It's sunday morning at ngayong araw ay malaya na ako sa ospital. Actually ay kahapon pa ako nakaalis talaga pero ngayon ko pa lang masasabi na wala na talaga ako totally sa puting lugar na 'yon. We're currently living in Calisle's house na pinapagawa na pala niya simula noon. Dito na rin muna kami mananatili sa ngayon dahil pare-parehas pa kaming naghahanap ng malilipatan. Kakatapos lang din ng semestre kaya saktong-sakto ang pagbabalak naming lumipat ng eskwelahan.
Si Kath ay nakalipat na sa isang kilalang unibersidad sa Maynila habang ako ay nag-iisip pa rin kung itutuloy ko pa ba ang pag-aaral gayong wala na naman akong scholarship kapag nagtransfer pa ako. Before my father died, he settled everything in Horiado University para sure na makakapagtapos talaga ako. Saka, yung perang nasa akin ay pambayad sana sa utang ni Mama kaya siguro'y yun na lang muna ang gagamitin kong pampapaaral sa sarili ko habang naghahanap ng trabaho.
"Guys! I have chismis." bungad ni Kath na nanggaling pa sa kusina.
Nang marinig naming lahat ang magic word ay kaagad kaming lumingon sa kaniya at saka lumapit. Lahat kami ay tahimik habang hinihintay ang sasabihin niya habang siya naman ay may kung anong inii-scroll sa phone niya. Nakisilip si Calisle roon at para bang nanlalaki ang mata nang masilip kung ano 'yon. Agad din siyang tumingin sa gawi ko at tumayo para puntahan ako.
"Tara Czarina!" biglang yaya niya sa akin.
Nangunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan siyang hilahin ako. Hawak nito ang braso ko at pursigidong dalhin ako kung saan man. Gusto ko sanang malaman ang chismis kaso masyado siyang mapilit kaya hinayaan ko na. Nagpatinaod na lang ako sa kaniya at halos madapa na sa sobrang pagmamadali niya.
"Yung Farah Paz at si Echo ng The Hulks raw ay break na at hindi na raw matutuloy ang kasal nila. Nalaman daw kasi ni Farah na may anak si Echo sa iba kaya ang buong social media ayon at nagsisilabasan ng mga opinions nila. Ito yung video oh!"
Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad nang marinig ang pangalan ng taong 'yon. I heard Calisle tsked in annoyance dahil kusa akong huminto rin. Kath shows the video of them arguing beside the Grimaldi Towers. Parang alam ko kung saan ang lugar na 'yon ah. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita ang pamilyar na papel na hawak ni Farah habang nakikipag-away kay Ellery sa video. Kuha ito ng isang fan ni Ellery na nasa pinangyarihan raw ng gulo tapos ipinost sa twitter gamit ang isang anonymous account para ikalat.
Nawala ang ngiti sa labi ni Kath nang hinarap ako ng mga Klara. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nilang tatlo dahil sa halo-halong emosyon sa loob ko. Did our family doctor did that? Dahil ba sa hindi na siya nagtatrabaho sa amin kaya pinamimigay na lang niya yung bagay na 'yon? Is my name also included here?
"Czarina," may tonong pagalit na sambit ni Tiff.
Napapikit ako at halos sapakin ang sarili nang maramdaman ang luhang tumakas sa mga mata ko. Pangalan ko pa lang ang tinatawag niya pero pakiramdam ko'y aping-api na ako. Napakahina ko! Yumuko ako upang maitago ang mukha ko ngunit bigo ako dahil iniangat ni Tiff ang mismong ulo ko. Nakita ko mismo ang pagtampal ni Calisle sa kamay ni Tiff nang masaksihan ang ginawa nito.
"Your filthy hands. Kaibigan mo 'yan hindi kung sino lang kaya ayusin ang pagtrato sa kaniya. Your way is too violent so tone it down." seryosong sambit ni Calisle.
Nitong mga nakaraang araw simula nang mangyari ang trahedya na 'yon ay palagi na akong nagpapakita ng kahinaan sa harap nila. If I'm not crying, makikita naman nila akong tulala. Hindi ko alam kung paano ko pa ipapaliwanag ang sarili ko sa bagay na 'to. Noong ginawa ko 'yon ay nanaig sa akin ang takot na baka malaman ng lahat. It was my own choice so I won't be branded as a rule breaker at dahil takot ako na hindi 'yon panagutan ni Ellery. I don't want my child to live without a father by her side. Kasi ako ngang wala yung tunay na ina ko ay pakiramdam ko'y kulang ako. Isa pa ay hindi pa ako handang maging ina. The word "mother" scares me so much.
BINABASA MO ANG
Relentless Deception
Romansa(Casa Klara Series #3) Being the breadwinner of the family was very difficult for Czarina. She's been working her ass off until she can't even breathe properly just to satisfy all the financial needs of her family. Her father just died, and she has...