Chapter 30

1.1K 14 5
                                    

Habang pauwi ay tila ba hindi ko maintindihan ang sarili kong nararamdaman. Hindi ako mapakali na hindi malaman kung bakit o sa papaanong paraan. Lumukaw ang kaba sa dibdib ko at hindi maintindihan kung bakit sobrang kabado ko. Tinignan ko ang paligid ngunit wala namang bakas ng panganib sa dinadaanan namin.

Ngunit mas lalong luminaw ang kaba ko sa naririnig at paulit-ulit na pagkumbinsi sa utak ko na mayroong mali.

Kanina lang ay nakakangiti pa ako, kanina lang ay nagagawa ko pang tumawa, pero kanina lang 'yon. Nawala na ang lahat ng kasiyahan sa loob ko nang tawagan ako ni Persia habang nasa byahe ako pauwi.

"A-Ate Czarina..." hirap na hirap na sabi niya.

Umahon ang kaba sa loob ko nang marinig ang boses at paraan ng pananalita niya. Ang utak ko'y nagliliwaliw na sa lahat ng posibilidad na mangyayari. Hindi pa nakatulong sa akin ang pag-iisip ng dating panaginip.

"Si A... A-Ate Cal po..." halos hindi ko na maintindihan ang gustong ipahiwatig ni Persia.

"Anong nangyari sa'yo? Kay Cal? Anong nangyari bakit ganyan ang boses mo?!" nag-aalala kong tanong
Hindi naksagot si Persia pero rinig ko ang pagsuka niya kung saan. "Sumagot ka Persia!"

Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko dahil sa frustration na nararamdaman. Hindi ko mahulaan ang gusto nitong ipahiwatig sa akin. Yung kaba ko ay halos lamunin na ako at panaluhan ang puso ko sa sobrang pag-aalala.

"M-Men," 'yun lang ang sinabi niya hanggang sa mamatay na ang tawag.

Sa sobrang pag-aalala ay napapikit na lang ako na nanalangin na sana ay ayos lang sila.

"Bilisan mo, Eros!" sigaw ko.

Hindi naman nagpaligoy-ligoy pa si Eros at nagmaneho na lang ng mabilis. Ang utak ko ay nandoon sa posibilidad na baka may kung ano nang nangyari kina Calisle.

Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi niya sa akin kanina na nagmukhang habilin pa. Na gusto niyang sagutin ko na si Eros, huwag kong pagkakatiwalaan ang isang kaibigan, at patawarin ko ang aking pamilya.

Nagawa ko na ang isa sa mga sinabi niya pero yung puso ko'y parang pinipilipit sa sakit dahil sa pag-aalala sa kalagayan nila.

If something bad happens to her, I won't ever forgive myself. I should've just gone home earlier hindi yung nagpagabi pa ako ng sobra!

Sobrang bilis ng byahe at hindi ko na namalayan na nasa bahay na pala kami. Madilim, magulo, at nakakatakot. Gano'n ang vibe na ibinibigay sa amin ng lugar. Palagay ko ay natutulog na dapat si Calisle sa ganitong oras kaya madilim ang sala.

Naaaninaw ko din ang mga pawang nakahimlay na katawan sa sala ngunit hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.

"Calisle? Persia? Nasaan kayo?" nanginginig kong tawag sa kanila.

With my trembling hands, I tried to find the switch of the house pero bago ko pa mabuksan 'yon ay pinigilan na kaagad ako ni Eros.

Nagulat ako nang may kinuha si Eros sa kaniyang bulsa at pinindot ito.

"Code red," bulong niya sabay pinatay ito kaagad.

Nilingon ko siya at naguguluhan na pinagmasdan siya. Gusto kong tanungin siya kung anong ibig sabihin ng sinabi niya pero hindi ko nagawang mag-ingay o magsalitang muli nang makarinig ako ng kaluskos sa paligid.

Inalerto ko kaagad ang sarili ko sa kabila ng pag-aalala kay Calisle at Persia. Sigurado akong tumakas ang dalawang 'yon at kailangan pa namin silang hanapin na dalawa.

Maya-maya lang ay nakarinig na rin ako ng pagdating ng iba pang mga kotse. Sa lakas no'n ay naramdaman ko kaagad ang pagiging alerto ng lahat ng nasa loob ng bahay kung nasaan kami.

Relentless DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon