Hanggang sa makarating ako sa Casa ay ako lang mag-isa. Binigyan niya ako ng pagkakataon para mapag-isa sandali kasi magtatapang-tapangan na naman ako sa harap ng lahat. Gusto ko mang pumasok sa loob ngunit ang multo ng kahapon ko ay pilit na pumapasok sa isip ko. Ayaw ko na muling mag-isa sa isang bahay dahil pakiramdam ko ay babalikan ako ng mga lalaking 'yon at pagpapantasyahan sa mismong harap ko.
I cheerfully texted them na mag-isa lang ako sa Casa at hindi pa ako pumapasok and I kind of laugh at myself for pretending. I was crying silently while waiting for them. Gusto kong lunurin ang sarili sa sakit na nararamdaman ko. I want to devour myself with the pain hanggang sa magsawa ito at mapagod. Ganito naman palagi e', I'll suffer alone unt I could break myself.
Maya-maya pa ay nakarating na si Ish kaya nakapasok na ako ng Casa. I straightly went to my room ang sulk myself in the darkness to cry. Ito lang kasi ang kaya ko e', ang umiyak nang umiyak kasi mahina akong tao.
Natatawa akong tumayo sa pagkakahiga at inisip ang mga nangyari kanina. Kahit iniisip ko lamang ang mga 'yon ay nasasaktan pa rin ako. Ganito ba talaga ang epekto ni Ellery sa akin? Ganito ba talaga ang epekto ng buhay ko sa akin?
Kinabukasan ay nagising akong mugto ang mata. Pinahupa ko muna ang kung anong meron sa mata ko. I am chinky kaya halata ang pag-iyak ko kung lalabas kaagad ako dahil mukha akong naglalakad na ipis kapag nagkataon.
I swore last night that in order to avoid hurting myself, I must only think about him if I have an appointment or if may schedule ako sa kaniya. Nakakatawa lang dahil ang talipandas at malandi kong puso ay hindi pa rin siya magawang hindi maisip dahil siya agad ang pumasok sa isip ko nang magising ako.
Kung dati ay saktuhan lang ang pag-iisip ko sa kaniya, ngayon ay intense na. Dahil nga may bago na akong motto ngayon na "Go with the flow" ay hinayaan ko ang sariling humarot.
Maaga akong nagising kaya ang naabutan ko pa lamang ay si Madi na always early bird. Sunod namang nagising sina Tiff at Calisle. We heard the door rang kaya ako na ang nagrepresinta na magbukas.
Pagkabukas ko pa lamang ng gate ay tumambad sa akin ang napakagandang babae. Amoy mayaman siya kaya halos husgahan ko na siya mula ulo hanggang paa.
"Hi, Is this Casa Klara?" tanong niya habang hawak ang maliit na papel sa kamay.
"Yes," nakangiti kong sagot.
She smiled. "Great! I'm a new recruit by the way." she said.
Nang marinig 'yon ay kaagad ko naman siyang pinapasok at nagtatatakbo na papunta sa loob upang masayang ibalita na may makakasama ulit kami.
She introduced herself as Kathyrine. Nakakatuwa nga dahil alam niya ang buong pasikot-pasikot ng Casa Klara dahil nakita daw niya sa panaginip niya. We gave a warm welcome to her and got excited to talk with her.
My phone shrilled kaya naagaw nito ang atensyon ko. Nagpaalam naman kaagad ako sa kanila nang makita na si Mama ang caller.
"Hello, Ma?" umpisa ko.
"Anak..." sambit niya sa kabilang linya. "Uwi ka muna anak," aniya.
Napakunot ang noo ko dahil halata sa boses nito ang panginginig. Hindi ko alam pero nang biglang humikbi si Mama ay nagkaripas na ako ng pag-aayos para puntahan sila.
I don't know what's happening with them. I realized na sa sobrang busy kong intindihin ang mga maling nagawa ko at si Ellery ay nalilimutan kong may binubuhay pa pala akong pamilya. Hindi na ako nagpaalam sa mga Klara at umalis na lang basta. Ayaw kong i-spoil ang kasiyahan.
May pasok dapat ako ngayon pero pamilya muna. Kahit ngayon lang, pamilya muna. Agad akong pumara ng taxi nang makalabas ako sa street ng Casa. Pagkasakay ko ay hindi ko na mawari pa ang mararamdaman ko. Minsan lang tumawag si Mama. Ang una ay pagtawag kung kailan ako magpapadala ng pera at ang pangalawa naman ay kung pwede bang makahirit ng pera dahil sa dito at dyan niyang rason. I let it slide if that's the case but today's a different case, she's crying.
BINABASA MO ANG
Relentless Deception
Romance(Casa Klara Series #3) Being the breadwinner of the family was very difficult for Czarina. She's been working her ass off until she can't even breathe properly just to satisfy all the financial needs of her family. Her father just died, and she has...