Chapter 22

767 12 1
                                    

Another day has come and I plan to go in Del Granza's Mansion to make up for our argument two weeks ago. Wala e', mahal ko. Kaya heto ulit ako at willing magpahambalos sa kaniya kasi gusto kong manatili sa tabi niya. He make me happy that's why I want him back.

"Alam mo Czarina, kung si Calisle tanga.. ikaw bobo ka na. Can you fucking find your self-worth?!" iritang sambit ni Kath sa akin nang malaman ang gagawin kong pagpunta sa mansyon ng mga Del Granza.

Ngumiti ako ng malungkot sa kaniya at bumuntong hininga. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag ang sarili ko sa kaniya. Tanggap kong sa puntong 'to, sobrang tanga ko na para makipagbalikan pa sa kaniya. Kinokontrol na niya ang buhay ko pero heto ako at ninanais pa rin na makapiling siya.

Hindi ko kasi mapigilan! Nakasanayan ko na kasi na tuwing gigising ako ay mararamdaman ko ang mainit niyang yakap. Na kapag aalis ako ay may hahalik sa akin at magsasabing galingan ko. Na kapag pauwi na ako ay may susundo sa akin at gagawin ang sarili naming paraan ng pagsasabi ng "you did well.". Na kapag matutulog ako ay mayroong hahalik sa leeg ko at yayakap sa akin ng mahigpit. Kaya hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kasi lagi kong namimiss ang mga bagay na palagi niyang ginagawa sa akin.

"I miss him, Kath." malungkot na sambit ko.

"O' sige, naroon na tayo sa miss mo siya, pero tangina naman. Matapos ka niyang saktan at matapos mong marinig na nanganganib buhay mo sa kaniya gaganyan ka ulit? Mga ilang wasak pa ba sa sarili ang kailangan mo para matauhan ka?" pangangaral niya sa akin. "Isipin mo baka kasi ganito 'yon, Czarina. Baka miss mo lang yung moments na magkasama kayo o nanghihinayang ka lang sa taon ng pagsasama niyo. Alin man sa dalawa diyan ang sagot kasi kung may utak ka pang natitira sa'yo, alam mo sa sarili mong hindi mo siya namimiss kasi sinaktan ka niya ng todo!" dagdag ni Kath.

Yumuko ako at sinubukang pagnilayan ang sinabi niya. "I-I don't know," naibulalas ko na lang.

Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin sabay hawak sa balikat ko. She looked at me straight to my eyes and smiled sadly. Ito na naman yung expression niya na kung saan ay mapapaluha ako. Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko at pinigilan ang sarili na maiyak.

"Bahala ka na sa buhay mo, matanda ka na naman. Basta tandaan mo lang na nandito kami kapag nadurog ka na naman. Alalahanin mo, hindi pa kami nakakaganti sa ginawa ni Echo sa'yo." aniya.

Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Maybe she's right? Maybe I just miss our moments kaya naroon yung urge ko na makasama siyang muli kasi mararamdaman ko ulit yung saya katulad sa mga oras na 'yon. O baka nanghihinayan lang din ako sa taon na magkarelasyon kami. Kasi magtatatlong years na din kaming magkasama. I even planned the future ahead of us. Nag-iipon ako for our wedding kahit hindi pa siya nagpo-propose sa akin, pati savings ng magiging anak namin ay pinag-iipunan ko na. Even our dream house, I'm also planning for it.

Tumingala ako sa kisame ng dingding matapos kalasin ang yakap sa kaniya. Gusto kong kumpirmahin ang nararamdaman ko pero hindi ko alam kung sa papaanong paraan. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makita siyang muli at magbaka sakali na balikan niya ako.

I sighed. "Bahala na,"

Dumeretso na kaagad ako sa Mansyon ng mga Del Granza nang tumatak sa alas syete ng gabi ang oras. I want to talk to him at kapag ganitong oras ay sigurado akong tapos na ang shift niya sa hospital at nasa bahay na siya.

Ngumiti ako sa guard nang makarating ako sa mismong mansyon nila.

"Si Ellery po?" tanong ko.

Mukhang nagulat naman si manong nang makita niya ako. Wala atang hindi nakakaalam sa buong mansyon na magkarelasyon kami ni Ellery. Nakangiti lang ako habang hinihintay ang tugon niya.

Relentless DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon