa isa't isa. Sadyang pinagbibiyan ko lang ang sarili sa bagay na nagugustuhan ko na.
"Seryoso ba siya sa'yo, ate? Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya, alam mo naman ang mga tao sa paligid natin," nag aalala niyang sabi.
"Hanggang ganito lang naman kami Andeng, dahil alam ko naman na malabong maging kami," sagot ko kahit na hindi pa pumapasok sa isip ko ang isinagot ko.
Pinagbibigyan ko lang ang sarili ko sa ngayon dahil alam ko naman ang magiging dulo nito. Ang tanong, alam ko nga ba talaga?
"Dito na muna ako," paalam ko kay Andeng.
Habang naglalakad ay naglalaro sa isip ko ang mga pwedeng mangyare. Napailing nalang ako dahil lahat ng pumapasok sa isip ko ay puro negatibong bagay. May halong duda pa rin akong nararamdaman sa loob ko. Masyado atang mabilis ang pangyayare kaya hindi ko kaya pang paniwalaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/221410555-288-k227134.jpg)
BINABASA MO ANG
Good and Perfect Gift (EL VIEJO SERIES #1)
General FictionAng kahirapan ay isa sa balakid para matupad ang pangarap, at sa murang edad kailangan nang mag banat ng buto ni Adrianna para sa pang kinabukasan. Adara Adrianna Flavian was hardworking, innocent, and pure. Meeting Corban Sebastian El Viejo was the...